Chapter 4

39.1K 604 50
                                    

Chapter 4

Pagkarating sa school ay nag-ala-ninja ako para lang makaiwas sa mga tao. Nagtatago sa mga puno, halaman, pader at sa mga bawat sulok na pwedeng pagtaguan kapag may mga taong papunta sa direksyon ko. Nagmumukha na nga akong ewan.

Sa mga pinaggagawa ko ba naman kasi sa dalawang iyon kahapon panigurado rerest back sakin ang mga iyon.

Yong nangyari kagabi ang patunay na babawi si Damon sakin.

'Aish! Naalala ko naman iyong gwapong lalaki. Si Lance. Iyong halik at...Aaaahhhh! Alis! Alis!'

Ano ba kasing pumasok sa utak ko't nagawa ko iyon. Tsk! kasalan iyon lahat ni Damon eh. Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot don sa party. Tapos may mga alipores pang dala. Takte, hindi niya ba ako kayang mag-isa? Sana lang lumaban siya ng patas para hindi naman ako gaanoong dehado.

Hindi niya ba alam na kahit ganon ang mga inakto ko ay natatakot pa rin ako sa kaniya? Oo, kahit umakto akong matapang sa harap niya'y sa kaloob-looban ko gustong gusto kong lumayo dito at magtago kung saan hinding hindi niya ako makikita.

Isa pa, bakit nga ba nandoon 'yon? Kung aalalahanin, mukhang kabilang siya sa mga panauhin . Pero, hindi naman siya 'yong tipo ng tao na pumupunta sa ganoong okasyon. Yun ang sa tingin  ko.

Tapos napagalitan pa ako ni Luis dahil bigla na lang ako nawala sa pagdiriwang ng walang paalam. Buti na lang hindi nagtampo si Elana sakin at kahit ganon nakuha ko pa rin iyong premyo ko.

"Ai, anong ginagawa mo dito sa mga bulaklak?" Napatalon ako ng kunti ng bigla na lang sumulpot si Lou sa tabi ko.

Lumingon ako sa kaniya. "Di ba halata? Syempre nagtatago."

"Nagtatago?...Ahh!" sabi agad nito na mukhang nakuha ang ibig kong sabihin. "Hindi naman siguro nil--" Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Sa tingin mo palalampasin ng bully-slash-psycho mo at 'yong kuya niya iyong ginawa ko kahapon? Swerte na nga ako dahil walang nakakita sa pagbubogbog ko sa kanila." sabi ko habang nagmamasid sa paligid.

'Buti na lang ay agad akong nakatakas sa mga 'yon.'

"Bakit mo kasi 'yon ginawa, Ai?" Nakayukong tanong nito. Pareho na kami ngayon na kaupo at nagtatago.

"Nagtanong pa 'tong babaeng 'to. Sa palagay mo iiwanan lang kita doon habang minomolesya kana ni Chance? Ha?"

"Kahit na. Edi sana hindi ka ngayong nagmumukhang tanga sa kakatago dito." Pinagdilatan ko siya. "Ang sinasabi ko lang naman kung hinayaan mo ko hindi ka sana nahihirapan ngayon. Isa pa, sa tingin ko may kasalanan din ako kaya nagawa sakin ni Chance 'yon."

"Ang laki naman ng kasalanan mo para magkaganon siya sayo." Note the sarcasm.

"Hindi sa ganun kasi...I...I think I unconciously provoked him. Alam mo naman minsan, maliit ang pasensya noon lalo na kapag negatibo ang nararamdaman niya."

"Mali pa rin iyon, Lou. Kahit ano pang dahilan mali pa rin 'yong ginawa niya. At bakit ba pinagtatanggol mo ata ngayon 'yong lalaking 'yon, ha?" Hindi ito sumagot at lumingon sa ibang direksyon ng makita ang mga mukha kung naiirita.

Nagpakawala ako ng hangin.

"Wag mo nga lang isipin iyon. Nangyari na ang nagyari. Sabi nga ni Sand King of Dota; What's done is done." Napakunot naman ang noo ni Lou sa sinabi ko. Naguluhan ata sa huling sinabi ko.

'Tsk! Hindi tumalab ang pagtatangka kung mag-joke. Ano ba yan?'

"Pano mo pala ako nakita? At anong ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko ng usapan tapos napayuko ng may dumaang mga estudyante sa harapan namin.

Making Her MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon