Napalunok ako. "Kahit na! Kaya mo namang kumawala sa akin."

"You were scared that's—ah, nevermind. May mga damit si Ellen na puwede mong gamitin. Kakasya naman siguro sa'yo kahit na mas matangkad siya kaunti. Follow me."

Tahimik ko siyang sinundan sa isang kuwarto down the hall. Wow, gaano ba kalaki ang bahay na ito?

Sky blue ang kulay ng kuwartong pinasukan namin. Puno rin ng stuffed toys ang kama. I tried to hold back but in the end, I can't help it so I asked.

"Ilang beses mo nang nabanggit si Ellen..." sambit ko habang ginagala ng tingin ang kabuoan ng kuwarto.

"I talked about her last night. Ah, you really were drunk." He smirked.

"Bakit naman ako magkukunwari kung sakali?" irap ko.

"I dunno. Para maka-score sa akin?" natatawang sabi niya. I was caught off guard when he grabbed my hand.

"Ang feeling mo rin ano? Tsk." I kicked him in the knee. Natataranta na kasi ako sa mga pinaggagawa niya e.

"What the hell!?" He backed off and cussed some more.

"Lumabas ka na muna, magpapalit ako. Kahit ano ba rito ang gamitin ko?" Wala na talagang hiya-hiya. Mas mabuti nang makaalis na ako rito!

"Yeah, go on. Amasona ka parin. Tsk. Pagkatapos mong magpalit, bumaba ka na." Iritadong sabi nito bago ako iniwan.

Napasandal ako sa pintuan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Seriously, what the heck is this? I know I like him but these new things I'm feeling....

You've got to be kidding me! Nagpapadyak ako sa sahig. Hannah's voice echoed on my head. Pag-ibig? Love? Shit, seriously?!

Tumungo ako sa wardrobe at hinatak ang isang sweatshirt at isang pair ng jeans. Sakto lang ang sukat ng mga damit sa akin.

Seryoso ba si Yeoji sa sinabi niya? Ano nga ba ang mga pinag-usapan namin kagabi? I was really happy that he showed up yesterday. Pero hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari. Ihukay niyo na ako ng buhay, please!

Wala si Yeoji nang makababa ako. Imbes, may isang matandang babaeng naglilinis ang nadatnan ko.

"Hello, iha. Halika na at kumain!" masayang tawag sa akin ng matanda nang makita niya ako. Kung nahanap ko lang kasi ang bag ko, baka kanina pa ako nakaalis mula rito.

"H-hindi na po," naiilang na sagot ko.

"Ay naku, akala ko'y ikaw rin iyong dumaan dito kahapon. Tumtanda na nga ako. Pero halika na at kumain," aya ulit niya.

"Sino po ba ang dumaan kahapon?" wala sa isip na tanong ko. Nag-isip siya saglit.

"Kung tama ang pagkakaalala ko, Chloe ang pangalan niya. Pareho kasi kayo ng buhok at hugis ng mukha," aniya. Parang gusto ko biglang magwala.

"Kumain ka na, iha. Naliligo lang si Yeoji," nagmamadaling sabi nito bago ako iniwan sa kusina. Halata sa mukha ng matanda na nagsisisi siyang binanggit niya ang tungkol kay Chloe.

Imbes na maupo at kumain, bumalik ako sa kuwarto ni Yeoji. Naririnig ko ang shower at nakita ko rin ang bag ko. Bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin sa nakababad na damit ko. Basta ang sa akin lang, I'm out of here.

***

Nabasa ko sa aking phone ang text ni Nicky kagabi. Hindi ko maalalang binuksan ko ito pero ang bagong ospital na pinaglipatan kay Mama ang laman ng message. Kita mo nga naman, sa ospital pa nina Yeoji.

Hindi ako mapakali habang nasa waiting area ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Mama? Sinubukan ko ulit na i-rehearse sa utak ko ang magiging bati ko sakanya.

HEARTSTRUCKWhere stories live. Discover now