Chapter 6: ♫pagkat ikaw lang ang nais makatabi..malamig man o mainit ang gabi♫.

Start from the beginning
                                        

“Zarren ha. Kawawa naman tong si Anghel dito. Nilalamok na. Pag to nagkadengue. Buksan mo na kasi. Male-late na tayo.”

Sa puntong to, naasar na si Zarren sa pinagsasasabi nung dalawa kaya binuksan na rin nya ang pinto..

“Oh?”- Eh bakit nageemote pa tong Zarren na to eh ready na pala ang get up nya..wahaha.

“Tara na.”-Hinila ni Anghel kamay nya para wala nang kawala.

Di na sya nakaangal. Inisip nalang nya si Scarlet. Mukhang eto ang may birthday ah. Excited much eh.

Ayun. Habang byahe, di nya pinapansin si Anghel. Kahit sya ang nakaupo sa unahan parang mas madami pang napagkwentuhan to at si Scarlet. Naaasar sya sa twing magagawi ang tingin ni Anghel sa kanya. Hay. Etong si Zarren kasi, kahit di nya sabihin ay parang nababasa ko na sa kanya na naghihintay siya ng explanation mula kay ANghel. Pa let me let me explain pa kanina eh di naman nag explain. . tsk. Parang may silent war lang sa pagitan nila. Pansin din kasi nya na di sya kinakausap ni Anghel.. Tinitignan lang. Hirap nga daw basahin ng utak ni ANghel kung feeling sorry daw ba o ano. Lalo tuloy syang nainis nung di rin siya nito kinakausap..

Nung marating nila ang bar ni Clark. Nagulat si Zarren sa dami ng tao.. Yan ba ang sinasabi mong magiging malungkot si Clark kasi walang bisita??Sinungaling talaga ang kumag na to..

Hinanap ng mga mata nila si Clark. Di nila naispatan sa stage kasi iba yung kumakanta.

Tingin dito

Tingin don.

Hanggang sa makita nila sila JP at James. Naispatan din nila dun si Fate.

Batian portion. Biglang datingan ng iba pang tropa ni Clark. Samantalang si Scarlet ay halos humaba na ang leeg kakahanap sa sinisinta niyang si Clark oh Clark.

“Oh Zarren, buti nayaya ka ni Anghel dito. Kayo na?”- Si Fate landi lang nakahilig pa sa balikat ni James. Hihi. (Namiss ko tuloy bigla ang buk1) :(

“No way. Ginoyo lang ako nyan. Sabi wala daw bisita si Clark. Kawawa daw. Kaya eto ko.” (weh, ediba naka bihis na sya nun?)

“Hehe, pagpasensyahan mo na yang si Anghel. May pagka abnormal yan eh. Feb.29 kasi ang birthday nyan.” –JP mukhang alang kasamang girlfriend. Sayang di ko naisama sa set up si Tina.. tsk.

“Kaya pala may sayad.”-Zarren. Hmm, Feb29 pla ah. Tatandaan ko yan.

“Anong may bayad ha, eh libre dito.” –ay bingi.

Usap-usap. Hanggang sa magpakita na si Clark. Syempre pinakilala muna ito ng emcee..binati ng happy birthday bago dumirecho sa stage. Hindi kasi sila nakita..

Sabay intro ni Clark ng kantang Alipin ng Shamrock.. (G-Bm-C 2x)..Sige tira pareng Clark..tsk

“I dedicate this song to my special girl..”   Sino? Si Scarlet ba yan? Aminin na bilis, wag na sumegwey.

Sa puntong ito, maraming babae na ang napapatili sa taglay na charisma ni pareng Clark. Kada table ay may sumisigaw.Syempre kasama na dun si Scarlet. Tsk, iba talaga pag gwapo at may dating ang singer. Hayup sa sex appeal tong si Clark. Eh kahit ata di maligo to, di halata eh. muy bien..haha. mama mia tamia (full description sa buk3)

♫Di ko man maamin                 (tilian-whoooo!)

Ikaw ay mahalaga sa akin         (tilian ulit-whoooh!Go Clark)

Di ko man maisip                      (Pakiss!!!)

Sa pagtulog ikaw ang pnaginip   (Ako dinnnn!)

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now