Chapter 11

2 0 0
                                    



"Uwi na tayo." Nagulat naman ako bilis ng pangyayari. I mean ang layo ng building nila sa building namin ah? Bat ganon? Tapos ngayon hawak na nya yung kamay ko at buhat ang bag ko?

I just shrugged at my thoughts, Galit ako sakanya. Bigla bigla syang magsusungit at bigla bigla akong ipapahiya? Nakakainis. Hindi ko na hinintay na pagbuksan nya kong pinto at derederetso na akong umupo.

Nang paandarin nya na ang kotse nya, Tumahimik na ko then I plugged my earphones. Sa kalagitnaan ng byahe napasalubong ang kilay ko at hinubad ko ang earphone ko.

"Di ito ang daan papuntang bahay, Kieru." Tumango siya at sumulyap sakin sabay balik ng tingin sa daan.

"Papakilala kita kila mommy, baby"

Tumango na lang ako. Goosebumps. First time nya lang akong tawaging baby at ang weird nun sa tenga.

--

"Sorry" Napatingin naman ako sakanya. Gulat, Ramdam ko yan ngayon. Kasi hininto nya sa tabi ang car. Tumingin naman sya sakin din long eyelashes and dark brown eyes.

Pero agad akong umiwas.

"Sorry sa inasal ko kaninang umaga, Sobrang sorry, Sorry kasi sinungitan at iniwan pa kita, Sorry kasi...... napahiya kita kanina." Bumuntong hininga ito. "Sorry booboo."

"Booboo?" Napatawa naman ako. Isang malakas na tawa. Na halos di mo na makikita ang mga mata ko sa sobrang unat nito. Pero nanatili itong seryosong nakatingin sakin.

"Oo, Ang cute kaya. Pinapatawad mo na ba ako?" Napatigil naman ako sa kakatawa at muling tumingin sakanya, Nagpapacute ang loko.

"Halika na. Baka inaantay na tayo ng m-mommy m-mo." Di ko mapigilang kabahan bigla, Oo nga pala. Pupunta kami sa bahay nila. Nakakakaba.

Nagpout naman ito at inistart ulit ang kotse. Napangiti naman akong palihim kasi nagda-drive siya tapos ang haba-haba ng nguso nya. Bat ang ba-bipolar ng mga lalaki?

Tumahimik na lang ako tapos siya naman todo sa parinig at pagtatantrums na parang bata pero eto ako kinakabahan sa bawat pagikot ng gulong (alam kong exagge to masyado)  at pagpalit ng lugar kasi anytime pwedeng malapit na kami o kaya naman ihihinto nya ang kotse at sasabihing Andito na--

"Andito na tayo." Shet. Eto na nga. Huminga akong malalim at tumingin sa labas, Bumungad agad sa aking mga mata ang isang napakalaking bahay. Di na ko magtataka kilalang kilala ang Sangchun dahil sa impluwensya nito.

"Ano uupo na lang tayo dito Addi?" Napalunok naman ako sa sinabi nyang ito. Kung siya kaya nasa pwedsto ko ngayon dba? Kung siya andito sa shotgun seat! Hindi joke lang, Kung siya kaya ipakilalang girlfriend.

"Labas na." Sa kakaoverthink ko di ko na napansin na nakalabas na pala siya at pinagbuksan nya pa ako ng pinto. Agad naman akong lumabas at sumunod sakanya.

"Aray" Nabungo kasi ako sa likod nya. Masakit sobra. Yung ilong ko. Huhu.

Umikot naman ito paharap sakin at tinaas ang baba ko.

"Chin up, Ang ganda mo kaya." Atsaka nya ako nginitian. Yung mga mata nya na naman. Kinuha nya naman ang kamay ko at ano pa nga ba? Syempre holding hands.

If I know kaya lang sya pabeautiful-beautiful kasi may kasalanan sya sakin! Hmp! Di nya ko madadaan dyan.

"Omg hija!" Agad namang may yumakap sakin na magandang babae na brown ang buhok at may maputing kutis at malambot na skin. Ang higpit nya makayakap.

"Ma.." Sa pagsalita ni Kieru, Agad nang humiwalay sa yakap ang mama nya.

Mrs. Sangchun pouted. Ang ganda nya parin.

"Anak, Possessive mo naman. Mamaya mabali kamay ng girlfriend mo at di mo mabitaw bitawan. Hihi." Nahiya naman ako bigla sa tukso ng mommy nya samin.

"Psh, Ma naman eh. Btw, Kahit alam mo nang girlfriend ko to, still, papakilala ko sya. Ma, Si Addi ang napakaganda kong girlfriend kaya lang flat chested eh." Tumigil naman sya and he slightly chuckled, pinress ko naman yung kamay namin. "At flat chested kong girlfriend pero mahal na mahal ko parin, Si mama nga pala."

"Goodevening po Mrs. Sangchun." Nakangiti nya naman akong tinitigan parin. Nainsecure tuloy ako bigla sa itsura ko. Di kasi ako prepared di ako nakapag-ayo.

"Dear! Tita Kara na lang! Ang ganda mo talaga!" Tumango ako at saka niyakap nya naman ulit ako." At saka Kieru! Makaflat chested ka sa girlfriend mo ah!" Piningot naman nya ang tenga nito at natawa ako sakanila. Kawawang Kieru.

Son and Mother Bonding. :)

"Ugly Brother!" Hinanap ko naman yung nagsalita ng mapansin kong may maliit na batang lalaki ang nakatayo sa hagdan habang magkasalubong ang kilay nito.

"Mas pangit ka liit!" Napatawa naman ako kasi binelatan nya ang kapatid nya. Binatukan naman siya ni tita. Ang cute nila. Gusto ko rin ng kapatid na maliit. Hihi.

Umirap naman ito sa kuya niya ng napansin nya ako parang nagulat ito at tumakbo samin ni Kieru.

"Waching!" Umacting pa itong parang nagka-karate na pinaghiwalay ang kamay namin na magkahawak. Napatawa naman ako.

Hinila hila nya naman ang laylayan ng damit ko kaya lumuhod ako para makalevel ko siya.

"Hello baby boy." Nginitian ko ito at saka hinimas ang pisngi. "Anong name ng gwapong baby boy na nasa harap ko?"

"Gwapo daw ako Kuya! I told you so!" Binelatan nya naman ang kuya nya at binalik nya agad ang atensyon nya sakin. "Vaughn at your tervite!"

Napatawa naman ako sa pagbanggit nya ng service dahil bulol pa siya at sa pagsalute nito.

"Ate Addi naman ako!" Then I winked at him ng akmang yayakapin ko sya finorm nyang ✖️ ang kamay nya at lumayo ito ng bahagya, napakunot naman ang noo ko.

"I dont accept hug ate, I prefer kitet." Seryoso nyang sabay at wave ng index finger nito sa harap ko sabay turo ng lips nya.

Inismack nya naman ako sa lips ng dalawang beses habang iniipit ang pisnge ko!

"Baby!"

"Wag mo nga ako agawan ng girlfriend liit!"

Sabay kaming hinila ni tita Kath at Kieru. Napatawa naman ako dahil dun.

"Eh! Mas bagay kami!" Pilit nya namang inaabot ang kuya nya pero buhat buhat siya ni tita.

"Asan kiss ko? Bat si mommy wala?" Nagpacute naman si tita dito at si Kieru ay napailing na lang sa inaasta ng mommy at little bro nya.

"You're molesting my lips ang face lagi mommy eh." Then he pouted.

Ang hilig nilang magpout ano? Ang cute lang.

"Dinner is ready." I froze. Yun na ata si Mr. Sangchun? OMG.

Just PretendingWhere stories live. Discover now