Chapter 6: ♫pagkat ikaw lang ang nais makatabi..malamig man o mainit ang gabi♫.

Comenzar desde el principio
                                        

“Ah hindi napadaan lang ako. Pinilit lang nila ko. Eto nga pala gift ko oh. Pasensya ka na di ako prepared. Hihi”-  putek, eto ang magandang halimbawa ng isang sinungaling at papansin. Tsk.

“Thanks. . Sige enjoy lang kayo jan. Kuha lang kayo ng food dun. Sige maiwan ko mun kayo”- tumalikod na si Clark. Halatang busy sa mga bisita nya. Naiwang korteng puso nanaman ang mga mata ni Scarlet.

Kainan.

Inuman.

Wala paring pansinan sa pagitan ng love team natin. Walang alukan ng food. Pero wag ka, di na kelangan ng meralco sa mga oras na yun, kasi kada magkakadikit ang mga braso nila Zarren at Anghel, waaaah,,,may spark daw. Tsk. Lupet.. Nakakakuryente lang.

Hanggang sa lumayo si Anghel. Mag-ccr ata. Ewan, di naman nagpaalam eh. Gusto nyo sundan ko pa? Ahihi.

Badtrip na si Zarren kasi ang tagal ni Anghel. Nakailang songs na wala pa. Bored na sya kaya simpleng hinanap ng mga mata nya si Anghel. Ganon din si Scarlet, Inip na inip na.

Nagpasama nalang sya kay Scarlet sa CR..

Paglabas ng CR...

Kitang kita nilang dalawa ang pinaggagagawa nung dalawang lokong hinahanap nila..Waaaah.. Pareho silang may kaakbay na babae..Tinalo pa ang lunar eclipse ng paninilim ng paningin ni Zarren..

(Zarren's pov) Walanghiya ka talaga!! Tampalasan!!!Not once but twice!! Makikita mo..GRRR!

(Scarlet's pov) Waaaah!! Pano mo nagawa sakin to Clark??Kala ko ba gusto mo ko? Patext text kapa ng quotes jan.. huhuhu! papakamatay nalang ako!!

Nagkatinginan ang dalawa. Mejo madilim kaya hindi naaning ni Scarlet ang namumuong luha ni Zarren. Pumuwesto sila sa malayong table. Malayo kila Anghel. Kahit hindi sila nag-uusap ay alam nila kung bakit nananahimik ang isa’t isa. Badtrip sa badtrip. Tinawag nila yung waiter. Saktong may dalang tequila. Humingi sila ng tig-isa. Shot!

Isa pa. Shot ulit.

One more. Hanggang sa tuluyan na silang malasing..

Umiikot ang paningin ni Scarlet pero nakangiti parin habang si Zarren naman ay bagsak na.. Dun palang sila nakita ni Fate..Nag omaygash pa habang dali-dali silang nilapitan. TSk, kasama kasi ang boyfriend kaya di na namalayang nawala sila.

“Teka, Bakit kayo naglalasing? Oy Zarren, gising. Scarlet tama na yan.”-weh, panic daw gusto lang din makainom eh. Palibhasa sa paningin ni James ay hindi sya umiinom. Hehe.

“Uy, shino ka? Madam Auring hulaan mo koh!! Nyahaha. Waiter! Ampanget mo, penge pa nga isha!”-Scarlet-lasing mode.

“Tumigil ka na nga. James! Patulong naman. Mga lasing na to.”

Waaah, kung ako kay Fate di ko aawatin tong si Scarlet eh. Nakakarami na talaga ng exposure eh. Nang-aano eh. Eh tumba na nga si Zarren, sya gising pa. Tsk. Patulugin ko na nga.. Ayun,, tumumba din..

Sakto namang pagdating ni Anghel.  Amoy alak na rin ang lolo mo , halatang nakainom pero di nasa katinuan pa naman..

“Whoaaa! Anong nangyari??Bakit lasing sila? Zarren!Zarren!”- ANhel shock lang. Todo ang uga kay Zarren, kala lang nya magigising yun..tsk,  yan kasi puro babae ang inaatupag..

“Hindi ko alam..Iuwi na natin yang mga yan..”-Fate Badtrip ganda pa naman ng gabi, iinom-inom pa kasi eh. papansin pa tong dalawang to..

Hehe, nagbabalik ang reyna ng pov ah.. tsk. Ayun. Napagkasunduan nila ni James na ihatid si Scarlet sa bahay nito kasi on the way lang daw naman nila yun. Samantala si Anghel naman ang kay Zarren. Eh wala eh nagpumilit eh. May magagawa pa ba sila dun kung ang pinakamakulit na nilalang na ‘to ang mag-insist..

It Started with a 'K'  (from A to Z)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora