Chapter 33

71.2K 1.7K 82
                                    

Chapter 33

Hindi ko na inaksaya ang oras. Dahil wala akong cellphone ay hindi ko alam kung paano hahanapin si Daucus. Siguro ay magtatanong na lamang ako sa receptionist.

"Miss, excuse me? Pwede bang malaman kung saan ang suite ni Daucus Rustan?"

Inangat ng babaeng nagngangalang Gretchen ang kanyang mukha. Saglit niya akong tinitigan pagkatapos ay alanganing ngumiti.

"I'm sorry miss but we are not allowed to tell-"

"Bakit mo ako hinahanap?"

Napalingon ako sa aking likuran. Nakaramdam ako ng kaba pero pilit kong kinalma ang sarili. Nagpilit ako ng isang ngiti at lumapit sa kanya.

"Mr. Rustan-"

"If she's the one asking for my whereabouts you can tell her Gretchen." Seryoso niyang sabi sa clerk.

Ang dalawa pang clerk ay ramdam ko ang panonood sa amin. Hindi ko na lang sila tinignan pa at naiilang na hinarap si Daucus. Tinalikuran niya ako, agad ko naman siyang sinundan.

"What do you want?"

Parang hindi siya ang DC na kilala ko. Hindi ko mapigilan ang masaktan sa ikinikilos niya pero hindi ko naman siya magawang sisihin. Hindi ako manhid sa nararamdaman niya para sa akin ngunit kailangan niyang tanggapin ito. Ayoko siyang paasahin. Mas masasaktan siya kapag ipinagpatuloy ko ang pakikipaglapit sa kanya. Lalo na't kung isa siya sa mga dahilan kung bakit kami nagtatalo ni Phoenix.

"May we talk?" Tanong ko.

"We're already talking Millicent."

Napalunok ako. Sumakay siya sa lift at konting-konti na lang talaga ay mahihilo na ako sa ginagawa ko. Kanina pa ako pasakay-sakay sa mga ganito. Kung hindi ko lang siya kailangang kausapin ay siguro nagtigil muna ako sa dalampasigan.

"Tungkol sa mga sinabi mo kagabi." Sumara ito. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.

Hindi man lang niya ako nilingon. "What about those? Kahit ano namang gawin ko ay hindi ka maniniwala diba?"

"Daucus please... gusto kong malaman ang nalalaman mo." Mabuti na lang ay napigil ko ang panginginig ng boses.

Nilingon niya ako. Tumunog ang lift tanda na nasa tamang floor na kami. Hinawakan niya ang aking braso at hinigit ako. Pumasok kami sa kanyang suite.

Natatakot ako na malaman ni Phoenix na pinuntahan ko si Daucus pero hindi ko ito puwedeng ipagpaliban.

"A-anong nalalaman mo?" Lakas-loob kong tanong.

Ituro niya ang sofa at sumunod ako sa gusto niyang mangyari. Pareho kaming naupo ngunit sinigurado ko na maluwag ang pagitan naming dalawa.

Nang tignan ko siya ay nakatingin siya sa espasyo ng aming kinauupuan. Umiling siya at ang pag-iigting ng kanyang panga ay hindi napalagpas ng aking mga mata.

"Do you really need to distance yourself from me Millicent?"

"Daucus hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan natin ang bagay na 'yan." Pinigil ko ang nagbabadyang pagsiklab ng inis sa akin. Pilit kong kinakalma ang sarili dahil ayokong magtalo kami. "I'm here because I want you to explain what you said last night. Ano ang alam mo? Bakit mo sinasabing sasaktan lang ako ni Phoenix?"

Tumayo siya nang hindi sinasagot ang aking tanong. Dinala ko ang aking mga kamay sa mukha at tinakpan ito. Nang maramdaman ko na bumalik na siya ay inabutan niya ako ng isang kopita na may lamang champagne. Tinitigan ko ito.

"You need that." Malamig niyang sabi.

Tumango ako at pinanood ang paglagok niya ng alak mula sa kanyang baso. Ibinaba niya ang baso sa table at dumiretso ang tingin sa glass window. Samantalang ako ay hindi ko magalaw ang nasa aking baso.

SurrenderWhere stories live. Discover now