Chapter 5: pano magalit ang hindi girlfriend..

Start from the beginning
                                        

Mumog session.

Ayan na, nganga moment.

Inspect.

Ayun. Nakita na rin ng magiting na dentist natin ang sira.

Ready to bunot.

Baby bunot. Nyahaha.

Ready to Inject anesthesia.  

“AWWWW!”-Zarren, OA lang.

“Wala pa nga eh.”-Anghel.

“Ah wala pa ba.. Bilisan mo na at ng matapos na to.”

Inject, inject. Hanggang sa tuluyan ng bunutin ni Anghel. Grabe, hirap daw bunutin nun. Makapit lang. Tsk, pinagpawisan si Anghel dun ah..

Napaungol si Zarren sa sobrang manhid ng bibig nya.

“Sandali lang konti nalang, tibay eh. Wait lang, ayan na malapit na..”

(Zarren’s pov) grabe, naiinlove na ata talaga ko sa hudas na to.. gwapo nya talaga lalo na pag close up. Ambango pa, hmmm. Sarap sa ilong ng amoy mo ANghel..Kahit isang oras pa tayo dito, ok lang. Sana pahirapan ka pa lalo ng ngipin ko.. hehe

(Anghel’s pov) Ano bang problema bakit parang kinakabahan ako. Ang galing kong dentist ah, bakit sa ngipin ni Zarren kinakabahan ako.. tsk.kaya ko to, konting uga nalang.. waaaaah.

20 seconds.

“Hay sa wakas, ayan tapos na..” Ayun, pinakita pa ni ANghel ang ngipin ni Zarren.

Tahi..tiktaktiktak

Mumog.

Lagay bulak.

Tayo.

“Tara dun tayo sa office ko.” –sosyal, at may pa-office office pa.

Pagdating sa office ng clinic nya..

“After a week, kelangan mo ulit bumalik para matanggal ko ang tahi nyan. Magpahinga ka muna jan. May pasyente pa ko.”-sabay lisan.

Saktong paglingon ni Zarren sa pinto ay may seksing babaeng pinapasok si Anghel. Ewan nya pero mukhang magpapabunot din..

Zarren’s pov) waaah sino yun? Iniwan ako ng mokong na yun para lang dun sa babaeng yun? Bastos talaga. GrrR!! Teka, parang di ko naman masyadong makita ang face. Panget siguro. Sexy lang.. Grr.  Makikita nya.

Ayun. Humaba na ata ang leeg ni Zarren kakasilip sa babaeng yun na binubunutan ni Anghel. Waaah, halata dun sa girl na type nun si Anghel. Tsk, nakakapang-init lang ng ulo. Wag kang mag-alala Zarren, ikaw ang bida dito at nasa’yo ang suporta ko kaya syo ko ipapanig ang kwentong to. Nyahaha!

Nanatili si Zarren sa kinauupuan nya. Pinagsawa nalang nya ang paningin nya sa opisina ni ANghel. Wala namang masyadong kakaiba kaya wag nalang nating ipadescribe. Tsk. Nabwiset ang bida nating si Zarren nung makarinig sya ng ungol at tawanan mula dun sa dalawa. Shocks anong nangyayari dun?

(Zarren’s pov) Bwiset, kelangan ba talaga may ganon? Lalandi. Di na nahiya saken tong lalakeng to ah. Masilip nga..

Pagkasilip nya…

Ang dentista, nakikipagharutan sa pasyente. Tama ba naman yun? Bakit si Anghel ang nakaupo sa dental chair? Bakit nakakandong ang bwiset na babaeng yun??  Waaah, iiyak na yan. Iiyak na yan..

Di alam ni Zarren ang gagawin nya. Sisigaw? Ng ano? Taksil? Mga hayup? Bakit, sila ba? Waaah. Di naman sya girlfriend, pano ba to?Parng nanghina sya dun ah. Pakiramdam nya isa syang dvd vendor sa quiapo na nawalan ng hanap-buhay. Hay putek, maisingit lang. Badtrip, ala ng mabilan dun. Dati-rati kahit san ka tumingin meron. Waah, kunwari pa yung mga nanghuhuli, eh sila rin naman nanonood nun. (sa kabilang banda, di ko sinasabing tangkilikin ang pirated ah, syempre orig parin dapat, kaso nga lang…ewan ko ba, iba pa rin talaga pag nakasanayan diba).

Sakit. Bakit kelangan pa kasing gawin ni Anghel yun. Nu bang pinag-iisip nun. Eh nasa kabila lang si Zarren ah.. Waaah, playboy, nakakita lang ng konting flesh eh ganon na. Tsk, pano na yan. Nagulo ang takbo ng storya dahil sa ginawang yun ni Anghel..eto pov ni Zarren

___blangko___

Shet, maski si Zarren na mabilis mag-isip ay walang maisip… Kung ako sayo Zarren, sibat na. Alis. Pero bago ka umalis, siguraduhin mong makakaganti ka sa Anghel na yan…

Isip, Zarren, isip-tandaan mong ikaw ang bida dito.. at ako, ako si karu ang number 1 fan mo.. tsk…gusto mo bang ako na ang gumanti kay Anghel sa mga susunod na chapter? Sabihin mo lang at …at …papaibigin ko sya… wahaha. Joke lang. asayo loyalty ko.  Tibay ng dibdib at lakas ng loob ang kailangan dito..putek. sige na.. tirahin mo na.. oh..

 “Anong nangyayari dito? Clinic ba to o beer house? Yuck Anghel, magaling na ba AIDs mo?” I hate you unggoy! hindi kita mapapatawad.

Yon sapul..pero parang sumobra ka naman ata Zarren. Tsk. Namutla si Anghel. Pero mas parang nagmukhang suka si gurlalung di naman pala kagandahan sa malapitan. Tsk.

“Zarren.”-baliw na anghel to, tignan lang natin kung ano ang ipapaliwanag mo?

“Sige na, ituloy nyo na yan kung magaling ka na. Alis na ko.. “-sabay talikod at dire-direchong umalis..

Adik. Di sya nagbayad? Hehe, pumaparaan nanaman..tsk..

Ayun. Walang nagawa si Anghel. Sinubukan nyang habulin pero, ngunit, subalit may biglang taxi nanamang pumara sa harap ni Zarren. Nanaman? Sa buk1 ganun na ah.. Tsk, tsk, nangingielam? Ganon talaga, buti pa ang mga taxi laging handa. Eh ang mga pulis nga at bumbero dumadating pag tapos na eh. hay..

Pagdating sa bahay..iyak-iyak. Mga 15 mins lang. Di naman sila eh. Kung sila sana mga dalawang oras na iyakan yan. kaso di eh.. hehe, ganon talaga, may timer lang.. tsk. Sabi nga niya mas masakit pa daw yun kesa sa ngipin nya.. Hay.. sana may anesthesia din para sa puso noh..o pagsintang labis ang kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw, pag ikaw ay nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang..nakana. makasegwey lang ng kahit ano.. bakit ba, eh biglang pumasok sa utak ko ang mga katagang iyan ni pareng balagtas.. well, well, well, di naman sa pagyayabang, pero memorize ko yan.. ahihi, pano kasi yung t-cher ko nung highskul, pinamemorize yan samin. Lupet nun, ang lalim ng tagalog, kahit di mo gets ay dapat memorize mo.. tsk. Excited kasi magtagalog ang t-cher kong yun. Pano kasi nakapangasawa ng foreigner. Ahihi. Kaya samin nya binubunton ang lupit nya sa pagtatagalog. Haha. Yari ako neto pag nabasa nya. Hihi.itago nalang natin sa pangalang Ms. Tiza. Nyahaha..

Ayun. Tapusin ang chapter sa isang segwey..

Pambihira.. tsk…

Ano kayang mangyayari sa chapter 6?

Abangan. Maski ako excited kung san ako dadalhin ng utak ko.. waaaaah..  XD

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now