Chapter 2

3 0 0
                                    


To Dennis: Please, pick me up. I'll wait for you. Thank you. I love you.

I tapped send saka umupo sa kama ko. A new morning. Sabi nila, every morning is a blessing raw. Pero para sa'kin, every morning is a pain in the ass; reminding me that every day, I should fight for my life.

"Ate?" Pumasok si Elinna sa kwarto ko. Naka-uniform na siya at may bitbit siyang hairbrush at pang-ipit.

"Yes?" Nakangiti kong wika.

Every day may be a survival, but who cares, anyway? I have Elinna. Alam kong malalagpasan ko lahat basta kasama ko siya.

"Magpapaipit po sana ako." Saka siya lumapit at umupo sa sahig.

Elinna is my strength.

"Anong gusto mo?"

"Yung kagaya po ng kaklase ko. Sabi niya, braid daw po tawag nun eh." Sinimulan ko ng suklayin ang buhok niya.

"May alam akong mas magandang braid. Tiyak na magugustuhan mo." Natuwa naman si Elinna kaya napangiti na rin ako.

"Wow! Ang ganda ate!" Natutuwang wika ni Elinna ng matapos ko na siyang i-braid.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko ito.

From Dennis: I can't, babe. Nasa school na ako eh. Sorry. I told Din to pick you up. She'll be there any minute now.

Malalim na buntong hininga ang nilabas ko.

"Ate, okay ka lang?" Tanong ni Elinna.

Nginitian ko naman siya.

Elinna is a strong girl. Mistulang walang nangyari kagabi kung makangiti siya. Pero alam ko na na iniinda lang niya ang sakit na nararamdaman niya.

Sakto namang may bumusina sa labas. Si Din na siguro 'yon. Kinuha ko ang bag ko na nakasabit sa study table.

"Tara na El. Hatid ka namin sa school mo." Hinawakan naman niya ang kamay ko. Sabay kaming bumaba. Kinuha na muna niya ang mga gamit niya.

Umalis na mga magulang namin. 'Di manlang nagluto ng breakfast. Parehong business man and woman magulang namin. Wala kaming katulong, pinaalis ko. Nakakahiya kasi mga magulang ko.

"Good morning, two Els!" Masaganang bati sa'min ni Din. Sa passengers seat ako umupo. Sa likod naman si Elinna.

"Hi, Ate Din! Ang ganda mo po ngayon!" Natutuwang wika ni Elinna. Hay nako, magpupurian nanaman 'tong dalawang 'to.

"Ngayon lang?" Nakangusong wika ni Din. Pinaandar na niya ang kotse.

"Syempre araw-araw po!" Bibo masyado itong si Elinna.

"Apir!" Nag apir naman sila.

"Hoy Din! Sa daan ang atensyon!" Sigaw ko.

"Ang ganda naman ng braid mo. Mas lalo kang gumanda." Wika ni Din. Tingnan mo 'to. Hindi ako pinansin!

Tama nga ako. Buong biyaheng nagpurian ang dalawa.

"Ingat ka, Elinna. Tawagan mo 'ko kung may mangyaring masama ah?" Wika ko ng makarating na kami sa school niya. Grade 3 palang si Elinna.

"Opo." Sagot niya. Inaayos niya ang medyas niya.

Lumabas na si Elinna sa kotse at kumaway na paalis.

"Mag-aral mabuti ha?" Pahabol kong wika. Tanging kaway nalang ang sinagot ni Elinna.

"As if naman nag-aaral ka ng mabuti." Tinignan ko nalang ng masama si Din.

Love: God planned this [On-going]Where stories live. Discover now