Medyo natulala man sa kanyang sinabi ay aaminin ko pa ring may natutuhan talaga ako. To never base your action in the judgments of others because their insecuries have nothing to do with you.
Masiglang tumango ako at tinanggal ang hiya at pagkailang na nararamdaman ko saka nilakasan ko na ring kumain. Nilantakan ko na rin pati burger at Shawarma. Ang sarap pala talaga!
Tama siya eh. Wala namang batas ang nagsasabing bawal magdala ng pagkain na take-out mula sa iba dito sa loob ng Greenwich samantalang may binili rin naman kaming pagkain dito. Buti sana kung wala at malaya silang makakapagreklamo at palabasin kami rito.
Ilang sandali lamang ay sabay na dumating ang aming pizza saka lasagna.
''My favorite!'' ani Cedric saka ipinalaman ba naman ang dalawang sliced ng pizza sa burger niya at sarap na sarap na isinubo iyon.
Hindi ko tuloy maiwasang mamangha at gusto ko ring masubukan. ''Masarap?'' I asked.
He nodded. ''Sobra!''
''I want to try it also!''
''Go ahead, then.''
At ginawa ko nga, kumuha din ako ng dalawang sliced ng pizza at pinalaman sa burger sabay subo. Wala akong masabi, ang sarap nga!
''Oh ano, Meg? Okay ba?'' tanong ni Cedric.
''Okay na okay!''
Ngumisi siya tapos ang sunod niyang ginawa ay isinawsaw ang fries sa sundae.
Humalakhak ako. ''Pati 'yan?''
''Oo. Try mo din!''
At ginawa ko nga. Namangha pa ako nang nagustuhan ko nga ang lasa. Grabeng experimentation ito ngayong araw!
Kung anu-ano pa yung ginawa namin sa pagkain. Pinaghalo-halo at kung ano na tapos tawa kami nang tawa. We didn't mind judgmental people who raised their brows because of our food experimentations trip!
''Haha! Dahil sa sa food trip na 'to, napaabsent pa tuloy tayo sa isa nating subject!'' ani Cedric nang naglalakad na kami pabalik ng school.
It's true. Napa-absent pa kami sa isang subject next ng one hour vacant dahil lang sa kalokohan sa pagkain. Naka-absent ako sa Calculus at hindi nakapagpasa ng assignment pero okay lang. Ngayon lang naman 'to eh tapos math pa, hindi naman ako babagsak dahil sa isang araw lang na absent at isang assignment lang na hindi naipasa, babawi nalang ako sa next quizes and assignments, projects.
''Oo nga eh! Pero okay lang sa akin. Pakiramdam ko kasi nakatakas ako kahit papaano sa math at may natutuhan pa ako mula sayo ngayong araw.''
''May natutuhan ka sa akin? Talaga? Ano?''
''To never mind judgmental people in the middle of your joy because their insecurities can never double the happiness you're feeling.''
Magaan at tila proud na napangiti siya then he tapped my head. ''Good, girl!''
''HALA, Meg? Sa'n planeta ka na naman nanggaling at hindi ka na naman nakapasok sa Calculus, ha Megan?'' ani Kirsten pagkabalik ko pa lang ng classroom namin.
Wala pang teacher for the last subject kaya pasalamat akong hindi ako late. Naupo ako sa tabi ng pinsan ko at inabot sa kanya yung sobra kong pagkain na hindi naubos mula sa binili namin ni Cedric kanina sa iba't-ibang fast food chains.
''Pizza? Wow, thanks, Meg!'' tuwang-tuwa namang wika ni Kirsten sabay papak sa pizza.
Nangingiting umiling na lamang ako. Thanks really to Cedric because he made this day so grateful for me. May mga natutuhan talaga ako sa kanya ngayong araw. Wala man akong natutuhan sa math, at least, sa kanya mero'n. A sort of humanity. Ngayon ko lang napagtanto, hindi rin naman pala masamang maging kaibigan at sumama-sama sa isang Cedric Ferdinand paminsan-minsan. Enjoy nga siyang kasama, sa totoo lang!
YOU ARE READING
If Only (On-Going)
Teen FictionMegan Deborah Villamayor has it all; beauty, intelligence, talent, wealth. Lahat-lahat na, dagdagan pa ng mabait na mga magulang, kalog pero masisiyahing mga kaibigan, at mga kapatid na mapagmahal at protective. She thought she already has perfect l...
CHAPTER TWENTY-FIVE
Start from the beginning
