The Beginning

2 0 0
                                        

"Halos lahat ng mga tao ngayon hindi na naniniwala sa forever na yan." -Ako

"Pwera na lang syempre ang may mga lovelife, tulad ni Jane " -Angela

"Oh? Bakit ako nadamay sa usapan nyo?" -Jane

Umupo ako sa tabi ni Jane at inakbayan siya.

"Kase ikaw lang naman ang may Lovelife sa atin eh. Diba Gel?"

Tumayo si Angela at tinabihan ako sa pagupo.

"Tama ka dyan Errhie, sya lang naman ang araw araw kinikilig dahil sa kasweetan nilang dalawa ng boyfriend nya. At dahil may boyfriend na sya kinalimutan na nya tayong mga kaibigan nya"

"Korak ka dyan friend!"

Tinggal ko ang pagkakaakbay ko kay jane at nakipag apir kay Angela. Habang si Jane naman tumayo at tinignan kami ng masama.

"Try nyo kayang magboyfriend para malaman nyo ang feeling ng pagiging busy!"

Tumayo si Angela kaya tumayo na rin ako. Gaya gaya lang no.

"Oyy! Naglalambing lang kame, eh bat galit ka?" Tanong naman ni Angela.

"Kase kayo eh! Nakakainis kayo!" Sabi nya habang tinuturo kami

"Ikaw pa ang may ganang ma-inis eh kami nga ang nawalan ng kaibigan dahil sa lovelife na yan eh" Sabi ni Angela

"Oo nga! Tama si Angela nawalan talaga kami ng kaibigan" sabi ko

Hindi nakasagot si Jane. Yumuko sya at bigla na lang umiyak.

"Oh. Bakit ka umiiyak dyan?"

"Kase kayo eh, galit kayo sakin. Sorry na kase" Tapos bigla kaming niyakap ni Jane.

Niyakap din namin sya ni Angela. Para kaming adik dito sa park na nagyayakapan.

Oh well thats life kapag nga daw mahal mo kahit gaano pa kasakit ang ginawa sayo mapapatawad mo pa rin.

"So makikipag-break kana kay Jayson? "

Bigla namang hinampas ni Jane si Angela, natawa na lang ako sa mga isip bata nato.

"Mahal ko si Jayson kaya hindi ko siya iiwan" Matigas na sabi ni Jane.

"Sa umpisa lang yan jane"

"Wag ka ngang bitter angela"

At hindi na natapos ang sagutan nila. Pero napaisip ako, ano nga ba ang feeling ng may love life? Anong feeling ng may boyfriend? Hayy life, forever single na ba talaga ako? Walang boyfriend, walang ex, walang --

"Aray naman!!" Ikaw ba naman ang hampasin gamit ang notebook ay hindi ka masasaktan.

"Anong drama mo? Ay hinde mali! Ano nanaman ang ini-imagine mong babae ka?" Tanong ng feeling nanay sa amin na si Angela.

Sasabihin ko ba? Sige na nga mapilit ka eh xD

"Naisip ko lang, pano kung magkaboyfriend ako, ano kayang feeling? Anong pakiramdam ng may boyfriend?"

Napakunot naman ang nuo nilang dalawa sabay tapik sakin ni angela sa balikat.

"Girl wag ako Nbsb ako, tanong mo dyan sa expert" sabat turo ni Angela kay jane.

"Hahaha yun lang ba Errhie? Hahaha" Baliw na yata itong babaeng ito.

"Oh bat ka tumatawa? May nakakatawa sa sinabi ko?"

"Wag highblood Errhie. Ganito yan kapag nakita mona ang one and only mo, ikaw mismo ang makakasagot sa tanong mo. Kase kung sasabihin ko sayo parang wala lang. Pero kapag nafeel mo na malalaman mo lahat ng dapat mong malaman tungkol sa love"

"Ang dami mong sinabi jane, wala man nga akong naintindihan eh" -Angela

So ako lang pala ang makakasagot sa tanong ko. Kailan kaya darating ang one and only ko! Hayy buhay parang pinaglalaruan ka lang.

--Errhie's House--

Pagkatapos maglakwatsa kanina ay dumiretso na ako sa bahay, nandito ako ngayon sa kwarto nagiisip-isip.

"Pano ko kaya mahahanap yung one and only ko na yon?"

"Kailan kaya sya magpapakita?"

*Bzzt*

Huh? One message receive.

| Angela Shin

May pasok tayo bukas Errhie, wag ituloy tuloy ang bakasyon. Pumasok ka ah! |

Monday na naman pala bukas! What the hell! Pero okay lang naman -_-

7pm na pala, wala akong kasama sa bahay kaya hindi na ako kakain tinatamad akong magluto. Makatulog na nga.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Feb 01, 2016 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

My Broken Glass Love StoryOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz