'M INLOVE WITH A NANNY(Hacienda del Tierro Book2)By: Ms. UndauntedCHAPTER 15

9.4K 218 10
                                    

  "AALIS na ako, may gusto ka bang ipabili sa akin?"

"Wala naman akong kailangan. Sige, umalis ka na, asawa ko,"nakatawang sabi ni Zyline.

"Tease, pero hindi effective,"pabirong sagot ni Niel.

"Hindi kita tini-tease, para sa kaalaman mo."

"Its obvious, oh siya, ikaw na bahala kay Clyne. Uuwi rin naman ako ng maaga."

"Dito ka maghahapunan?"

"Oo naman. Bakit?"

"I'll try to cook something for you."

"Great! So, aagahan ko ang uwi ko?"

"Ikaw, kung hindi ka busy sa opisina mo."

"Okay, so paano, aalis na ako."

"Sige, ingat ka. Clyne, say bye-bye to Daddy,"agaw-pansin ni Zyline sa batang naglalaro.

"Bye Daddy,"sabi nito.

"Walang kiss?,"si Niel.

Tumayo si Clyne at nanakbo ito palapit kay Niel.

Yumukod si Niel upang magpantay ang mukha nila ng kanyang anak.

"Bye Daddy,"sabi ulit ni Clyne at hinalikan sa pisngi ang ama.

"Bye princess, be good to your Mommy."

"Opo, I will."

Nang mapatingin si Niel kay Zyline, he mouthed "bye" sa dalaga.

Nag-say bye rin si Zyline at pumasok na uli sa loob ng bahay.

"Kilig ka no?,"biglang tanong ni Nova mula sa kanyang harapan.

"Nova naman eh, ang hilig manggulat."

"Pero kinilig ka kay Kuya Niel?"

"Hindi ah, how's the flight anyway?"

"I'm happy to see you here again,"sabi ni Nova.

"Me either, so how's the flight? how's being your -- your?"

"Kuya Nathaniel, and tungkol naman sa flight? Disaster!"

"Disaster? Bakit?"

"Aaron!"

"How about him?"

"I don't like him."

"Why? I think he is good?"

"Sa isipan mo lang na good siya, pero he is a certified womanizer."

"Lahat naman ng lalaki ay womanizer."

"Spare Kuya Niel out and my Kuya Nathaniel. Mga one woman one silang dalawa."

"Gano'n?"

"Yeah gano'n, oh by the way, anong nangyari kay Eric ba 'yon?"

"Wala, hindi na nangungulit sa akin."

"Mabuti naman, so how about your Dad? Anong sabi niya? Nagalit ba sa 'yo at kay Kuya Niel?"

"Hindi naman, iwan ko nga eh."

"Malamang natanggap niya agad na may pekeng asawa't anak ka na,"nakatawang sabi ni Nova, sabay upo sa sofang nasa tagiliran nito.

"Priceless nga ang mukha no'n nang malamang may asawa't anak na ako."

Natawa si Nova sa sinabi ni Zyline at nag-change topic silang dalawa.

Kung anu-ano ang kanilang pinag-uusapan, tungkol sa kanilang modelling career dati, sa mga naging kasintahan nila.

Natigil lang silang dalawa sa kanilang kuwentuhan ng biglang dumating si Charie.

Galit itong pumasok sa loob ng bahay ng wala man lang pasabi.

Si Nanang Sima ay natakot dahil ito ang nagpapasok ng dalaga sa may gate.

"Nanang Sima, makaalis na ho kayo, kami na ho ang bahala rito sa biwisitang 'to,"sabi ni Nova.

Tumalikod agad si Nanang Sima at mawala ang matanda, agad na tinanong ni Nova si Charie kung ano ang kailangan nito.

"So itong babaeng ito ang dahilan kung ba't nawalan ng time sa akin si Niel?"

"Sorry Miss Charie?,"si Zyline.

"Ganyan ka na ba ka desperada para agawin mo si Niel?"

"Wala akong inagaw sa'yo,"kalmadong sabi ni Zyline.

"Excuse me Charie, pero sa pagkakaalam ko, walang kayo ng Kuya Niel ko."

"Isa ka pa, alam kong mainit ang dugo mo sa akin, pero wala kanang magagawa pa dahil ako ang gusto ng Kuya mo at alam kong ako ang ipapalit niya sa kanyang yumaong nobya na si Cleo."

"In your great fantasy, Charie,"nakatawang sabi ni Nova.

"Huh! Maldita ka talaga."

"Baka hindi mo alam, pang-kama ka lang ng Kuya Niel ko at hindi ang isang katulad mo lang ang pakakasalan niya. Kuya Niel deserves a woman like Zyline."

"Ibig mong sabihin siya ang gusto mo para sa kapatid mo?"

"Exactly! Dahil matino siyang babae."

"How about Fresha na asawa ng Kuya Nathaniel mo na pinulot lang niya sa isang bar?,"nakangising tanong ni Charie sabay taas ng kanyang kilay.

Nanlaki ang mga mata ni Zyline dahil sa kanyang naririnig.

"Nagulat ka ano? Hindi mo ata alam na isang dating dancer lang ng club ang napangasawa ng kapatid sa babaeng matabil ang dilang 'to,"sabi ni Charie sabay tingin kay Zyline.

"Fresha is too different sa lahat ng mga babaeng club dancer na nakilala mo, and don't ever to say na club dancer lang si Fresha. May dahilan siya kung ba't pinasok niya ang trabahong 'yon!"

"May dahilan? Anong dahilan niya? To hook some big fish para yumaman?"

"Virgin si Fresha ng makuha siya ng kapatid ko! Malinis siya, kaya watch your tongue."

"And?"

"You bitch, get out and don't dare to come back!,"galit na sabi ni Nova at kulang nalang itulak si Charie palabas ng bahay.

"I'll be back, at lagot ka kay Niel,"sabi ni Charie.

"Lagot ka kay Kuya, dahil sa kangkungan na ang bagsak mo! Humanap ka nalang ng panibagong lalaki! Layas!"

"Goodbye my dear Nova."

"May you rot into hell!"

"Nova, enough,"sabi ni Zyline.

Napabuntunghininga si Nova at inis itong tinalikuran si Zyline.

Kinahapunan nang dumating si Niel galing opisina, nagtaka siya kung bakit nakasimangot na mukha ni Nova ang kanyang nasilayan.

"What's for the long face, my dear sister?"

"That Charie na walang alam gawin sa buhay kundi ang manggulo rito."

"Nagpunta siya rito sa bahay?"

"Oo at nagyabang! Kung anu-ano nalang ang mga pinagsasabi! Pati si Fresha idinamay sa gagang 'yon!"

"Bakit, anong nangyari?"

"Kesyo daw wala kanang time sa kanya dahil kay Zyline. Ano ba Kuya, kailan mo ba papatayin 'yang si Charie?"

"Nov, hayaan mo nalang si Charie, eh kapag papatulan mo 'yon, mas lalong lalaki ang ulo,"ani Zyline.

"I really hate her, ang sarap sapakin nalang."

"Iyon lang pala ang dahilan kaya ganyan na ang hitsura mo. Akala ko ba hindi mo siya papatulan."

"Sana nandito si Fresha at ng makalbo siya."

Natawa sina Niel at Zyline habang nakatingin sa dalaga.

Naiinis na nga lang pero ang ganda parin nitong tingnan.

"So, kamusta naman si Clyne?"

"Ayos lang naman, hindi naman pasaway ang anak mo."

"Haist, I better be going, mukhang kailangan n'yo ng privacy ano?"

Napatingin si Niel sa kapatid at tumango.

"You can go, saan balak?"

"Hell Kuya, di joke lang,"nakatawang sagot nito at tumalikod.

"Naiinip ka ba rito sa bahay? Bukas isasama kita sa opisina, kayong dalawa ni Clyne. Nabalita kasi sa opisina na may asawa na ako at gusto ka nilang makita,"balewalang sabi ni Niel.

"Ano?! Ipakilala mo ako sa mga trabahante mo?"

"Why not?"

"Niel naman, hindi pa ako handa, nahihiya ako, tsaka ano ba talaga tayong dalawa?"

"Husband and wife, nga di ba?"

"Pero hindi mo naman ako mahal."

"I love you, shocked ka?"

Hindi makapagsalita si Zyline.

Awang ang kanyang bibig at namilog ang mga mata.

Does she heard Niel right?

Teka, hindi ba siya nabingi lang?

Ano nga 'yon ulit?

Sinabi ni Niel na mahal siya nito?

"Hindi ko naman hahayaang mapasukan ng langaw 'yang nakabuka mong bibig, so let me kiss you,"sabi ni Niel at binigyan siya nito ng halik sa labi.

Doon pa nag-react si Zyline.

Totoo nga ang narinig niya.

At nahalikan na naman siya nito!

How lucky she is.

"Seryoso ka ba o ginu-goodtime mo lang ako?"

"Seryoso ako, mahal kita. Ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto, pero bakit parang walang life?"

Natawa si Niel habang nakatingin sa dalaga. Iyong tawa na parang wala ng bukas. Life raw, parang candy crush saga lang na dapat may life hahaha. Joke mga readers hahaha.

"Come with me sa room natin, i'll gonna show you the-----"

"Niel!"

Mas lalong natawa si Niel sa dalaga dahil nagkulay kamatis ang mukha nito.

"Ba't ba ang ganda mo kung mag-blush ka?"

Napayuko si Zyline at pinigilan ang sarili na huwag magtitili sa sobrang kilig na nadarama niya.

Waaah!

Mahal siya ni Niel.

Inaamin din nito sa kanya mismo.

Kunin n'yo na ako Lord.

Itutuloy....  


HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora