Nang makapasok siya ay sinamaan ko siya ng tingin. Pinasadahan niya ng haplos ang kanyang buhok.

"You know what? I really hate you!"

"You don't hate me. If you do, there's no Preston." Umigting ang kanyang panga at pinaandar ang sasakyan.

Lumabas kami ng gate.

Kumalat ang init sa aking mukha. "N-nababaliw ka na!"

"Matagal na." Tugon niya.

Nanahimik na lang ako dahil sa mas lumalang pag-iinit ng mukha. Tinignan ko sa rearview mirror si Kaitlyn. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin ni Phoenix.

Nang mapansin niyang nakatingin ako ay tumungo siya at nilaro bigla si Preston.

"Binibini..." Paos ang boses niyang usal.

Nagtaasan ang aking mga balahibo. Kinagat ko ang labi at hindi nagsalita.

"You're still beautiful when crying or even when fuming with anger. Everything about you is beautiful, don't you know that?"

Lumunok ako at mariing pumikit. Humilig ako sa bintana. Mabuti na lang ay tumigil na ang aking luha. Hindi ko alam kung saan tutungo itong ginagawa niya. Hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng pagkailang dahil may ibang taong nakakarinig ng pinagsasabi niya!

"T-tumigil ka diyan." Iniisip ko kung ano ang mangyayari kapag kinuha niya sa akin si Preston.

Tumigil naman siya. May nakakabit na sa kanyang tenga at nang mapagtanto kung ano iyon ay muli, mariin akong napapikit.

"My... nasa bahay na kayo? Ang dad?"

Gusto kong magwala dahil sa narinig. Matindi ang naging reaksyon ng aking dibdib.

"Okay... we're on our way." Tumigil siya saglit. "Basta... malalaman niyo rin kung sino ang kasama ko. Kung pwede pakitawagan na rin ang mga tito at tita. I'm driving. I can't call them all."

Matapos ang tawag ay saktong tumigil kami sa drive thru ng isang fast food.

Umorder siya ng mga pagkain at nilingon ako. "Kumain ka muna." Aniya. Sinulyapan niya si Kaitlyn. "What is your name?"

"Kaitlyn po." Nahihiyang sagot ni Kaitlyn sa likod.

Matapos umorder ay iniabot niya kay Kaitlyn ang iba ngunit hindi nito nagawang abutin dahil sa naglilikot na si Preston.

"Okay lang po ako. Kakain ko lang po."

Itinabi niya sa akin ang mga inorder niya.

"Ayokong kumain..." Malamig kong sabi. "Anong balak mo? Bakit mo sila tinawagan? Can't you really give me enough time huh, Phoenix?"

"Eat. It's already 12." Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

Inirapan ko siya. Siya kaya itong hindi pa kumakain!

Muli niyang pinaandar ang sasakyan. Hawak ng kanan niyang kamay ang burger, mukhang nahihirapan siya. Inagaw ko ito at humarap sa kanya.

"Di pa kasi kumain kanina!" Naiinis kong sabi. Mahina lang iyon pero alam kong narinig niya.

Inilapit ko sa bibig niya ang burger. Napasulyap siya sa akin, halatang nagulat sa ginawa ko.

"Kainin mo na-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi dahil marahan siyang kumagat dito. Nanginig ang aking kamay nang maramdaman ang pagdampi ng labi at ngipin niya sa aking daliri.

Lumunok ako at nagkunwari na wala lang iyon. Inayos ko ang pagkakahawak sa burger at muli itong inilapit sa bibig niya matapos niyang ngumuya.

"Ang sarap..." Aniya at tinignan ako.

SurrenderWhere stories live. Discover now