Chapter 24

93.9K 1.9K 127
                                    

Chapter 24

"Has kuya already contacted any vendor?"

Habang bumababa ng hagdan ay naririnig ko na ang kanilang mga boses.

Huminga ako nang malalim dahil sa hindi masupil na pag-usbong ng kaba sa dibdib ko. Nag-uusap na sila tungkol sa kasal ni Penelope Ferreira at Sebastian.

"No Rio. Seriously, I don't know how to deal with Sebastian anymore. Nakita mo naman kagabi diba? Ni hindi siya makausap nang matino."

"She's Cherry." Saad ni Phoenix sa aking tabi. Nakarating kami sa living room at napatigil ang magpipinsan sa pag-uusap nang mapansin kami. "At yung kausap niya si Rio. They're Sebastian's siblings."

"P!" Tumayo iyong tinutukoy niyang babae.

Bago pa makarating sa harap namin iyong Cherry ay lumayo na ako sa kanya. The woman enfolded him in her arms. Naramdaman ko ang mga matang nakatutok sa akin.

Pinaglaruan ko ang kaliwang kamay sa pamamagitan nang pagtusok ko ng mga daliri dito gamit ang kanan.

Tumikhim si Phoenix. Napilitan akong lingunin siya. Nakatingin na rin si Cherry sa akin na may ngiti sa magandang labi.

Bakit ganito ang mga Dela Vega? They could intimidate a person even without saying a word!

"She's the one you brought at Kuya Seb's house, wasn't she, Kuya?"

Hindi ko man tignan kung sino ang nagsalita ay alam ko na kung sino ito. Ilang beses ko na ring narinig ang boses na iyon high school pa lang.

"It's her." Sagot ni Phoenix sa bunsong kapatid na si Jemimah.

Phoenix was about to enwind his arms around me, but Jemimah rose from her seat and surprisingly pulled me into a hug.

"You're beautiful!" Kumalas siya at nginitian ako nang matamis. "Matagal na kitang nakikita pero hindi ka naman pinapakilala ni kuya sa akin!" Nilingon ni Jemimah si Phoenix. "Seriously what's wrong with you?"

Humalakhak ang isa sa kanila. Hinanap ko ang may-ari ng pagtawang iyon. Dumapo ang tingin ko sa babaeng nakade-kwatro habang pinapanood kami.

Si Tamiya Azia Dela Vega!

"P was a wuss, Jemimah!" Marahang hinaplos ni Tamiya ang buhok at tumayo. "Kilala ko na si Millicent..." Tumaas ang kilay niya at tumingin sa akin. Sa kabila ng ikinilos niya ay binigyan niya pa rin ako ng isang ngiti. "Matagal na. But then, as what I've said your brother was a pussy!"

"Tamiya!" Saway ni Phoenix sa pinsan. Nakita ko ang paglarawan ng inis sa kanyang mukha.

"What P? I'm just saying the truth! You didn't have the guts to introduce her to us kasi natatakot ka. You didn't even have the right to her way back in high school. Sabagay, wala kasi siyang gusto sa'yo dati." Mas lalong lumala ang tawa niya.

Nag-init ang mukha ko. She knew that?

"Shut the f uck up, Tamiya!" Naka-igting ang panga niyang sabi dito. His voice was taut. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng pinsan.

Nagkibit-balikat si Tamiya at tumayo na parang walang nangyari.

"Too hot-tempered!" Lumapit siya kay Phoenix at yumakap. "I missed you!"

Sa kabila ng inis ay nagawa pa din niyang gantihan ang yakap ng pinsan.

Pagkatapos hagkan si Phoenix ay lumapit sa akin si Tamiya. Nagitla ako sa ginawa niya, niyakap din ako!

"No doubt he's love-sick. Maganda ka... binibini." She chortled. Nagtaasan ang balahibo ko nang sabihin niya iyon sa gilid ng aking tenga.

Pinagapang ni Phoenix ang bisig sa aking baywang nang pakawalan ako ni Tamiya. Pinakilala niya ako sa kanila at hindi napigil ang sayang humanay sa aking dibdib dahil sa pag-welcome nila sa akin.

SurrenderWhere stories live. Discover now