Chapter 1

6 0 0
                                    

(A/N: Bago magsimulang magbasa, gusto ko pong humingi ng tawad sa mga mali-maling grammars, spellings, typos, atbp. Please feel free to correct me. Open po ako sa mga rebuke. Thank you and God bless!)

"Grabe gutom na'ko!" Sigaw ni Din na kanina pa nagmamaktol.

"Andito na tayo sa canteen, 'wag kang OA."

"Ang sama talaga ng ugali mo." Wika ni Din sabay irap. Bago pa man ako makapagsalita ay tumakbo na siya sa counter para makaorder ng makakain.

Napabuntong hininga nalang ako saka sumunod sakanya.

Pagkatapos naming makabili ng makakain ni Din ay naglakad na kami papunta sa table namin.

"Hey, Elis. That guy is checking you out." Mataray na bulong ni Din at ngumuso naman siya sa tinutukoy niya kaya tinignan ko naman.

Mike Asuncion. BSBA 2. Last year pa niya ako nilalandi. Kahit may girlfriend na siya, patuloy parin sa paglandi sakin. Hay nako, mga lalake nga naman, hindi makuntento sa isa.

He winked at me. Ang mukong, kahit nasa harapan na niya ang girlfriend niya, nagawa pang lumandi sa akin.

I smirked, pero wrong move pala. Saktong tumingin sa'kin yung girlfriend niya. Bigla namang nagdilim ang paningin nito.

Opps...

"Sinasabi ko na nga ba! Ang landi mo talaga Elissa!" Sigaw nung babae at sinugod agad ako. She flipped the tray that I was holding, kaya nagkalat ang pagkain sa damit ko.

Ang mahal pa naman ng damit na ito!

I blankly stared and said, "What was that all about?" Kalma Elissa! Wag kang sasabog!

"Ang landi landi mo!" This shrimp in front is making me puke. Tss, shrimp these days.

"May pruweba ka?" Kailangan kong maging kalmado at panatilihing walang emosyon ang mukha ko. Kundi baka mapatay ko 'tong babaeng ito.

"Oo! Kung makangiti ka sa boyfriend ko, akala mo kung sino ka!" Namumula na siya sa galit. Can't blame her, mas maganda kasi ako kaysa sakanya.

"So yun lang ang pruweba mo?" Walang gana kong wika.

"Magkatext pa kayo!" I badly want to laugh right now, mukha siyang tanga.

Gumagawa na rin siya ng eksena. Hay nako!

"Una siyang nagtext sa'kin. Siya ang malandi." Halatang mas nangapoy siya sa sinabi ko. Akmang sasampalin niya ako ng mapigilan ko ito at lumapit ako sakanya. Ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.

"Pwede akong ngumiti kahit kanino. Kagaya ngayon, pwede din kitang ngitian." So I did gave her a smile, an evil one, "And tell you na, walang taste ang boyfriend mo." Sabay tingin sakanya from head to toe. Saka ko siya binitawan.

Tumawa naman ng mapakla yung hipon, "so you're also telling me na wala siyang taste kasi nagustuhan ka niya?"

I smiled, "A girlfriend telling me that her boyfriend is into me. Guess what? Hindi niya ako natikman. Di gaya sayo, gamit na gamit na." Mas lumawak ang ngiti ko, "I was speaking literally, darling."

Mas namula siya sa sinabi ko. Anytime ay sasabog na ito.

Bago pa ako tumalikod, "Don't you dare pull my hair, kung ayaw mong makalbo ngayon mismo." Linabas ko naman ang cutter sa sling bag ko, saka ko siya tinalikuran.

Love: God planned this [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon