CHAPTER TWENTY-FIVE

Magsimula sa umpisa
                                        

''Pero sa'n ka ba talaga nanggaling, Meg?'' kulit ni Kirsten. ''Hinanap kita kanina eh.''

''Diyan lang. Bumili ng makakain tapos kumain.''

''Wow, at sinulit mo talaga ang oras hanggang sa pinakaayaw mong subject yung time mo sa pagkain lang ha? 'Kaw na, Meg!''

Hindi ako sumagot bagkus ay nginitian lamang ito. Nakaka-goodvibes din palang kasama kahit papaano si Cedric.

''Oh? Ngingiti-ngiti kang parang timang diyan? Napa'no ka?''

Napahalakhak ako saka umiwas. ''Wala!''

''Anong wala? Sa ngiti mong 'yan? Sa ganda ng mood mo, wala? Talaga lang ha?'' tila mapang-usisa pa nitong turan. ''Teka nga, sabihin mo sa akin, may kasama kang gumala ano? Sino, Megan? Tsaka 'yon ba dahilan ng ngiti mong 'yan?'' nagtutuloy-tuloy na niyang tanong.

''Uy, ano ka ba! Wala ah. Wala akong kasama, ako lang mag-isa.'' kaila ko pa talaga. ''Kakabanas naman kasi yung math  kaya tinakasan ko muna. 'Di bale, ngayon lang naman 'to.''

Tumango-tango ito. ''Sabagay. Hindi ka naman nagloloko dati kaya wala rin namang masama kung i-try mo paminsan-minsan. Tsaka, sinabi mo pa, nakakabanas nga naman talaga 'yang math na 'yan!''

Nangalumbaba ako.

''Eh? Pero dapat sinama mo man lang ako, Meg? Para ako din nakatakas mula kay Calculus!'' biglang sabi nito.

Tiningnan ko ito at tinawanan. ''Pa'no kita masasama? Eh, magkasama nga din kayo nung Trakes mo 'di ba?''

Umiwas ito at nakita ko ang biglang pagpula ng mga pisngi pagbanggit ko pa lamang sa pangalan ni Trakes.

''Hindi ah! Kinaladkad lang niya ako.'' siya naman ngayon ang nagkaila.

''At nagpakaladkad ka naman! Always, Kirs!'' saad ko at muli siyang tinawanan. Guilty naman ang loka at panay ang kaila!

SA SOBRANG na-inspired ako sa kalokohan namin ni Cedric sa mga pagkain, pati si kuya Arkadee tuloy ay gusto ko rin ma-experience ang naranasan kong enjoyment kaya pagsundo n'ya sa akin sa hapon, nagyaya akong huwag na munang umuwi at kumain muna kami sa mall.

Buti na nga lang at walang mga atribidang nakisawsaw sa aming dalawa ngayong araw. No Dessica and no Violet, thank God!

Ginawa ko din yung ginawa namin ni Cedric kaninang umaga. Bumili ng kung anu-ano sa naghihilerang food stands tapos ay nagpa-take out pa ng S2 sa Jollibee.

''Meg, I think it's too much. Hindi natin mauubos 'to lahat sa sobrang dami ng mga pinamili mo.'' seryosong ani kuya.

Hinawakan ko s'ya sa wrist tapos pumasok kami sa McDo.

''Meg, this is enough. Ang dami na nito.'' patuloy pa niya.

Nilingon ko s'ya at masiglang nginitian. ''Akong bahala, kuya. Masaya 'to! By the way, libre ko naman!''

You heard it right, libre ko 'to, kalokohan ko naman kasi. Sabagay, ngayon lang naman ito.

''Hindi naman 'yon yung punto ko, Meg. Kahit ako ang manlibre sa lahat ng luho mong ito, I don't mind. Ang sa akin lang, baka hindi naman natin maubos 'to lahat, sayang lang.''

''Eh kung hindi maubos, edi ipamigay sa mga batang kalye sa labas!''

Humugot siya ng hininga saka hindi na nagsalita pa, sinabayan na lamang ako. Good boy!

Nang matapos pumila at dumating na ang aming order sa aming table, nag-umpisa na rin kaming kumain. Isinawsaw ko yung fries sa coke float. ''Kuya, try mo ito. Masarap, pramis!''

Nakita ko ang pag-iling lamang nito habang matinong kumakain.

Napansin ko na ring pinagtitinginan na ako ng iba pang mga kumakain at kinukunutan ng noo dahil sa pinaggagawa ko sa mga pagkain. But as what Cedric said, hindi ko dapat iniintindi ang ibang mga tao because their judgments have nothing good to do with my life that's why I don't mind them looking on my business. My kuya Ark, I think, doesn't mind them too, patuloy lang naman kasi siya sa pormal niyang pagkain.

''Kuya, ang seryoso mo masyado. Try mo 'tong ginagawa ko, enjoy ito!'' sabi ko pa tapos ipinalaman ang isang sliced ng Pizza sa chicken burger. So yummy!

Salita ako nang salita habang ekspiremento nang ekspiremento sa mga pagkain. Kinukumbinsi ko siya ngunit parang ayaw talaga niyang mapilit.

''Megan, baka sumakit ang tiyan mo riyan.'' alalang sabi na niya nang inilagay ko ang tatlong balls ng Takuyaki sa aking Spaghetti.

Ngumisi ako tapos umiling. Nagpatuloy ako. Ang sunod ko namang napagdiskitahan ay ang sprite na inilagyan ko ng ketchup.

''Megan, stop that! Stop playing with the foods. Hindi maganda at hindi nakakatuwa 'yan. Sasakit ang tiyan mo niyan!'' aniya sabay agaw ng sprite ko.

''Kuya, give it back to me! Masarap kaya!''

''No, Meg. You should not play with foods. Hindi magandang pinaglalaruan mo yung blessings ni God.''

Napabusangot ako at padabog na tinapos ang pagkain. Tinapos na rin niya ang matino niyang pagkain.

''Kill joy! Hindi tulad ni Cedric na enjoy kasama!'' mahinang bulong ko.

''Ano 'yon, Megan? May sinasabi ka?''

''Wala, kuya! Ang sabi ko lang, kumain nalang tayo at umuwi kaagad!''

Tuluyang nasira ang mood ko. Tss, kalalaking tao, ang arte-arte! Sobra pa sa akin sa pagiging formal!

Now, I know it. Hindi siya ang tipong dapat kong isinasama kung gusto ko ng enjoyment at kalokohan. I should go for Cedric than him!

If Only (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon