"Ako na dyan!" Pao reacted nung sasakay ako sa back seat dapat habang nagbabarahan pa sila. Talagang nakipag unahan pa sya para lang sa back seat.

"Fine. Chill. Kalma. All yours." Natatawa kong pag give way. And might be the first set of words from me the time we headed back to the car.

I'm trying to laugh my thoughts out pero ayun pa rin eh. Iniisip ko pa rin si Jeric at yung babae kanina. Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa paligid. I was just watching the buildings, cars and lights as we pass by.

Alam ko kasi yung dapat kong kalagyan. Hindi dahil sinwerte ako na sa ganun kaiksing panahon, privileged na ko na makalapit ng ganito kay Jeric. Overwhelming, oo. Pero pinipigilan kong umakyat sa ulo ko dahil ayokong mawala, ayokong masayang lahat.

"Wag mo na gisingin, ingat kayo." Nakatulog pala ako. Narinig ko nalang si Pao na nagsalita at bago pa ko makamulat, nakababa na sya.

"San na tayo?" I asked Gelo after noticing that the sight is quite unfamiliar to me.

"Nasa kotse pa rin."

"Pastilan ka, Alolino! Alam ko nasa kotse pa tayo. What I meant was, nasaang lugar na tayo." Sabi nga, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

"Joke lang. Eto naman. Araneta. Walang traffic. Hindi ka male-late." Feeling ko sa Araneta Center kami pumasok para di na tatawid si Pao.

"Yung totoo, ayoko pumasok bigla. Magko-call in nalang ako." I told him.

"Sick leave kasi broken hearted. Valid ba yan?" Tingnan mo 'to. Imbes suportahan ako, nambasag pa.

"Tsaka sinong gagawa ng med cert mo? Si Teng?"

"Loko."

"Ah, dapat doktor pala. Sige igagawa kita mamaya."

"Kelan ka pa naging doctor sa puso ha? Last time I checked basketball player ka ah."

"Wala ka talagang bilib sakin. Nakakasakit ka na." He said.

"Ok, so ano po bang ipeprescribe nyo Dr. Joshua Angelo Alolino? Mabubuo pa ba?"

"Imposibleng mabuo ko yan kasi hindi naman ako yung laman nyan. But I can try to patch the pieces together kung papayag ka."

I was so dumbfounded with his answer. Pinipilit ko nga isipin na joke lang yun tapos gusto ko nalang biglang tumawa pero natalo ako ng awkwardness eh. Nandun ako sa point na hindi ko mautusan yung sarili ko kasi nabigla ako. Pinipilit ko yung sarili ko na maniwalang nagjojoke lang sya o kaya biglang may segue na humihirit lang sya.

But it was obvious na kahit sya nabigla sa pinagsasasabi nya. For once nagkailangan kami and would avoid gazing at each other.

Suddenly, we were enveloped of an eerie, awkward silence...

Nag stoplight...

Tapos kinuyog ng mga zombie yung kotse ni Gelo at nagpupumilit na atakihin kami.

CHAROT.

Napangiti ako sa naisip ko at sa pagiging weird ko. Kung pwede lang talagang irewind, sana sumigaw nalang ako kesa ngumiti at nagpigil ng tawa. Feeling ko kasi nagmuka akong kinilig. Oo, kinilig ako sa pag-atake ng mga zombie. Nakakainis. I hope I'm not sending wrong signals to Gelo. Ayoko naman kasi magkaron ng flaws yung friendship namin dahil sa present situation.

Hindi ko sya gagawing rebound.

Yes, maka-rebound. Jowa? At ano, pinopormahan ka ba nito. Lakas ng kapal ng muka mo dun, Gab!!!

"Natahimik ka?" He asked.

"Nag isip ako bigla ng alibi. Simula nung nakilala ko kayo nila Glenn kasi nagamit ko na lahat ng alibi sa call in sick eh."

"Ah, so kami pa ang BI talaga? Kahit second trip mo lang talaga kami o panakip butas pag sablay yung lakad nyo ni Teng... Kami pa rin ang umuubos ng Surprise Leave mo ha."

"Ay wow. Grabehan."

"Oy bakit? Totoo naman ah."

"Whatever, Gelo. Whatever." Tapos di na sya nagsalita.

"Yung totoo, Gelo. Galit ka na?" I asked him with my head low.

"Hindi pa. Pero hindi ko alam bakit naaapektohan ako." He answered.

---------

-JERIC-

"Salamat, Jeric! Ingat." Kyle said then closed the door.

He asked me to just drop him off sa condo nya.

"Bakit ang aga mo?" Mom surprisingly asked.

Pag di nakakauwi agad, bakit late umuwi... Pag umuwi ng maaga, bakit ang aga. Argh. San ba ko lulugar?

"Ahia, akala ko nag lunch kayo ni Lorraine?" She asked.

"Opo." I replied.

"And then?"

"She wanted to go shopping so I drove Kyle home."

"Anak naman. Maiintindihan naman ni Kyle kung papakitaan mo ng priority si Lorraine. Obviously, she's making time for you, di mo ba napapansin yun ha?"

"Oo, given na yun Mommy. But wouldn't it be better na ako yung magyaya sa kanya kesa yung sya yung gumagawa ng way?"

"Pero kelan pa anak?"

"When the right person comes."

"Lorraine can be the right girl. Ayaw mo lang maging open for that option."

"Kasi pinipilit nyo, Mommy. If she is the right person for me, then so be it. Pero wag na sana umabot sa point na sineset nya lahat."

"Ano na namang pinagtatalunan nyong mag-ina?" Dad asked.

Naabutan nya kasi kami eh. I hope I didn't raised my voice that much.

"Kausapin mo yang anak mo, Alvin."

"Sorry Mommy. I know you're doing this kasi kulang ako sa initiative at maturity about my future but please, let me discover for myself kung sino yung gusto kong makasama. I have always considered your picks, Mommy. Alam nyo po yan. Ibigay nyo na sakin to. Kahit ito lang po." I told them and went to my room.

With my back laid and my eyes fixed at the ceiling, I can't help but wonder... Why are we meeting people? Lahat ba sila may purpose sa buhay natin? Like fans... Collectively, yes. Alam kong wala kami dito kung wala sila. Bashers, as one... Para silang reminder na you can't just be the same you... Palaging may dapat pang iimprove. But individually, may ibang purpose ba sila kung mas makikilala ko sila on a personal level?

"Jeric? Anak?" I heard Dad.

"Pasok po."

Dad came in with a worried look drawn all over his face.

"Anong nangyari sa inyo ng mommy mo kanina sa baba?" He asked as he settled himself on the couch as if this is a serious matter we need to talk about.

"Pinipilit nya kasi si Lorr, daddy. I can't understand kung bakit kelangan gawin nya yun, Daddy." I explained as I sat down.

"Hindi ko alam kung bakit biglang sinasabi nya na mas matututo ako kay Lorr kesa kay Gab. Hindi ko alam bakit kelangan may comparison." I added.

"Gusto lang siguro ng Mommy mo na tulungan ka magdecide. Alam mo namang paborito ka nun." Dad calmly said.

"Ok lang talaga sakin na si Mommy yung pumili ng best option sa lahat ng bagay, Daddy. Career, endorsement, investment. Kahit damit, kotse, sapatos. Hindi ako papalag ng ganito. But she has to understand and sana pabayaan naman nya ako pumili ng babaeng gusto ko."

Natawa at napailing si Daddy.

"Hindi ka pa nasanay kay Susan, oo." Pailing iling pa rin si Daddy.

"She will never agree pagdating sa babae. Nakalimot ka na ba? Kahit sinong nanay naman siguro ganun, Jeric. She just fears na isang araw, marealize mo na mali. Hindi ko sinasabing laging mali ang desisyon mo but it is for yourself to find out. Chinachallenge ka lang ng Mommy mo."

Message SentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon