SG.6 - Here we go

En başından başla
                                    

"Magpapalit ka ng damit o ako ang maghuhubad sa'yo?!" He hissed back. God! He's bossy! Kinuha ko ulit ang damit na binato niya sa akin at saka tumalikod. Wala na akong pakialam kung makita niya akong hubad, naghubad na ako sa kanya dati. Ibinato ko papunta kung saan ang crop top ko tapos ay sinuot ang t-shirt niyang pambaduy. I hate it talaga!

"Okay! Anong pag-uusapan natin?!" I hissed. Umupo ako sa katapat na couch. I was twisting my lips and I looked for him. He looks good now. Bagay naman pala sa kanya iyong walang print na t-shirt kahit na pula pa ang pants niya. Pero, mukha pa rin siyang tanga.

"I like you, Hya." He said in a calm way. Hindi naman ako nakakibo. "That's the only explanation why I'm like this. I've been with Aly for two years. I'd been faithful, but you came, you decided to enter my life and take me to that party, nagulo ang mundo ko. I like you, Hyacinth."

Pakiramdam ko ay sinisilaban ang puwitan ko. Hindi ako mapakali. Do I like him? Well, I'm attracted to him. I want to make out with him kasi alam ko na iyon lang ang paraan para mawala ang attraction ko sa kanya. Hindi ko naman papatagalin ang bagay na ito. I'd give it two months - itong buong summer vacation and after that, I'll tell him that I've had enough.

Iyon din naman siguro ang gusto niya.

"Fine. You like me, date me." Sabi ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya tapos ay ngumisi siya sa akin.

"Okay." Sabi niya. Nagtitigan lang kaming dalawa. Pinagsiklop ko ang mga kamay ko habang palinga-linga ako. I want to date him too but right now all I could think was kissing him. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya tapos ay kakandong ako sa mga hita niya at saka siya hahalikan na para bang wala nang bukas. Gusto kong kapusin ng hininga habang magkalapat ang mga labi namin.

Naaadik ako sa labi ni Iggy.

"Nagugutom ako..." Wika ko na lang. Attentive naman siya. Hindi na siya nagsalita at tumayo na siya. Nang bumalik siya ay may dala siyang sandwich at juice. Ibinigay niya iyon sa akin. Dahil nga wala akong magawa ay kumain na lang ako.

"So... uhm... did you really broke up with her?" I couldn't help it.

"Yes. Kanina. Tinawagan ko siya pagkagaling ko sa bahay ninyo. I don't know, maybe when you asked me if I'm in love with her, it triggered me. I told myself that If I'm still in love with her, I shouldn't be feeling this way for you..."

"Or maybe you're lusting over me." I stated that.

"Maybe... But I don't know. I'm not sure. I just know that I won't be acting like this if I don't like you."

Again, I'm speechless. Ang alam ko, kay Papa lang ako panay walang nasasabi. How can he do this to me? I just continued eating. Napangalahati ko na ang sandwich, si Iggy ay nakatitig lang sa akin.

"Gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya. He nodded. "Hahatiin ko, kasi kaunti na lang."

"Hindi, ayos lang ako." Tanggi niya. Nagkibit - balikat ako tapos ay sinubo ko ang sandwich. Kalahati lang ang nakapasok sa bibig ko. Aabot kasi ako ng juice pero natigilan ako nang biglang lumapit sa akin si Iggy at kinagat ang kalahati ng sandwich na nasa bibig ko.

Our lips almost met - if it weren't for the bread, we could've kissed.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko at ramdam ko na namula ang mukha ko. Ngumunguya siya nang tumingin sa akin.

"Hmmn, ang sarap nga." Ngumisi siya. "Kinilig ka no?"

"Hindi ah! 'Wag ka nga feeling! Unggoy!" Kinutusan ko siya. Para bang natuwa pa siya sa ginawa ko Yumuko siya para abutin ang juice. Doon na lang din siya uminom sa baso ko. Halos kalahati na nga lang ang natira nang ibalik niya iyon sa akin. Nauuhaw talaga ako, kasi naman, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko.

Sweetest GoodbyeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin