I'm Inlove with a NannyBy: Ms. Undaunted Finale

16.2K 312 9
                                    


  "Final list na ba ito Kuya?,"mulagat na tanong ni Nova sa kanyang Kuya Niel ng mabasa ang pinapagawa nitong invitation card.

"Yes! Bakit parang hindi ka sang-ayon sa nakalagay diyan?"

"Aaron de Guzman is the best man? How about Chuck! Iyong best buddy mo? Wala nalang kuwenta?"

"Groom's men lang siya, kasi mag-partner sila ni Mathesa eh, iyong girlfriend niya."

"Naman! I don't like this Kuya Niel!"

"What's wrong with you kung si Aaron ang partner mo?"

"Ayaw ko sa kanya! Ayaw ko!"

"And why?"

"Basta ayaw ko! Panira lang siya ng masayang moment sa'kin."

"Dahil?"

"Dahil panira nga! Ano bang gusto mong sabihin Kuya?,"nairitang tanong ng dalaga.

Waaah! Siya at si Aaron ang mag-partner!

Siya ang maid-of-honor sa kasal nina Zyline at sa Kuya niya, tapos si Aaron ang bestman? Sana si Henry nalang!

"How about Henry?"

"Si Henry at si Tess, 'yong gf din niya,"sabat sa usapan ni Nathaniel.

Sina Zyline at Fresha ay kasalukuyang nasa loob ng silid nito para sa final fitting ng wedding gown ni Zyline.

After one month of preparing for the wedding ceremony, ay heto, patapos na din.

Araw nalang ang hinintay nilang lahat para masakal ay este makasal pala sina Niel at Zyline.

Siyempre, tuwang-tuwa si Clyne.

Flower girl pa nga siya eh.

Pati na rin si Zyline, hindi na halos makatulog dahil sa sobrang excitement.

Si Nova lang ang hindi excited, knowing that she can see Aaron again, her nightmare.

"My little brat sister, umayos ka riyan. Baka iisipin ko talagang may gusto ka kay Aaron."

"Ano po?!,"nagkagitla ang noo na sigaw tanong ni Nova.

"I hate you Kuya Niel! You're always teasing me!"

"Enough! Ano naman kung kayo nga ni dude Aaron ang magkapareha sa wedding nina Niel at Zyline? Hindi kana man siguro pipikunin no'ng tao,"si Nathaniel.

"Anong hindi Kuya? Siraulo 'yon eh,"nagpapadyak na sabi ni Nova.

"Kikiligin ka for sure,"si Niel sabay tawa.

Iyong batuin siya ni Nova ng throw pillow at sapol siya sa mukha.

"Aray! Ikaw talaga ha!"

"Please enough teasing me, please Kuya!"

"Okay,"si Niel sabay tawa.

Inirapan siya ni Nova at tinalikuran silang dalawa ng Kuya Nathaniel nila.

"Anong nangyari?"

"Iwan ko Kuya, ang sarap pikunin ni Nova eh."

"May hindi ba ako alam sa kanilang dalawa ni Aaron habang nasa Japan ako?"

"Hindi ko alam Kuya, pero you better to ask your best buddy."

Nagkibit-balikat si Nathaniel at tinapik nito sa balikat ang kapatid.

"Pupuntahan ko lang ang mga bata sa playroom"

"Sige Kuya."

Naisipan ni Niel na puntahan si Zyline at Fresha sa kanilang silid upang tingnan ang kanyang wife to be.

Nitong mga nakaraang araw, may napapansin siya kay Zyline.

Parang ayaw siya nitong makatabi sa pagtulog.

Iwan niya kung ano ang kasalanan niya at mukhang iniiwasan siya ng dalaga.

Pagpakasok niya sa kanilang silid ay wala na si Fresha, si Zyline nalang ang naiwan.

Naglalaro ito ng flappy bird. LoL

"Sweetheart, how's the fitting?"

"Okay lang naman, mukhang tumaba ako, kasi sumisikip 'yong damit eh."

"Tumataba? Hindi ka naman lumalamon ah."

"Lumalamon ako, marami! Kapag tulog ka."

"Anong nangyari rito? Pasinghal pa kung magsalita,"sa isipan ni Niel.

"Sweetheart, ayos ka lang?"

"Ano sa tingin mo?"

"Ba't ganyan ka kung magsalita?"

"Anong mayro'n sa pananalita ko? Ehh! Lumayo ka nga sa akin!,"sabi nito ng tabihan siya ni Niel.

"Sweetheart--"

"Ano ba Niel, lumayo ka sa akin. Ang baho mo!"

"Anong mabaho? Kakaligo ko lang ah."

"Basta ang baho mo. Lumayo ka sa akin sabi."

"Okay," si Niel at binuksan nito ang 40 inches sony bravia na telebisyon.

Manonood nalang siya ng movies.

Hindi niya alam kung anong nangyari sa nobya niya.

Biglang nagbago.

Suntukin kaya niya ito.

Ay hindi, hahalikan?

I-sex?

Waaah, ang utak kong malandi.

Nang mag-umpisa na ang pinapanood ni Niel ay natigil sa paglalaro ng flappy bird si Zyline.

Nakinood na rin ito.

Nang biglang batuhin ni Zyline ng remote control ang malaking screen ng telebisyon.

Basag ito.

Nagulat si Niel.

"Sweetheart, what's wrong with you?"

"Wala! I just don't like the rule of the girl in the movie. And corny eh."

"Sweetheart naman, kawawa 'yong telebisyon,"si Niel at lumabas ng silid upang tawagin ang kasambahay para malinis ang nabasag na screen.

Napaingos si Zyline at nahiga sabay nagtalukbong ng kumot.

"Tanghaling tapat, nagkukumot ng makapal?,"si Niel sabay hablot sa kumot.

"Ano ba Niel, layuan mo kasi ako, ang pangit mo eh."

"Ha? Ako pangit? Kailan pa nangyari?"

"Basta pangit ka!"

"What the---"

Agad na lumabas uli ng silid si Niel.

Hindi niya maintindihan si Zyline.

Pangit daw siya?

At mabaho pa?

"GATE-crasher,"si Nova sabay apak sa paa ni Aaron.

Kasalukuyan silang nasa reception at kanina pa siya pikang-pika sa binata nang nasa loob sila ng simbahan.

"Ouch! Anong gate-crasher? Invited ako sa wedding ng kapatid mo dahil ako ang kanyang bestman,"napangiwi nitong sabi.

"Whatever!"

"Masungit! Pero ang ganda mo sa suot mong gown, bagay na bagay sa mataba mong katawan."

"Ano?! You!,"si Nova sabay duro sa mukha ng binata.

Tawa nang tawa si Aaron habang nakatingin sa namumulang mukha ng dalaga.

Iwan niya pero kanina pa nag-eenjoy na inisin ito.

Nang lapitan sila sa bagong kasal.

"Congrats!,"si Aaron.

"Samalat, saan naman si Charie?"

"Ah wala, hindi siya pupunta."

"Malamang nasaktan dahil nakatali na si Kuya, haha! Kawawang nilalang."

"Nova,"saway ni Niel.

"Congrats Zy!,"sabi nalang nito.

"Salamat."

"Welcome to the del Tierro family. Saan daddy mo?"

"Nasa table kasama ang Kuya Nathaniel at Fresha."

"Pupuntahan ko lang ha? And by the way, you look so gorgeous with your wedding gown, kahit nagi-gain ka nang weight."

"Salamat Nova, ikaw din, you look so fabulous with your gown."

"Yikes! Thank you,"nakatawang sabi ni Nova at nagmamadali itong umalis.

Maraming bisita ang dumating kaya hindi magkamayaw ang bagong kasal sa pag-istema ng mga ito.

"Sweetheart, you look so tired, pahinga ka na lang muna."

"No, okay lang ako. Kaya ko naman eh."

"Sweetheart."

"I'm okay, don't worry,"nakangiting sabi ni Zyline.

Minsan okay ang mood niya kay Niel, minsan naman ay hindi niya mapigilan ang magalit dito kahit wala naman itong ginawang masama.

Pakiramdam niya ay masusuka siya kapag katabi ito.

Iba ang amoy ng asawa niya.

Parang babaliktad sikmura niya.

"Sweetheart, you look so pale, okay ka lang ba talaga? May room na naka-reserve for us dito rin mismo sa naturang hotel, so you can take a rest."

"Siguro nga, dahil mukhang hihimatayin ako."

Inalalayan siya ni Niel palabas ng function room kung saan ando'n ang reception.

Nakita sila ni Nova kaya hinabol sila nito.

"What's wrong with Zy?"

"Nahihilo raw siya at parang hihimatayin siya. Kaya ihahatid ko na muna siya sa room na nakalain para sa aming dalawa."

Napakunot-noo si Nova.

Nangingibabaw ang nasa isipan ng dalaga na baka buntis si Zyline.

"Baka pregnant na si Zy, diba nagi-gain siya ng weight saka, panay ang reklamo mo sa akin na unpredictable si Zy now a days. Sabing mabaho ka, sabing corny ang rule ng mga babaeng nasa movie saka pangit ka raw, Kuya."

"Ako pregnant?"

"Oo ikaw! Don't tell me virgin ka pa, Zy?,"nakatawang tanong ni Nova.

"Tsk! 'Yang bibig mo brat."

"Sorry Kuya, pero mukhang preggy na si Zyline. Aba! Madadagdagan na ang pamangkin ko and Clyne? Waaah! Magkaroon na siya ng kapatid!,"nagtitiling sigaw ni Nova.

"Hoy 'yang bunganga mo! Hindi pa nga confirm tapos ang ingay mo na riyan."

"I'm sure, preggy na si Zyline! Kailan ba huling ovulation period mo?"

"Huh?"

"Naman gulat agad! Kailan nga?"

"Almost 2 months na pala akong delayed."

"Waaaaah, buntis ka nga! Buntis ka Zy. Kuya congrats, nakabuo ka rin dahil sa aphrodisiac."

Inumangan ng suntok ni Niel ang kapatid niyang pasaway.

"Hey no! Kuya naman eh. Oh siya, pahinga na muna kayong dalawa. Kami na ang bahalang mag-explain sa mga bisita ninyo. Tsaka excited akong ibalita nina Kuya Nathan na buntis si Zy. Yes!"

Napailing si Niel at inakay na nito si Zyline.

"Hon, buntis kaya ako?"

"Ano ba ang pakiramdam mo?"

"Pagod, sarap kumain, sarap matulog, minsan ang bilis kong magalit saka ang baho mo, at minsan naman tingin ko sobrang pangit mo nalang."

"Well, para makasiguro tayo, pupunta tayo ng doktor kinabukasan. As of now, pahinga na muna tayo."

*******

"Clyne princess! Guess what?"

"Na ano po Auntie?"

"Your mommy Zy is pregnant! Alam mo naman 'yong pregnant diba? Iyong may baby inside her womb, kapatid mo!"

"Talaga po? Yeheey,"nagtatalon sa tuwa ang bata at agad itong nagpakarga kay Nova papunta sa inuokupang silid ng mag-asawa.

"Princess, mamaya nalang. Mommy Zy is tired, kailangan niya nang rest, si Daddy na rin. Later nalang okay, baby?"

"Opo, play nalang po muna ako with Natasha and Nash."

"Better."

Pangiti-ngiti si Nova at muling bumalik sa table nina Nathaniel, Don Ricardo, Fresha, Chuck, Mathesa,Aaron, Henry at Tess.

"Guess what guys,"panimula ni Nova.

"What?,"si Fresha.

"The bride is pregnant right away,haha."

"Kidding aside?,"si Nathaniel.

"Serious po ako Kuya, buntis si Zyline!"

"Talaga iha?,"si Don Ricardo.

"Opo, Tito Daddy,"nakatawang sabi ni Nova.

Siya na ata ang bumibida.

Next story niya ang kasunod eh ahahahaha.

Ano ba, invited lahat mga ka HDTnatics lol.

"Lolo na naman ako nito."

"Ayos 'yan, Don Ricardo,"si Chuck sabay tawa.

Tawanan silang lahat maliban kay Aaron na matamang nakatitig kay Nova.

Wakas....  

HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedWhere stories live. Discover now