Chapter 10

2 0 0
                                    


Napadilat naman ako ng nauntog ako. Shit. Nakatulog pala ako.

"Kie---" Asan na yun? Bat wala na sya? Napansin ko naman agad na may post it na nakadikit sa harap ko.

"Una na ko? Wow. Kieru. Napaka wala mo talagang puso. Kingina ka. Kukulamin kitang hinayupak ka." Bumaba naman na agad akong kotse at tumakbo. Fck. Late na late na ako.

Tumakbo naman na agad ako. Kahit sumasakit yung paa ko. Wala na kong pake. Sa lahat na ako sa una kong klase eh. Bumuntong-hininga naman na muna ako bago ako kumatok.

"Ma'am..." Nakayuko ako. Nahihiya ako. Leche. Di talaga ako magaling sa mga ganitong bagay. Kahinaan ko to.

"Wow, Ms. Ortega. Napaka-aga mo. Napakaaga mo para sa next class." Then the class slightly chuckled, Yumuko ako lalo. Oo di ko akalain na may iyuyuko pa ako sa lagay na to.

"Sorry po ma'am."

"Freshies nga naman, Wag pairalin ang katamaran mo hanggang dito ah?" Napa-angat naman ako ng tingin ngayon. Lumunok muna ako bago magsalita.

"Ma'am di po ako late dahil sa tinamad akong pumasok o dahil sa gising ko. Actually po, Kasama ko po si Mr. Sangchun. Nakatulog pa ako sa kotse nya." Sumilip naman ako kay Kieru at umiwas sya ng tingin sakin.

"Hiningi ko ba opinyon mo Ms. Ortega? Mr. Sangchun, Totoo ba yun?" Bumaling naman din ang tingin ko kay Kieru, Ang buong klaae din ay naghihintay sa sagot nya.

"Hindi po." Tngna? Napanga-nga naman ako at agad na nagigting ang mga panga ko sa sinabi nyang iyon? Hindi? Ibig sabihin pinapalabas nyang sinungaling ako? Na story maker ako? Wow? Kieru? Demonyo ka talaga.

"Oh well, No comment. Maupo ka na at makinig." Nginitian naman ako ni ma'am at umupo na ako sa pinakadulo. Pinagbubulungan nila ako. Diyan naman sila magaling dba? Hahaha. Judgemental.

Pinikit ko na lang ang mata ko at saka yumuko. Syempre, Traydor ang luha ko. Kusang tumulo. Gusto kong sumigaw. Gusto kong tumakbo. Kaya naman nang agad na magdismiss. Tumakbo agad ako sa cr at pumasok sa isang cubicle dun. Umupo ako agad at niyakap ang mga binti ko. Tahimik lang akong umiiyak. Ganito naman lagi eh.

"F-ck." Napaangat naman ako ng tingin. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko ngayon.

"Sir?!" Tinakpan nya naman agad ang bibig ko.

"Ssh. Mamaya may makakita sayo dito! Anong ginagawa mo ba dito sa cr ng boys?!" Pabulong nyang sigaw sakin. Napahiya na naman ako.

For the second time. Yumuko na lang ako sabay bulong ng Sorry.

"Cge na labas ka na. Wala naman atang tao eh." Kumalma naman si sir. Pero nakayuko parin ako. Nahihiya ako. Anong katangahan na naman ba ito? Siguro sa sobra kong kakaiyak di ko na napansin na nakapasok ako sa cr ng boys.

"Sorry po ulit at thank you." Agad naman akong tumakbo palabas.

Ang bilis lumipas ng oras, Next class ko na pala. Di man lang ako nakakain. Yung alaga ko sa tyan, Nagwawala na. Umupo naman ako sa dulo ulit, Komportable kasi ako dito sa pwestong to. Nang maalala ko na naman yung nakita ko sa cr kanina. Huhuhu.

Binababa nung prof ko yung zipper ng slacks nya, Omyghod Addi! Sir Aero talaga. :( Bata pa ako eh.

"Malalim ata iniisip natin ah?" Napalingon naman ako sa tumabi sakin.

"Di naman." Pagsagot ko. Sinagutan lang din naman ako ni Kurt ng isang simpleng ngiti.

"Okay ka lang?" Tumango ako ng mabilis sa sagot nya.

"Kapag kailangan mo ng kausap, Andito lang ako Addi." Pagsagot nito. Naconfuse naman ako sa sagot nyang yun. Anong ibig sabihin nun? Nang magre-react pa sana ako ng 'huh?' Sakto namang pumasok yung prof namin. Ganon naman lagi dba? Hays. Laging may iintrega bigla. Nakakainis lang.

4 na oras pa ako magse-stay sa room na to. Nang second subject na. Nagba-bye na si Eron sakin kasi break na nya daw. Napansin ko lang mga nakaka-close ko sa block namin ay yung mga irreg kagaya ni Hershey. Di ko talaga sya kablock. May klase lang sya dito ng isang subject. Ganun din si Eron pati si Kieru kaso nagshift sya. Kaya wala na kaming klase na parehas ni Kieru okay na rin yun atleast di ko sya makikita. Urat parin ako sakanya at wala pa kong close na kaklase ko dito.

"Ay, Kieru!" Napatakip naman ako sa nasigaw kong pangalan. Leche kasi tong si Jass, Pahampas-hampas sa table ko.

"Iniisip mo pala si Kieru? Sorry sa istorbo!" I just rolled my eyes at her. Nakakainis to.

"Nagawa mo dito?" Umupo naman agad ito sa tabi ko at nginitian ako.

"Nah. Just visiting you, Madalas ka na kasing busy bes." Nanahimik na lang ako. Well, That's true.

"Studying" Simple kong sagot. Half truth, Half lie. Wala talaga akong ganang sumagot ngayon. Kase ewan ko? Ewan ko talaga.

"How's you and Kieru nga pala?" Napakunot naman yung noo ko sa tanong nya. That asshole. Napakakapal ng mukha nya.

"Yung kumukunot nong noo says it all! Hahaha!" She laughed out loud. Inirapan ko na lang tong bestfriend ko. Parang tanga naman kasi.

"Shut up bes."

"You know what? Go with the flow! Ienjoy mo na lang. Tutal andyan na but always be ready sa resulta nun. Be ready sa ending and always think of this! Everything happens for a reason." She stood up and bid a goodbye.

Clueless. Dumbfounded. Just like how she leave me right now? Ugh. Anong ibig sabihin nya dun? Cguro nga ieenjoy ko na lang to. Wala naman sigurong masama dba?

Pumasok na ang prof namin, The whole class. Lumilipad lang ang utak ko. Poor Addi.

Just PretendingWhere stories live. Discover now