Chapter 6: ♫pagkat ikaw lang ang nais makatabi..malamig man o mainit ang gabi♫.

Start from the beginning
                                        

 “Hoy Anghel, ingatan mo yang si Zarren ah. Baka kung san mo dalhin yan. Direcho sa bahay nila ah.”-Fate, mabuting kaibigan lang.

“O- Oo naman. Anong kala mo sakin? Sige na. “-Sabay buhat kay Zarren palabas ng bar..papasok ng kotse nya..

“Naku naman Zarren, bakit ka ba kasi naglasing ha. Nu ba kasing trip nyo ni Scarlet?”

Di sumagot kaya dinugtungan pa nya..”Sa susunod, wag kang maglalasing kung di mo kaya. Maliwanag?”

Maliwanag pa sa sikat ng buwan ang nararamdaman ni Anghel nung mga oras na yon.. Yun oh, nakabalandra na sa harap nya ang maamong tulog na mukha ni Zarren eh.. Gustong gusto na nyang halikan eh.. Feel na feel na nya eh..Malapit na nga yung mukha niya sa mukha nito.. Kaso biglang may bumusina mula sa likod.. Badtrip lang, si James pala.. Baka magtaka pa kung bakit antagal nya bago mag-start. Kaya ayun, ini-start na nya..Naudlot tuloy ang masama nyang balak. Hehe.

Wala namang traffic dahil mag aalas dose na rin. Kaya narating nila kaagad ang bahay ni Zaren. Kanina pa sya bumubusina pero walang nagbubukas ng pinto..Wala atang tao. Bumaba sya ng kotse para tignan kung wala nga talagang tao. Nung masiguro nyang wala nga bumalik sya sa kotse. Badtrip lang kelangan pa nyang halughugin sa bag ni Zarren para makita ang susi.  Habang kinakapa nya ang susi sa bag ni Zarren, nanlaki mga mata nya nung bigla nalang nagduduwal si Zarren sa loob na kotse nya.. “Waaaaah, sinukahan mo kotse ko?? Tsk, oh pati damit mo may suka na rin.. Nu ba yan..tsk tsk..”

Walang susi. Pero parang may naispatan syang notebook. Organizer ata, ewan. Pero dahil pakielamero sya ay tinignan nya.. Whaaat? Oh ang mga mata..ingatan.. tsk,, sulat grade three lang kaya lalo syang nacurious.. waaaah  ang diary ni Zarren nung elementary. Shet.. Wala ng ligtas si Zarren.. Waaah, bakit ba kasi dinala pa nya yun eh..hay yari..

Napangiti si Anghel nung makita ang pangalan nya sa Diary. Pero di muna nya binasa lahat kasi baka biglang magising si Zarren, bukas nalang daw. Hehe. Kinuha nalang nya tsaka tinago sa gilid ng kotse.. nyahaha, yari na tong si Zarren. Ang matagal na nyang iniingatan.. tsk…Mahuhuli na rin syang balbon sya.. Wahaha…

Yun nga, balik tayo sa susi.. Wala kahit san sa bulsa ng bag ni Zarren. Eh wala pala eh, nung gagawin nya? Eh di ibalik, kumambyo pabalik.. Tsk,, tutal wala pa namang isang oras ay mararating na nila ang bahay niya.. Waaah, ibig sabihin ay sa bahay niya papatulugin si Zarren ganon? Putek.

Drive lang nang drive habang masuka-suka na rin sya sa amoy ng kotse nya..

Nung marating nila ang bahay nya, syempre mabilis nyang binuhat si Zarren papasok..parang bagong kasal lang ah.. nakana. Tsk.

Nilapag nya sa kama nya. Inaantok narin sya pero hindi nya mapapatawad ang sarili nya pag di nya napalitan ng damit si Zarren.. Waaaah, ambastos ng isip nyo ah.. Eh diba kasi sinukahan ni Zarren damit nya, kaya ganon. Eto namang si Anghel, maawaing tao lang kaya pakiramdam nya ay kailangan nang magpalit ng damit ni Zarren.

“Pano yan Zarren, mukhang pumapabor sa kin ang pagkakataon. Nyahaha. Pag gising mo magugulat ka nalang. Bwahaha.”-baliw.

Inisip nyang maigi kung pano ba niya bibihisan si Zarren nang walang malisya.. Hehe, eh kaso lahat ng paraan na naisip nya ay napapangiti sya.. parang kahit anong paraan ay mahihirapan nyang iiwas ang makasalanan nyang mga mata sa katawan ni Zarren. Lalo syang natawa nung maisip nyang pag bigla itong nagising, habang hinuhubaran nya, siguradong hindi na sya sisikatan ng araw.

“Hmm, pano kaya? Patagilid o habang nakaupo?”-nakahawak pa sa baba ang loko. Seryoso mode. Habang napapalunok..5 mins din syang ganon.

Waaaaah, eh pano yan habang nag iisip ng magandang anggulo ay biglang namatay ang ilaw. Shocks nagbrown out pa ata..Sakto, biglang naisip ni ANghel na yun na ang tamang pagkakataon para palitan ng damit si Zarren. Madilim. Wala syang makikita. Hmmm, Safe mode..Nyahaha!

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now