Chapter 5

323K 3.1K 119
                                    

Pwede kayang ma in love si Kris? Kung oo, paano? Paano sila mai-in love? Madali lang ba?

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama katabi si Kris. Umaga na. Nagising ako kahapon ng 9:30 pm natutulog din si Kris sa tabi ko. Nag dinner lang ako at natulog na din noong mag 11:00 pm. Ang haba ng tulog ko. Ang sakit tuloy ng ulo ko.

Dumating yung dad ni Kris kahapon. Hindi ko nakita, sayang. Ano kayang itsura? Mukhang demonyo? Ugaling demonyo din ba? Bad Steph. Kung ano-ano na naman naiisip ko.

Pinagmasdan ko ang lalaki sa tabi ko. Nakatagilid sya at nakayakap sa unan sa gitna namin.

Bakit ang gwapo ng isang to? Palagay ko naman madaming naghahabol sa kanya eh. Bakit kailangan n'ya pa ako?

Hindi pa ako nagsusuklay o nagtutu-toothbrush. Napahikab ako. Ang haba na ng tulog ko pero parang ang bigat parin ng mata ko. Binuksan ko ang ref at kumuha ng makakain dun. Gising na kaya si manang? Tumuloy ako sa sala para manuod sana ng TV kaso.. teka, sino tong mga to?

Bakit nagkalat ang mga lalaki dito sa bahay ni Kris? Teka sino sila? Mga pinsan ba sila ni Kris? Kapatid? Lahat sila ay may mga itsura-- understatement yun. Mga gwapo sila, idagdag pa ang katawan. Kung makaupo sila, para bang bahay na rin nila to.

"Hi miss. I'm King!" Ngumiti ang lalaki na nasa gitna. Kumaway pa sya habang tumawata dahil may pinaguusapan yata sila. He is slouching on the sofa behind the guy na medyo mahaba ang buhok na natatakpan na ang mga mata nya.

"Ethan here." Kinindatan ako ng lalaking nasa gilid naman. "Si Stanley to." Turo nya sa katabi  na katabi rin ni King. Mukang masungit pero muka paring babaero.

TEKA?! Sila pala ang mga kaibigan ni Kris! Silang tatlo yun. Hindi ko naman kasi sila kilala sa mukha, sa pangalan lang.

Awkward na ngumiti lang ako sa kanila. Oh my god. Ano bang itsura ko ngayon? Nakakahiya.

Tumango na lang ako at ngumiti. Tumalikod na ako at lumiko sa kanan. Hala. Hindi pa naman ako sanay ng may ibang nakakakita saakin sa itsura ko pag umaga.

"Oh Steph hija, Gising ka na pala. Nandyan ang mga kaibigan ni sir Kris." Sabi ni manang habang may dalang glass of juice. "Galing ka ba sa sala?" Tanong nya.

"Ah.. opo. Bakit po ang aga nilang naandito?" Tanong ko.

"Nako masanay ka na. Bigla bigla talagang dumadating dito yang mga yan at nangbubulabog. Mababait naman yan, magugulo lang talaga." Ngumiti ulit saakin si manang. Gusto ko sana syang tulungan sa dala nya kaso nahihiya akong humarap ulit sa kanila.

"Ah sige po, good morning na lang po." Ngiti ko sa kanya at ganun din naman sya. Dumiretso na ako sa CR sa kwarto ni Kris.

Hindi na ako maga-almusal dito, magkikita naman kami ng bestfriend kong si Leila. Hindi ko lang alam kung papayagan ako ni Kris.. pero bahala na.

Naligo na lang ako at nagtapi. Ang mga gamit ko nga pala ay inilipat na sa kwarto ni Kris. Meron din pala ditong walk in closet. Malaki naman ang kanya kaya pinagsama na yung akin at kanya, mas ayos na iyon para hindi na ako mahihirapan pang lumipat sa kabilang kwarto.

Paglabas ko nakita ko si Kris na nakaupo sa dulo ng kama. May hawak syang phone, may katext ata. Pumipindot eh.

Nung narinig nyang sumara ang pinto ng CR, napatingin sya sa direksyon ko.

Tinitigan nya ako. Naiilang ako kasi nakatapis lang ako ng tuwalya. Ang lagkit ng tingin nya, parang hinuhubadan nya ako sa isip nya.

Naglakad na ako papunta sa katabing pinto ng CR, sa walk in closet, para makapagbihis na.

Stephanie, The Devil's SlaveWhere stories live. Discover now