Malabo man ang aking pag-iisip (Happy bday Clark!)
Sanay pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin (picture=picture)
(hihimatayin na si Scarlet. Korteng puso na ang mga mata ♥,♥)
Chorus: (di na magkarinigan sa bar dahil sa mga babaeng yun..tsk)
♫Ako’y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan akoy manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap akoy nasasabik♫
Pagka't ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang siyang aking iibigin...
Tubig. More tubig baka matuyuan si Scarlet sa kakasigaw. Sinusubukan nyang hulihin ang tingin ni Clark. Waaah. kinilig sya lalo nung mapatigin ito sa kanya habang kinakanta ang chorus. Putek.
Waaah, teka-teka.. napansin ko lang..nakakarami na ng exposure si Scarlet ah. Baka magselos nyan si Zarren, eh sya bida dito eh. Tsk. Segwey lang ang kay Scarlet, buk3 pa yun kaya bumalik na tayo sa mala jolina-marvin na love story dito. Hay. Napansin ko lang..parang bagay kila Zarren at Anghel ang kantang 'Alipin". hehe.
Yon. Kahit mejo madilim ay nahuhuli pa rin ni Zarren ang mga tingin ni Anghel mula sa gilid nya. At kahit naninibago sya sa katahimikan nito, ay wala syang pakielam. Basta sya, ineenjoy lang nya ang mga tingin na yon. Kunwari iinom sya ng ice tea (ice tea lang muna kasi maaga pa-tsk, nag explain eh noh) titingin sa baso, babanda ang tingin sa gilid tapos yun, makikipagsukatan ng tingin kay ANghel. Hanep, mga taktika neto ah. Tsk. Parang mas malupet pa to sa para-paraan ni Fate nung buk1 ah. May pabanda-banda effect pa. hay Zarren, ang reyna ng crushan. Tsk.
Pero syempre, kahit nananahimik ang bida nating si Anghel ay hindi sya papayag na wala syang pov. Bwiset, pano ko ba to uumpisahan. Pano ba mag explain ng maayos??Yung seryoso at walang halong kalokohan. Pano ba kasi magseryoso? Hindi maniniwala si Zarren sa mga sasabihin ko, alam ko yun. Yun pa eh napakabilis gumana ng utak nun. Wala pa ngang tanong, may sagot agad. Tsk, tsk
(Zarren’s pov) Ano na, ganito nalang ba tayo hanggang mamaya? Buti pa si Scarlet may Clark, si Fate may James. Eh ako, ano ko dito? OP lang ako. Sana di nalang ako sumama. Hay..
Natapos na’t lahat ang kanta ni Clark ay iniisip pa rin ng dalawang to ang isa’t isa. Hanggang sa may pumuntang dalawang babae sa stage at pinunasan ng pawis ang noo ni Clark
(Scarlet’s pov) MALALANDI!!!!. Akin yan! Kaya umalis kayo jan! Mga baluga kayo. Mga nognog!!”- hanep may pov na. tsk.
“Thank you. Thank you guys for spending the night with me. Para sana lahat tayo mag-enjoy.”- sabay kuha ng beer at itinaas sa ere.
Lalong umingay nung bumaba ng stage si Clark. Hanep. Ito na ata ang matuturing na crush ng bayan nung gabing yon. Dami talagang babaeng nagkakagusto dun. Nakailang offer na rin yun si Clark galing sa mga bading. Tinatanggihan lang nya kasi nga diba, di naman nya kelangan ng pera, galing sya sa mayamang pamilya. Swerte lang di tutol sa pagkanta nya ang pamilya nya. Yung iba kasi diba, yung sa mga palabas, ang mga magulang numero unong pakielamero sa career ng mga anak. Buti nalang supportive ang parents nitong si Clark kaya ayun, successful sa career. Di man sikat sa tv at radyo, malakas naman kumita ang bar nya. Puno gabi-gabi.
Pumunta sa table nila Zarren si Clark at binati nila ng happybday. Batian part2.
“Hay Scarlet, buti nakarating ka.”-Clark, may hawak pang bote ng beer.
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 6: ♫pagkat ikaw lang ang nais makatabi..malamig man o mainit ang gabi♫.
Start from the beginning
