I'm Inlove With a Nanny(HACIENDA del TIERRO BOOK2)By: Ms. UndauntedCHAPTER 5

10.4K 257 8
                                    

  "WHAT ARE YOU doing yourself?,"bulalas na tanong ni Niel ng paglingon niya kay Zyline ay hindi ito nakatapi ng tuwalya.

Napangiti ng lihim ang dalaga at umupo sa harapan.

"Sabi ko nga sa'yo na magbihis na muna ako, diba? Tapos anong sabi mo? I worry not, because it won't take an hour ang pag-uusapan natin."

"You!,"duro ni Niel dito sabay tingin sa dibdib ng dalaga.

"Ano bang pag-uusapan natin?,"ani Zyline at medyo napaupo ng wala sa ayos.

"Magbihis kana muna, bilisan mo."

"Okay lang, magsalita ka at makikinig ako. Alam mo kasi Sir, matagal akong magbihis at mas matagal akong mag-shower, maiinip ka lang."

"Okay, okay fine,"sabi ni Niel at napasinghap.

Paanong hindi mapasinghap, nakaupo ang dalaga sa harapan niya mismo na medyo nakabukaka.

Napalunok siya ng sunod-sunod at tiningnan ang dalaga ng diretso.

"Ikaw, huwag na huwag mong pag---"

Hindi natapos ni Niel ang kanyang gustong sasabihin kay Zyline ng mula sa pinto ay iniluwa si Charie.

Naningkit ang mga mata nito habang nakatingin sa kanilang dalawa, particularly kay Zyline.

Napatayo ng mabilisan si Zyline at napaatras dahilan upang mabangga ang likod niya kay Niel.

Pareho silang natigilan at nagkatitigan.

Si Niel hindi makakilos, gano'n din si Zyline.

"So, you are the fling of Niel?,"sabi ni Charie sabay lapit kay Zyline.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa pabalik.

"Fling? Ako? How come?,"nabiglang sabi ni Zyline sabay turo sa kanyang sarili.

"Bakit? Sino pa ba sa akala mo ang fling?! Look at yourself!,"singhal ni Charie.

"Hey girls, wait,"sansala ni Niel at pumagitna sa dalawa.

Alam niya ang ugali ni Charie, mahilig itong mag-iskandalo.

Iwan lang niya kung papatalo rin ba ang Yaya ng kanyang anak, na sa unang tingin pa lang niya ay mukha na itong palaban.

"Excuse me, para sabihin ko sa'yo, hindi ako fling sa Niel mo, Yaya lang ako ng anak niya."

"Ows?,"si Charie sabay arko ng sariling kilay.

"Yaya at nagsusuot ka ng ganyan habang kausap mo ang ama ng batang inaalagaan mo? Ano? Nangse-seduce ka? Balak mong akitin si Niel ko? Yaya nga naman! Bakit? Kulang ba 'yong sahod mo at gusto mo ng extra income, gano'n?!"

Napasinghap si Zyline at napaikot ang kanyang eyeballs ng wala sa oras.

Napakuyom ang kanyang kamao at nag-iinit ang bumbunan niya dahil sa sinasabi ng babaeng nasa harap niya ngayon.

Kung tutuusin, mas mukha itong porn kumpara sa kanya.

Kulang nalang maghubad sa iksi ng damit.

Ano? Uso lang ang kakapusan ng tela?

"Sir Niel, ikaw na nga ang magpaliwanag sa babae mo kung bakit andidito tayo ngayon sa opisina mo, kasi ako, sa totoo lang, maikli ang pasensiya ko kapag ganitong klaseng tao ang makakaharap ko, baka mamaya eh, hindi ko matantiya ang girlfriend mo."

"Aba, kung magsalita ka akala mo---

"Shut up Charie! And you, you can go out,"sabi ni Niel kay Zyline.

Mabilis na lumabas ng opisina si Zyline at nagdadabog na naglakad papunta sa kanyang silid upang mag-shower.

"Hoy, anong nangyari?,"tanong ni Nova ng makasalubong siya nito.

"Wala naman! Kakaasar lang 'yang babae ng Kuya mo. Pag-isipan ba naman ako na mangse-seduce! Hell!"

"Ah, so andito si Charie? That bitch!"

"Galit ka rin sa kanya, for what reason?"

"Wala! Flirt kasi eh. Utang na loob, hindi ko siya type para kay Kuya Niel. Kaso 'yong si Kuya naman ang may gusto sa babaeng 'yon, eh kasi nga raw ay magaling!"

"Magaling saan?"

"Sa kama, saan pa nga ba! Maniac nga kasi si Kuya. Buti hindi ka niya mina-maniac sa loob ng opisina niya kanina,"nakatawang sabi ni Nova.

"He should try me and i will bring him in hell."

"Bring him in heaven, kamo."

Humagalpak ng tawa si Nova at sinundot sa tagiliran si Zyline.

"Alam mo ikaw? May hinala akong may itinatago ka tungkol sa pagkatao mo, care to tell?"

Biglang namutla ang hitsura ni Zyline at nag-iwas siya ng tingin kay Nova.

"Wala ah, yaya nga lang ako."

"Diba we are friends na? So, bakit ayaw mong magkuwento sa akin? Zyline dela Cruz ka diba? Yeah, dela Cruz, i remember na may ka business partner si Kuya Niel na mga dela Cruz, iwan ko lang kung kaanu-ano mo sila. Pero you looks familiar to me, day by day. Iyong parang na-meet na kita before, pero hindi ko lang ma-recognize kung kailan at saan,"makahulugang sabi ni Nova.

Nagkulay-suka ang mukha ni Zyline.

Paano nalang kung magkakilala pala ang pamilya nila at pamilyang del Tierro? Patay siya sa Daddy niya at mas mamamatay siya kung malaman nito ang kanyang kinaroroonan.

And the most worse thing to think is 'yong pauuwiin siya nito at pipiliting ipakasal sa lalaking hindi niya nakita ni minsan.

What a horror!

Piping dalangin niya na sana, hindi ma-recognize ni Nova na naging part-time model siya ng La Senza.

"Hey, natahimik ka na ata?"

"Wala, wala! May naisip lang ako bigla, sige shower na muna ako ha? Tsaka baka hinahanap na ako ni Clyne,"nakangiti niyang sabi.

"Okay, pero isipin mo 'yong mga sinasabi ko sa'yo ha? And speaking of Charie, wala siyang panama sa'yo. She is a cheap one."

Napailing nalang si Zyline at tumalikod na ito.

Nasundan siya ng tingin ni Nova.

"I really like her for Kuya Niel and not that Charie,"sambit ni Nova.

"BIHISAN mo si Clyne at ikaw din, magbihis ka ng maayos dahil ipapasyal ko ang anak ko,"sabi ni Niel at tinalikuran siya nito.

"Anong nangyari doon? Ang init naman 'ata ng ulo. Hindi yata na-satisfied sa make-out nila ng nobya niyang mukhang paa,"sa loob-loob niya.

"Sayang! Kung ikaw lang naman ba ang nakatakda kong pakakasalan balang-araw, eh di bongga, di bale na kung may anak ka, tatanggapin ko, sa guwapo mo ba namang 'yan, pero letse! Pero ang sungit mo at taken na rin, what a waste,"pilyang sabi ni Zyline at tumakbo papasok sa silid ni Clyne.

"AALIS tayo Mom?,"tanong ng bata sa kanya.

"Uh-huh, ipapasyal ka raw ng daddy mo at kasama ako siyempre,"nakangiti ring sagot ni Zyline sa bata.

"Yeheey, ang saya-saya naman,"nagtatalon sa tuwa ang bata at yumakap ito kay Zyline.

Niyakap na rin ito ng dalaga at pinisil sa ilong.

"Ang cute mo talaga."

"Tapos na ba kayong dalawa? Kapag tapos na, tayo na sa kotse,"sabi ni Niel at medyo madilim ang hitsura nitong nakatingin sa kanila.

"Tayo na raw, baby,"ani Zyline at hinawakan sa kamay ang bata.

"Can i bring Dora, Mommy?"

"No, iwanan mo nalang si Dora rito, babalik naman tayo eh."

"Sige po,"nakangiting sagot ng bata.

Nauna si Niel sa kotse at madilim parin ang hitsura nito habang nakatingin sa dalawang papasakay.

"What's for the long face, dad?,"tanong ng bata sabay upo sa front seat.

"Nothing, princess, never mind Daddy. Zyline, dito ka nga sa harapan umupo, kargahin mo si Clyne at baka mauntog sa dashboard."

"Sige po, saglit lang at bababa ako."

Dali-daling bumaba si Zyline at lumipat sa harapan.

Pinaupo niya sa kanyang kandungan ang bata at siya ang nagkabit ng seatbelt.

Instant nanay talaga ang dating niya.

Mukha naman silang mag-ina ng batang karga-karga niya.

Hindi rin naman siya magmukhang katulong kong itabi kay Niel.

Matangkad naman siya and to add, maganda siya.

Part-time model nga diba?

Eh di may hitsura't may binatbat sa sarili.

"Dad, saan ho tayo pupunta?"

"Sa mall, ibibili kita ng mga laruan at damit, after nating mag-malling, kakain tayo ng paborito mong pagkain at siyempre ando'n na, kasama na si ice cream,"nakangiting sabi ni Niel sabay baling ng tingin sa anak at kay Zyline.

"Wow!,"natutuwang sambit ng bata at namimilog pa ang mga nito.

"Pero dapat hindi ka magpasaway sa Mom---i mean sa Nanny mo."

"Mommy!,"pangungureksiyon ng bata.

"Okay Mommy."

"Opo, good girl po ako, di ba po Mom?"

Napatingin na muna si Zyline kay Niel bago ito tumango.

Tinanguan siya ni Niel and mouthed thank you.

Napakurap-kurap ang dalaga dahil sa pag-aakalang namamalik-mata lang siya.

Si Niel del Tierro magta-thank you sa kanya?

Himala! May himala nga!

"Thank you, Zy,"sabi nito at nilakasan pa.

"Whoah! Heaven! Zy ang tawag niya sa akin? First time in history! Pero ang sarap sa pandinig, parang ang lambing and he got those sexy voice,"sa loob-loob ng dalaga.

"I owe you a lot for making Clyne happy."

"You're welcome Sir, and its my obligation to make Clyne happy not just only to taking care of her."

"Yeah, and i am so thankful for that, sorry for being rude for the passed few days."

"Dad, are you inlove with Mommy?,"singit tanong ni Clyne.

Si Zyline ay napaubo at si Niel naman ay biglang nagpreno ng kotse.

Nagulat silang dalawa pareho sa tanong ng bata.

Akala nila ay hindi ito nakikinig, 'yon pala'y sila lang nito ang pinakikinggan.

"Baby, saan naman galing ang ideyang 'yan?"

"Kay Auntie Nova, ang sabi niya, inlove ka raw kay Nanny Mommy."

"That brat?! At nilalason pa niya ang utak mo?"

"I believe her, dad."

"Clyne, you better to shut your mouth up. Nakakahiya sa Nanny mo."

"Okay lang naman po 'yon kay Nanny Mommy."

"Huh?!,"mulagat na sabi ni Zyline.

Napailing nalang si Niel at itinuon ang pansin sa kalsada.

Hanggang sa makarating sila ng mall.

Ayaw magpakarga ni Clyne, ang gusto niya ay maglakad siya at hahawakan ang kanyang mga kamay nina Niel at Zyline.

"Clyne, kakargahin ka nalang ni Daddy, okay? Baka mapagod ka lang."

"No dad, big girl na po ako."

"Pagbigyan mo nalang 'yang anak mo, minsan lang naman 'to eh,"sabat ni Zyline.

"Sige, sige, let's go."

Tuwang-tuwa si Clyne habang naglalakad sila papasok sa mall.

Si Niel naman ay nakaramdam ng saya.

Pakiramdam niya, kumpleto ang pamilyang pinapangarap niya.

How he wish na magkakaroon siya ng isang buong pamilya balang araw.

At napatingin siya kay Zyline at napapangiti.

Itutuloy... —  


HACIENDA del TIERRO BOOK2(I'm Inlove With A Nanny)By: Ms. UndauntedWhere stories live. Discover now