NUMBER 2 & 3 FIRST

Start from the beginning
                                    

Natawa nalang ako at niyakap din siya ng mahigpit. I wanted to tell her how special she made me feel with just that simple note, but I didn't really know what to say. So I decided to just show her. Like she said, she loves it more when I express how I feel through my actions. Therefore, I did what I think would also make her feel special.

Kumawala ako sa pagkakayakap and we looked into each other's eyes. Then I suddenly started kissing her. She immediately responded like she already expected it. After a few seconds, I wrapped one of my hands around the back of her neck to deepen the kiss. I was sure her body heated up so fast because I was going through the same. I couldn't get enough of the way her lips make me feel so wanted and needed.

But I had to stop it, because one... we were still in the office. And two, I didn't think we're ready if ever something more than a kiss happens. Wrong place, wrong time.

We slightly hugged each other while we remained silent for a minute to catch our breath.

"Ganda naman ng simula ng araw ko. Umpisa palang 'to ha, paano pa mamaya sa date natin?" Nang-aasar na basag ni Althea sa katahimikan, at natawa kaming dalawa.

"Lab, umayos ka ha. Sinasabi ko sayo." Biro kong banta. Nagtinginan ulit kami at bigla namang parang may narealize si Althea dahil bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito.

"Teka lang lab... si Andrew ang nagdala sayo nyang delivery? Bakit siya?! Bakit hindi nalang si Andrea?" Sunod-sunod niyang tanong. Para itong natataranta.

"Ayy, choosy? Bakit, anong masama kung si Andrew ang nagdala?"

"Eh patay na patay kaya sayo un. Kung hindi lang un matinong magtrabaho, matagal ko nang ipinatanggal un eh. Naku naman. Mukhang may balak un na pormahan ka ah. Lab, umiwas ka nga dun. Wag ka nang dumaan sa front desk." Pagmamaktol ni Althea.

Natawa ako ng malakas.

"Ang cute-cute naman magselos ng mahal ko oh. Parang bata." Biro ko sa kanya.

"Lab, seryoso ako."

"Ano ka ba naman, lab. Hindi mo kailangang magselos. Ito nalang ang isipin mo. Sino ba sa inyong dalawa ang kadate ko mamaya?" I teased with a little smug on my face.

Bigla naman siyang napangiti ng malapad. Halatang excited na excited na para mamaya.



//



3:20pm


"Lab, tara na." Biglang aya ni Althea.

"Ha? Saan?" Taka ko naman.

"Sa date natin. Tara na. Ma-le-late na tayo. Marami pa tayong gagawin. Dali na." Aya niya ulit habang hinihila ang kamay ko.

"Teka lang, lab. Ang aga pa oh. Hindi pa nga tapos ang office hours." Paalala ko sa kanya.

"Eehh mahal ko, ayos lang un. Ngayon nalang naman tayo maagang aalis ng office ah. Dali na. May hahabulin pa tayong oras." Pangungulit niya.

Nagtaka naman ako kung ano ang ibig niyang sabihin, pero pumayag narin akong umalis kami. Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero hindi niya ito sinabi. Basta sumama nalang daw ako sa kanya.


...



Halos 15 minutes lang ang naging biyahe namin. Ipinaiwan ni Althea ang sasakyan ko sa parking ng office at sasamahan nalang daw niya akong kunin iyon bukas. Dahilan niya ay dapat lang na siya ang maghatid sakin pauwi ngayon dahil siya ang nag-aya ng date na 'to.

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now