Ang Boyfriend kong Baduy chapter 3

120K 1.9K 112
                                    

-roze’s pov-

Nasa canteen kami ngayon ni bajie…. Siya parang telescope ang mata halos lahat ng lalake dito sa canteen tinititigan niya…

‘bajie.. tigilan mo nga yan kinikilabutan ako sayo eh’

‘alam mo inday nabasa ko kasi sa intenet kagabi na bawat tao ay may sikretong tinatago at yun ang kailangan kong malaman’

‘stalker syndrome yan’

‘stalker ka jan… ang hirap magdiet ahh….’

‘basta ituloy mo lang yang pagdadiet mo…. Si sal ko nasan na kaya’

‘yan naman ang hinahanap mo malamang naman nasa lungga niya’

‘tara puntahan natin baka nagugutom na yun’

Bumili muna ako ng sandwich sa canteen tapos tumuloy na kami sa library…. Sumilip ako sa pinto gaya ng dati wala si sal… san ba kasi talaga ang tambayan niya…. Ang lalaking yun hindi ko alam kung anong nasa isip…..

‘kailangan talaga may device ka para malaman kung san nagsususuot ang boyfriend o baka naman sa ibang palda na siya nagsususuot’

‘gaga… hindi playboy si sal noh’

‘eh malay mo naman baka may naaakit din sa kabaduyan niya’

‘shatap…’

Naglakad na lang kami ni bajie papunta sa room…. Nakita ko si sal na nasa labas…

‘sal san ka ba nagpunta hinanap kita sa library wala ka’

‘sa faculty room lang’

‘kumain ka na/ oh eto’

Inabot ko sa kanya yung sandwich…..

Si bajie pumasok na at kung ano ano naman ang hinalukay sa bag ko….

‘salamat sa sandwich’

‘woah woah woah….. nandito si rizal’ sabi nung mayabang kong classmate…

‘huy tumahimik ka nga… pakealamero’

‘roze… sayang ang ganda mo kung sa kanya ka lang babagsak…. Liligawan sana kita kaso.. weird ka pala’

‘mas weird ka naman… bakla ka ba/ at hindi mo maitikum ang bibig mo’

‘kahit halikan kita ngayon roze hindi ka kayang ipagtanggol ng lampa at baduy mo na boyfriend’

‘hoy yabang…. Wag mong itulad si Salvatore sa gaspang ng ugali mo’

‘hahaha…. Salvatore pare ginagamit ka lang neto…… para gumawa ng mga assignments niya’

‘ano bang pinagsasasabi mo jan/’111’

Si Salvatore tahimik lang pero nakatingin siya ng masama sa lalaking yun…..

‘oh ano ah.. Salvatore sakin na lang syota mo.. hindi ko to paiiyakin… ibang iyak ang ibibigay ko dito’

BAAAAAM

Nagulat ako sa nangyari…. Kinuwelyuhan ni sal ang classmate ko and he pinned him on the wall…..

‘wag kang mambabastos ng babae lalo na pag si roze…. Tandaan mo yan’ matigas niyang sambit

Ibang  sal ang nakita ko…. Yung boses niya nagbabanta…. Nag iba ang aura niya…. Nagsilabasan ang karamihan sa mga classmate ko ng maranig nila ang pagtulak ni sal sa  classmate ko sa pader….

Hinatak ako ni sal…

‘sal… anong ibig sabihin nung nangyari kanina/’

‘sorry… roze.. hindi ko sinasadya’

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon