Ang Boyfriend kong Baduy chapter 8 (the last chapter)

135K 4K 1K
                                    

_Salvatore’s POV_

Hindi ko siya magawang tingnan ng diretso..  bakit ba kasi kahit anong gawin ko ayaw niya akong tigilan.. nasasaktan ako kapag nakikita ko siya.. hindi ako ang lalaking para sa kanya..  I’m a jerk.. …  ayoko lang na madamay siya sa mga nangyayari sa buhay ko…. Aksidente lang ang pagkakakilala namin and it all started with a BET..

*flashback*

‘dude sal… come on… kakalipat mo lang so walang nakakakilala sayo kundi kami’ –si mike barkada ko nag aaral sa ibang school..

Intramural dito sa school na nilipatan ko kaya inimbita ko sila.. Wala pa akong kakilala..  parating kalokohan ang nasa isip nila… sabi ko mag motor cross riding na lang kami pero sila ang mapilit dahil maraming mga girls…. Tsk girls laruan lang sila na maganda lang sa umpisa pero pag sasawaan mo rin.. just like my real mom… T*ngna sa twing maalala ko yun… all I wanna do is kill them both.. dahil sa kanya muntik ng magpakamatay si dad…  but I like my new mom.. she's humble and caring….

‘sige na… isusuot mo lang tapos kapag may pumatol eh di ok…’-ricky

‘shut up… ayoko….’

‘nababakla ka na…ako na ba type mo ngayon?-mike

‘hell no… ok ano mapapala ko kapag ginawa ko yan?’

‘uhm sayo na ang skate board ko’-mike

‘ikaw ricky?’

‘sayo na gitara ko’-ricky

‘sabi niyo yan ah… ‘

‘oo’-silang dalawa

Mga trip naman nila oh… bahala na nga ienjoy ko na lang….

‘teka nga.. eh kapag kami nanalo?’-mike

‘sayo na ako’

‘gago talaga to….’-mike

‘tsss hahaha sayo na psp ko’

‘eh pano ako?’-ricky

‘yung laptop ko’

‘ok ayos ah’-ricky

Sinuot ko na yung pang 80’s na damit pati yung buhok ko pinagtripan nila… mukha na akong isang bayani..

Wala naman akong virus sa katawan pero iniiwasan ako ng mga akala mong magaganda… tsss hindi sila ang mga tipo ko.. .

bigla na lang akong nilagyan ni mike ng blindfold…namalayan ko na lang nakaposas na ako… pag natapos tong araw na to papatayin ko sina mike at ricky…

‘dude.. this is your chance… so enjoooy… but don’t play too much’ bulong sakin ni mike…

Pagtanggal ng blindfold may katabi na akong babae… takte tiningnan niya ako from head to toe… and I know exactly what’s on her mind.. BADUY…  I don’t care she’s not my cup of tea anyway………..  I’m not comfortable seating beside her…

‘sabihin mo lang kung hindi ka komportable na katabi ako..lalayo ako ng konti’

But the truth is naiirita ako kasi sobrang lapit namin………..

‘hindi naman… ako nga pala si roze’

Did I heard it right? O magkatulad kami ng iniisip.. nakikipaglaro din kaya siya?

‘salvatore’ I answered

‘teka ngayon lang kita nakita ah’

‘kakalipat ko lang kasi’

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon