Ito ang tinatawag na 'diskarte'.

Napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng marahas na binuksan ang pinto ng kwarto namin. Lumipad lahat ang atensyon ng mga tao sa loob sa mga lalaking nasa harap ng pinto.

Ano na kayang kailangan ng limang DE member dito?

Hinanap ng mga mata ko ang pamilyar na mukha. Ang dalawang Arclide. Nakahinga ako ng kunti ng wala ang mga ito sa kanila ngunit hindi pa rin napawi ang pag-alala ko.

"Can I help you, Mr. Arclide?"

Ano daw? Anong sabi ni Ma'am Cordova? Arclide? Shoot!

Bored na sumagot iyong nasa gitna. "Is Ms. Ferrer here?"

Pa----tay!

Napatingin ako sa lalaking nagtanong.

Bakit hindi ko agad siya namukhaan. Napakashunga mo naman Aiko.

Isa sa tatlong hari, si Gabriel Alexander Arclide, iyong kasama ni Damon nung sa locker scene. Nalaman ko lang iyong pangalan niya sa mga kaklase ko. Sa tatlo kasi ito ang hindi gaanong kapansin-pansin, - o ako lang ang hindi nakakapansin sa kaniya - dahil lagi itong tahimik at laging mukhang bored.

"Yes, I believe she's here." Tapos inilibot ni Ma'am Cordova ang mga mata sa amin. Hinahanap yata ako. Iniyuko ko naman ang ulo ko't nagtago sa librong nasa harapan ko. Grabe si ma'am. Hindi ba niya muna sila tatanungin kung anong kailangan nila sakin bago niya ako hanapin.

Please! Please wag niya sana akong maki...

"Ah! There she is. Ms. Ferrer?"

Katapusan ko na!!!

Oh God! Ano bang nagawa ko?

Wala akong choice kundi, "Ma'am?" tinaas ko ng dahan dahan ang kanang kamay ko at humarap sa kaniya. Nakatingin ang lahat sakin.

"Come here."

'Ayoko nga,' sasabihin ko sana sa kaniya pero tumayo ako't naglakad palapit sa kanila.

Nung nasa harapan na ako'y biglang nagsalita si Gabriel. "We'll just take her. The principal said she's no longer in this class. Simula ngayon doon na siya samin."

ANO?! Nanlaki ang mga mata ko.

Nagsibulungan ang mga kaklase ko ng marinig nila iyon. Ngayon lang naman kasing may lumipat sa kabila at sa gitna pa ng semestre.

Tumango lang naman si ma'am Cordova at iwiniwagayway ang isang kamay na nagsasabing  pinapaalis na kami.

Ganoon lang? Hindi man lang siya magtatanong kung bakit o maghanap lang naman ng letter na galing sa principal na nagsasabing ipinalilipat ako. Ano ba? Parang itinatapon naman ako nito sa mga pating eh.

Bago paman ako makaprotesta ay hinila na ako ng isa sa mga kasama ni Gabriel.

Tahimik na naglalakad kami sa may hallway. Napapagitnaan ako ng lima. Nasa likod ko iyong dalawang lalaki at iyong tatlo naman ay nasa harapan ko. Mukhang sinisigurado nilang hindi ako makakatakas.

Ano kaya ang binabalak nila? Alam ko namang hindi totoong inililipat ako sa kanilang classroom eh. Kahit kailan hindi ko pinangarap na mapunta roon. Lalong lalo na at naroon lahat ng senior DI member at iyong tatlong hari. Para sakin iyon ang pinakakatakot na classroom kaya nga sinisigurado kong hindi ako mapapabilang roon. Kawawa nga si Lou at doon siya bumagsak. Ang malala pa naroon din iyong baliw na si Chance.

Itutorture kaya nila ako? O ipapahubad at ipapatakbo sa buong school tulad nung nangyari doon sa babaeng nakatapon kay Chance ng apple juice? O isasabit sa may flag pole at maging target shooting ng kamatis? O baka naman mas malala pa roon. Baka ipapasalvage nila ako. O kundi kaya pahihirapan ng unti-unti pagkatapos ipapatapon sa may ilog na nakatali ang mga kamay at paa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Making Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon