I'M INLOVE WITH A NANNY(Hacienda del Tierro Book2)By: Ms. UndauntedCHAPTER 17

9.3K 211 6
                                    

  AGAHAN at lunch daw ang plano ng apat dahil sa gutom si Clyne kahit nag-agahan naman ito bago sila nagpunta ng opisina.

"Baby, ano bang mayro'n diyan sa loob ng tiyan mo?,"pabirong tanong ni Nova sa kanyang pamangkin.

"Intestines ho?,"seryosong sagot ng bata.

Natawa sina Zyline at Niel habang nakatingin sa magtiyahin.

"Ito talagang si Nova, walang alam gawin na matino."

"Kuya naman, binibiro ko lang si Clyne."

"Alam ko, pero kinawawa mo ang anak ko."

"Sus, kinawawa raw?"

"Saan tayo?"

"Shakey's!,"sigaw ni Clyne.

"Shakey's? Eh pizza lang ang masarap do'n, baby,"si Niel.

"Paborito ko ang pizza,"sabi ni Zyline.

"Gano'n? Eh di tayo na sa Shakey's,"si Niel at hinawakan sa kamay si Clyne.

"Sabi ko na nga ba, hindi makaangal si Kuya pagdating kay Zyline. Inlove nga di ba?"

"Magmahal ka na rin,"si Niel sabay bato ng susi nito sa mukha ni Nova.

"Ikaw ang mag-drive at ng magkasilbi ka naman sa mundong ito."

"Demonyo talaga itong si Kuya Niel,"reklamo ni Nova at agad na binuksan ang driver's seat nang makarating sila sa may parking lot ng opisina.

"Dito na kaming lahat sa likuran ha?,"si Zyline sabay tawa.

"Aba, aba! Ang gagandang driver mayro'n kayo ano? Suwerte lang?"

"Guwapo at magaganda rin naman kasi ang pasahero mo, kaya tayo na at mukhang mamamatay na sa gutom ang anak ko."

"Okay!,"sigaw ni Nova at pinaandar ang sasakyan.

"Shakey's po Auntie,"sabi ni Clyne habang nakatingin sa labas ng bintana.

Si Niel naman ay parang ayaw bitawan ang kamay ni Zyline.

Laging magka-holding hands ang dalawa.

"Bitawan mo nga ang kamay ko, parang pinagpapawisan na," mahinang sabi ng dalaga.

"Maniwala! Wala naman ah,"si Niel at mas lalong hinigpitan ang hawak nito.

"Niel naman eh, ano ba 'yan."

"Bahala ka riyan, basta i-holding hands talaga kita."

"Ikaw, bahala ka rin kung yan ang gusto mo."

"Kakain nalang ako kaysa umayin,"sabi ni Nova habang nakatingin sa side mirror.

"Pakialamira ka talagang babae ka."

Natatawa na naman si Nova habang nagmamaneho ng sasakyan.

Ang bilis mapikon sa kapatid niya.

"Ayusin mo 'yang pagmamaneho mo riyan."

"Oo nga po, oh malapit na tayo baby,"nakangiting sabi ni Nova.

"Yeheey, pizza!,"natutuwang sigaw ni Clyne.

"Vanilla 'yong oorderin ko saka pizza na rin,"sabi ni Nova.

"Okay,"sagot ni Niel at ninakawan nito ng halik sa batok si Zyline.

Napaiktad sa sobrang pagkagulat si Zyline at nakikiliti rin siya.

"Niel, mag-behave ka na man kahit ngayon lang."

Tawa nang tawa si Niel habang nakatingin sa dalaga na bahagyang lumayo sa kanya.

"Si Daddy po ang kukulit,"sabi ni Clyne sabay hagikhik.

"Ayan kita mo? Pati anak mo eh napuna ka na."

"Siyempre, makulit si Clyne kaya makulit na rin ako."

"Sus, Kuya Niel! Ang tanda-tanda mo na, pa-cute ka pa?"

"Sabihin mong iuntog kita riyan sa manibela, gagawin ko agad."

"Sadista ka, Zy huwag mong pakasalan 'yan."

Napailing nalang si Zyline habang nakikinig sa dalawang magkapatid.

Parang mga siraulo lang talaga kung mag-uusap, naisip niya.

Pero halata namang may pagmamahalan sa dalawa.

Mapagmahal si Niel sa kapatid nito kahit sabihin pang brutal kung mag-usap ang dalawa na akala mo ay nag-aaway lang.

"Here we are,"sigaw ni Nova at naghahanap ng parking space.

"Yes!,"tili ni Clyne.

Ilang ikot na muna ang ginawa ni Nova bago nakahanap ng mapa-parkingan.

Nang maka-park ay agad lumabas ng kotse si Clyne at nagtatakbo ito papunta sa may Shakey's.

"Clyne, wait mo si Mommy at Daddy,"sigaw ni Niel dito.

Napangiti ang bata at huminto sa pagtakbo.

Sina Nova at Zyline ay nag-retouch na muna bago bumaba ng kotse.

INSAKTONG nakaupo na sila sa bakanteng mesa at binigyan sila ng menu book ng waiter nang mapansin ni Clyne sina Charie na kapapasok lang din sa loob ng Shakey's.

Magkahawak kamay ang dalawa at parehong nakangiti sa isa't-isa.

"Daddy, si Tita Charie at Tito Aaron po, oh."

Sabay na napatingin sina Niel, Zyline at Nova sa may pintuan ng Shakey's.

Nagkatitigan sina Aaron at Nova, samantalang sina Niel naman at Charie.

Si Zyline ay bahagyang umayos ng upo at nakaramdam siya ng tensiyon.

Kinapa niya ang kamay ni Niel sa ilalim ng mesa.

Si Clyne naman ay walang pakialam.

Panay lang ang tingin nito sa menu book na akala mo ay alam niya ang kanyang o-orderin.

Napangiti ng hilaw si Charie at halatang umiiwas ito.

Si Niel ay nakakuyom ang mga kamao.

Samantalang si Nova ay tumayo at nagtaas ng kilay habang nakatingin sa dalawa.

Nilapitan niya ang dalawa.

Wala siyang pakialam kong gagawa man siya ng eksena.

Naisip niyang maharot talaga ang babaeng si Charie.

From her Kuya Niel to Aaron na best buddy ng kanyang Kuya Nathan?

What happened to the world?

She can't understand it anymore!

"Hi Charie bagong guy? Wow, galing! Guwapo at mayaman, ah,"mahinang sabi ni Nova at pinagsalikop nito ang kanyang dalawang braso.

Hindi nakapagsalita si Charie. Bagkus, nagpalinga-linga ito sa paligid.

"And you jerk, how dare you to say na playgirl ako? Ano sa tingin mo ang ginawa mo ngayon?"

"Don't make any scene here, Nova del Tierro!,"mariing sabi ni Aaron.

This time, nakatayo na rin si Niel at Zyline.

"Baby, stay here. Huwag kang aalis okay?"

Tanging tango lang ang isinagot ni Clyne.

"Zy come with me, para once and for all. Gusto kong marinig mo na hihiwalayan ko ng pormal si Charie."

"Pero walang fight na mangyayari ha?"

"Sure, akong bahala. Kakausapin lang natin silang dalawa."

"Okay,"atubiling sabi ni Zyline.

Nilapitan nilang dalawa sina Charie at Aaron.

"Kuya, anong say mo?"

"Charie, since nahuli kita sa akto na may Aaron ka na pala, so ano pa bang aasahan natin? May Aaron ka na, may Zyline naman ako. Thankful ako sa nakita ko ngayon, atleast, wala ka nang dahilan upang magpunta sa bahay at basta nalang magsasalita ng hindi maganda."

"Niel let me explain, Aaron and I are just---"

"Ssh! Enough Charie, huwag mo ng bolahin ang Kuya ko. Pero don't flatter yourself okay? Hindi ka mahal ng Kuya Niel ko, at sana this time, totohanan ang love affair kuno ninyong dalawa nitong Aaron na 'to."

"Watch your mouth lady."

"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang kapatid ko Aaron de Guzman."

"Niel, tama na 'yan. Pinagtitinginan na tayo ng mga customer oh,"sabi ni Zyline.

"I never know why does Kuya Nathan became your best buddy, hindi kayo magkaugali no'n,"sabi ni Niel.

"Oo nga, tama! And he have the guts na sabihan akong playgirl? Tapos ikaw, ano ka? Basurero! Mga bwisit!,"inis na sabi ni Nova at lumabas ito ng Shakey's.

Inis na inis siya. Sobrang inis talaga siya.

"Of all girls, bakit si Charie pa? She is not that damn pretty!,"bulalas ni Nova.

Itutuloy......  


HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedWhere stories live. Discover now