Chapter 4: Diskarteng malupet..

Start from the beginning
                                        

Isa pang dress ulit ang sinukat ni Carren. This time, sinigurado nyang wala ng pamimintas si Anghel. White na ang pinili nya.. Hmm, ewan ko nalang kung may masabi ka pa dito, white symbolizes purity. (me ganon?)

”Yes, eto na bagay na bagay talaga sakin ang white. Bibilin ko na to.”-plastik na excitement lang. Hay may masabi lang talaga..

“Teka teka teka, wag yan masyadong manipis. At saka di talaga bagay parang antaba mo jan. Eto, eto bagay sayo (long sleeve na blouse-bulaklakin pa, tsk)”

“Nyek, ano to? Ngpapatawa ka ba? Baduy mo. Tingin mo magugustuhan ba ko ni Francis jan ha? Ah basta eto ng white ang bibilin ko.”- sabay direcho sa counter.. waah, napasubo sya dun ah, may kamahalan ang dress na yun pero ala na syang magawa nakakahiya na kung uurong pa sya.

(Anghel’s pov) Nakakinis. Bakit ayun pa ang pinili nya. Ang nipis kaya nun, bakat ang katawn nya dun. Tsk, di pwedeng makaispat ang Francis na yun sa Zarren ko. Waaaah. Pero di bale, asa naman syang matutuloy ang walang kwentang date nila. Bwahaha!Ako pa rin ang magwawagi dito.Good versus evil. Anghel versus demon.. bwahaha!

After nilang magbayad syempre di papayag si Anghel na hindi manlang nya malibre si Zarren ng dinner. Kahit pa sabihing asar na asar na sya sa mga tahasang pagpapakita ni Zarren ng pagka crush nya kay Francis. Di na sya nahiyang magyaya.

“May bibilin ka pa? Tara kain tayo.” –binilisan nalang ni Anghel pagsasalita. Naiilang sya  kasi tinitigan ni Zarren mukha niya. Conscious lang. Hehe, May dumi ba ko sa mukha??- Sabay tawa ni Zarren. Hay ewan nya talaga kung anong trip ng babaeng to. Nababaliw na ata.. Hmm sa bagay pareho lang sila.. hehe

“Wag na uy, baka sisihin mo pa ko pag nalate ka sa date mo. Diba may date ka ngayon? Sige na makakaalis kana. Go!” – parang awa mo na wag kang maniwala sakin. Gusto pa kitang makasama.. huhu

“Ok lang gutom na rin naman ako eh. Pinagod mo ko sa kakaikot. Tara na baka sabihin mo pa ginugutom kita.”—waaah, bakit ganon sabay hablot ni ANghel sa kamay ni Zarren.. Tsk tsk, ingit ako dun ah.

(Zarren’s pov) OMG, ang kamay ko, sadyang nilagyan ko ng lotion yan kanina para in case na hawakan mo,malambot, laging prepared. Ahihi.. Mejo masakit pagkakahablot mo pero mas lamang pa rin ang kilig.. wahaha!

(pansin nyo parang mga tanga ang lead characters ko. Wahaha! Minsan kasi masarap sa pakiramdam yung maging mababaw. Yung light lang. Kahit walang kwenta sa iba feeling mo mundo mo na. tsk, lalim lang pero di mapapantayan ang feeling na ganito..hay)

Ayun, habang nakaupo sila at inaantay ang order nila parang biglang tumahimik nanaman tong si Anghel, minsan talaga hirap basahin ng utak nito.

(Zarren’s pov) Hay bakit ang tahimik mo nanaman, huhu baka iniisip nya yung date nya. Late na kasi sya. Wahaha talagang binagalan ko ang pagpili at pagsusukat kanina para malate ka. Hmm, antalino ko talaga. At dahil jan, kakain ako ng marami ngayon para lalong tumagal at di ka na makaabot.. Hehe. Pero bago yun, dapat maibalik ko to si Anghel sa mood nya.. bakit ba kasi iniisip pa nya ang date nya. Kahit simple lang ako manamit, sexy naman ako ha.

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now