(Zarrens’pov) T-bone.. shocks, bakit ba kinilig ako bigla sa t-bone na to.. waaah, naisip kong bigla ang abs ni Anghel.. grabe, parang may T-account dun sa abs nya. Bwahaha, bastos ko ba? Pano naman kasi ang sarap lagyan ng debit at credit.. waaah. at feeling ko ang sarap sarap i-force balance nun. Wahaha. (kagat labi. Simpleng bumalik sa realidad)
“Hmm, sarap nga. Enge pa..” –waaah, bakit nagkasabay pa si Anghel at Francis sa paglagay sa plato nya. Adik lang. Mukhang nagsukatan pa ng tingin ang dalawa. Parang may kuryente sa pagitan ng mga mata nila..Pagwapuhan nalang..tsk. Pero syempre para hindi mapahiya ay parehong kinain ni Zarren. Waaaah, haba ng hair ng bida natin ah.. hay,,,
After kumain, mukhang may naisip nanamang kalokohan tong si Anghel. Hay, ilang beses ko ba namang sasabihin sa kanyang umayos sya. Hehe..Tinawag nya yung waiter at hiningi ang bill..
Pagkatanggap ng bill, kinaba nya bulsa nya.. At nagkunwaring nagulat..”Waaahh, patay.”
“Bakit?”- si Zarren
“Wallet ko, nakalimutan ko pala wallet ko..” worried kunwari si Anghel. Patakip-takip pa ng bibig. Putek.
“Ano, eh sino magbabayad nito. Ang mahal pa naman ng mga inorder mo.”-Zarren
Anghel’s pov) wahehe, tignan ko lang ngayon kung bubunot kang little muscle man ka. Bwahaha! Patunayan mo ngayon kay Zarren na mapera kang dukha ka... Haha, kung di mo alam, isa sa pamantayan ni Zarren my labs ang mapera.. Ano, pulubs may pera kaba jan? wahaha.. kala mo totoong naiwan ko wallet ko ha? Wais to pre, yan kasi join ka pa ng join eh date namin to ni Zarren. Wahaha!
“Ako na Zarren.” –Francis, kahit nakasimangot na may ibubuga rin pala. Pinilit nalang nyang magsmile kasi gentleman eh. tsk.
(Anghel’s pov) jejejejeje. Im sure masasaid laman ng wallet mo. Hihihi, yun oh may credit card. I-credit card mo nalang wag ka nang mahiya tayo-tayo lang naman eh. jajajajajaja!
Waaah. napakasama palang mangtrip netong si Anghel. Bow ako sayo Anghel de Guzman. Ikaw na. tsk. Makakapalag pa ba si Francis sayo. Hay, tama ka nasaid talaga laman ng wallet nya. Hehe, pero syempre mapagtimping tao rin tong si Francis kaya pinagpasensyahan nya si Anghel. Kala nya kasi di sinasadya eh diba. Mabait na tao lang. Tsk, tignan lang natin kung hanggang sa huli ay mabait ka parin.
“Pre, bawi ako next time ah. Ang kulit kasi ng wallet ko eh.”-buti nga sayo
“Ok lang pre. Para yun lang eh. wala yun.”- at nakuha na rin magyabang nitong si Francis.
(Zarren’s pov) badtrip. Nakakahiya kay Francis. Bread winner pa naman to ng family nya. Hay, ANghel, sasamain ka talaga sakin. Engot ka bakit mo iniwan wallet mo.. pero teka, mabuti narin pala yun, atleast di na matutuloy ang date mo ngayon. Hehe
After nila kumain, nagpasalamat si Anghel dahil nagmamadali ng umuwi si Francis. Nyahaha, baka hahabulin ang mrt para makatipid.
Ayun kaya nung masolo na nya si Zarren..
"Hoy Anghel, bakit ka nagyayang kumain eh wala ka palang wallet ha? Pano kung di dumating si Francis edi ako pagbabayarin mo?"
"Eh naiwan ko nga eh. Pero nung pagkabayad nya, parang naisip ko na kung san ko naiwan. Hehe, nasa kotse lang pala.."
"Ano? Bakit hindi mo sinabi, nakakahiya sa tao. Siguro sinadya mo, kuripot!"
"Hoy, hoy, hoy, itawag mo na ang lahat sa akin wag lang ang kuripot ha.. Mayaman ako. Swerte nga ng mapapangasawa ko sakin eh.. Pahihigain ko sya sa pera."
"Yabang mo! Tara na nga."- Hmm, wala akong paki sa pera mo ANghel, kahit maghirap kapa, andito lang ako..
"Ano kamo?"
(Zarren's pov)waaah narinig ba niya? na voice out ko ba??shet!!!
“Anong ano kamo?”- Si Zarren praning lang.
“Anong binubulong-bulong mo jan?”
“Wala. Sabi ko bilis bilisan mo at ng makauwi na. Teka nga pala, sobrang late kana sa date mo ah.”-waaah, bakit ko ba nasabi to, pinaalala ko pa tuloy.. tsk. Naku baka pumunta pa sya..
(Anghel’s pov) Tsk, badtrip, bakit ba pilit akong tinataboy nito ni Zarren. Hay, wala na kong magagawa kung yan ang gusto mo. Gwapong tao lang ako na marunong din maasar. Grr!
“Sige na nga tara na. Makakahabol pa ko sa date ko. Kasalanan nyo ‘to ng Francis na yun, tagal nyong ngumuya. Dapat dun gerber nalang eh.”
“Ang sama mo talaga. Bakit ba init ng ulo mo kay Francis ah?...Siguro insecure ka lang no, o kaya nagseselos ka?”
(Anghel’s pov) OO na. Selos kung selos. Buti naisip mo yan. Putek na buhay to oh.
“Nye, eh bakit naman ako magseselos, wala namang dahilan. Eh baka naman sinasadya mo lang ang lahat. Set up lang to no. Siguro tinext mo sya kanina pra pumunta dun para pagselosin ako no? Pumaparaan ka ata Zarren. “-Anghel pikon na. tsk.
(Zarren’s pov) Napakasakit mong magsalita! Sana di ka nalang nagcomment bwiset ka. Umasa pa naman akong magiging ok tayo after nito. Huhu! Sadista ka talaga. I hate you na. hmp!
Katahimikan habang nagddrive si Anghel.
(Anghel’s pov) Waaah, ano tong nasabi ko, mukhang nasaktan ko ata sya. Waaah, wag kang maniwala sa mga pinagsasasabi ko my labs, maniwala ka lang sa mga kilos ko..action speaks louder than words..hehe Hmm, pero sa isang banda mabuti narin to..atleast napag alaman ko na na kahit papano ay nakakaramdam ka rin pala..
“Jan nalang sa tabi, para!”- Zarren, tumapat na sa kanto malapit sa bahay nila.
“Sige, bukas nalang. May date pa ko. Bye.”- kiss ko!
“Sige, thanks.” Sabay baba at sara ng pinto –Waaah seryoso, tutuloy ka pa? parang awa mo na, wag na..
Ayun, pumikit muna saglit si ANghel. Tas nag isip (parang malalim na tao lang). Adik lang..Sana nga may date nalang ako para di laging ikaw ang laman ng utak ko. Haay,, Zarren, buti pa sa test na true or false kahit papano nakakatsamba ‘ko, pero sayo..tsk. para kang enumeration, hirap hulaan. Tsk.
ESTÁS LEYENDO
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 4: Diskarteng malupet..
Comenzar desde el principio
