Chapter 5: pano magalit ang hindi girlfriend..

Start from the beginning
                                        

“Pasok na.”-Anghel

Si Zarren nagmamadali lang pumasok..Gulat sya bakit dire-direcho si ANghel sa loob. Eh may mga 3 pa kaya ang waiting. Waaah special treatment ganon?di porket friend ni Anghel ang dentist ganon nlang yun. Naawa tuloy sya sa mga nakapila. Tsk, ganito na ba talaga ngayon sa pinas, palakasan nalang? Hay. Kaya di umaasenso eh. Tsk, naalala ko tuloy nung college..nung magf-first year ako, di ako makapagdecide kung anong course pipiliin ko. Yoko nga mag-aral nun eh. Eh kaso binigyan pa ko ng pangtuition ng nanay ko, kaya ayun, sige nalang.. Bahala na. Nung di na talaga ko makapagdecide kasi nga ang gulo ng buhok ko, nadamay pati utak ko..Badtrip, pahabaan nalang ng pila. Bwiset lang, accounting ang pinakamahaba. Sabi nila yun daw pinakamahirap, kaya ayun, tinry ko kung makakaya ba ng utak ko.. Badtrip, akalain mo, kinaya. Kaya eto ko ngayon. Prinsesa ng mga deadlines. Wahaha. (buti sana kung yayaman ka agad eh noh?hay..)

“Hoy may pila kaya. Maghintay nalang tayo. Ok lang kaya ko pa namang tiisin.”-Zarren , di mawari kung nagsasabi ng totoo o plastik lang. Pero di sya pinansin ni Anghel, tumuloy pa rin. Pumasok sa loob. Gulat pa sya nung may bumati kay Anghel .

May lumabas na lalake, sya na ata yung dentist..Tinawag agad sya..”Miss Zarren, pasok na po sa loob.”

(Zarren’s pov) hanep bilis ng serbisyo dito ah. Sorry nalang sa mga nakaupo. Hihi, sa wakas mabubunot narin tong pahirap na ngipin na to…

Pumasok na sya sa loob. Nung pinaupo sya sa dental chair, hinanap ng mga mata nya si Anghel.  Di nya makita..hanggang sa tiktaktiktak..

“Buka ang bibig.”-sabi ng dentist..

Putek. Namamalimata ba sya, nakakita sya ng isang anghel..Naka dental gown.

Langhiya. Si Anghel..

Ay isang dentist??

Seryoso? Di nga?? Maiintindihan ko si Zarren, pustahan di sya maniniwala dito oh..

“Ikaw? Dentist?”—see? sabi na eh.

“Uhuh. Buka mo na bibig mo.. AHHH”- seryoso ang balbon

“Bakit? Joke ba to?”

“Hindi noh. Bakit di ba kapani-paniwala ha? Dentist ako, yan ang profession ko sa maniwala ka’t sa hindi.”

“Ayoko. Ayoko dito. Aalis na ko!”- nag inarte pa eh noh. Tsk..

“Ano bang problema, diba magpapabunot ka, eto na nga o bubunutin na. Nganga na kasi eh. Tatagal tayo lalo nito eh.”

(Zarren’s pov) Naku naman. Sa dinami-dami ng dentist sa pilipinas, bakit ikaw pa.. ayoko ngang makita mo ang bulok na ngipin ko.. huhu, kakahiya.. anong gagawin ko nito?gusto kong maglahong parang bula..

(Anghel’s pov) nyahaha. Zarren pinagpapawisan ka na. Ok lang yan. Wag kana mahiya sakin. Eksperto ata to ..tsk, buti nalang talaga sumakit ipin mo, nyahaha, sakin ka rin pala babagsak.

“Kainis, kung di lang talaga sobrang sakit eh. “ –Sabay nganga. Sinasabi ko na nga ba’t umaarte lang kunwari to, eh gusto rin pala.. tsk.

“Yan, good girl. Don’t worry magaan naman kamay ko ah.”

“Teka lang..siguraduhin mo lang na walang malalaglag na kulangot jan ah.”

“Hahahaha. Naisip mo pa yun? ANg linis-linis kong tao eh. Allergic ako sa dumi, tandaan mo yan.”

(Zarren’s pov) bwiset. Pasalamat ka gusto ko din. Nyahaha. Game na. tirahin mo na ngipin ko.

“Wait lang, magmumog ka muna, excited ka naman eh. Oh”-Anghel, inabot ang baso kay Zarren.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now