I gave him a look. Engot? Natawa siya sa reaksyon ko habang kinukuha niya ang cellphone niya.


I still opened my mouth and try to say the word pero hindi ko marinig. No voice.


I shook my head.


Luke smirked. "Okay lang yan. Nakakatawa ka naman eh." Pinakita niya sa'kin ang cellphone niya. Kinunan niya ako ng video habang sinusubukan kong magsalita. Mukhang akong engot sa video. Gago tong Luke na to.


Tinabig ko ang kamay niya habang tumatawa siya. Tinapos ko ang pagkain ko.


"Tara sa café"


Tumango na lang ako.



***********



Luke's POV


"Hello sir"


Ngumiti lang ako sa bumating crew. Of course they know me, hindi lang ang ospital ang samin pati na ang café na 'to. Dito kami tumatambay ng mga kaibigan ko pag school days dahil malapit lang din to sa school. Speaking of kaibigan, ayun at nag-eenjoy na ang mga 'yon sa Bora habang nag-aalaga ako ng disabled na pipi dito.


Tumingin ako nang pwede naming uupuan pero nakita kong naka-upo na si Century sa table malapit sa bintana. Hindi na nakatusok sa kanya ang dextrose niya dahil hindi na niya kailangan 'yon. Pina-check ko din siya sa nurse na umaasikaso sa kanya bago kami lumabas. Wala na din siyang benda sa ulo.


Umupo ako sa tapat niya. Mula dito, kita ko pa din 'yong purple and yellow sa leeg niya. I cringed.


Kahit gano katigas ang bungo ko, hindi pa ako nasasakal ng mga magulang ko. Andami niyang pasa at sugat sa isang braso at sigurado akong abot hanggang sa balikat niya pero hindi na makita dahil sa t-shirt na suot niya. Halos benda naman sa kabilang braso.


Maya-maya pa'y inabot niya ang tablet at nagsulat.


'wag mo akong tingnan ng ganyan. Nakakadiri ka. Para kang manyak'


Bumagsak ang panga ko. Pambihira tong pipi na 'to.


"Hindi kita minamanyak! Feeling na 'to..." depensa ko.


She made a face and mouthed 'manyak'.


"Kelan ka pa... ano... ginaganyan ng tito at tita mo?" cautious na tanong ko. Binubugbog sana 'yong sasabihin ko pero baka malakas ang trauma ng isang to at hindi ako sagutin.


Nag-isip siya saglit pero she just shrugged after. 'hindi ko matandaan'


"Ilang taon ka na ba?"


'18'


"Nung high school ka ba, sinasaktan ka na?"


She nodded slightly.


I scratched my head. "Hindi ka nagsumbong?"


She looked down and shook her head.


"Bakit?"


'papalayasin nila ako. Wala akong pupuntahan'


Wow. Kung ako siya, lalayas na lang ako kesa tumira kasama mga 'yon. Pero syempre hindi ko na sinabi sa kanya 'yon. Baka may mas malalim pa siyang dahilan. Who the hell knows. Pero...


"Century..."


She raised her brows.


"Hindi ka ba... ano.. uhm..."


She glared at me. 'Ano?'


"Kung... hindi ka naman ba g-ginahasa?"


Natampal niya ako sa noo. 'shunga. Hindi. Pero muntik na, lasing tito ko nun. Nakatakbo ako'


"Hindi na naulit?"


'bat parang gusto mong maulit?'


I laughed. "Hindi naman. Gusto ko lang malaman para dagdag sa kaso niya kung sakali." My dad's working on putting Century's aunt and uncle in jail. At mukhang walang plano si dad na hindi makulong ang mga 'yon.


'kaso?'


Shoot. Hindi dapat malaman ni Century 'yon pero dahil may pagka-engot ako minsan.. oh well.


"Ipapakulong sila syempre"


'Ha?'


"Err... si papa na magsasabi sa'yo. Tsaka mas maganda naman na makulong mga 'yon noh. Dapat nga euthanasia pa pero mas mabuti siguro kung silya elektrika o bitay ganun."


Tumingin siya sa'kin na parang nasisiraan ako ng ulo. "O ano? Ayaw mo?"


Hindi na siya nagsalita... o nagsulat. Basta! Wala na siyang nasabi. Hindi na din ako nagtanong at tumingin na lang sa mga tao sa paligid namin.


May mga kumakain, may naglalaro ng pinoy henyo, may nagpapa-dede ng anak at may nakatingin sa'kin. Group of girls and two guys. I smirked. Hindi na talaga maiiwasan na walang tumingin sa'kin. Tiningnan ko din sila para lang mapansing hindi pala talaga sa'kin sila nakatingin. Kay Century pala. Ay mali... sa mga pasa pala niya.


Mukhang pinag-uusapan siya. Tumingin ako kay Century. Mukhang hindi naman niya napansin dahil eto at naglalaro siya ng criminal case sa tablet.


Tinawag ko ang isang crew at nag-order ako ng dalawang frappe at sangkatutak na bagel.


Umalis na din kami nang makuha ko ang order namin dahil baka mailang si Century sa mga taong nakatingin sa kanya. Makakita ka naman ba ng talong na naglalakad eh... Century's like that, halos purple makikita mo sa braso niya. Purple and yellow. Walang kulay ng balat. 

The Delinquent and The SilentWhere stories live. Discover now