"Dalawang araw kang hindi pumasok. Hindi ka man lang nag-text o tumawag man lang. Natural, mag-aalala kami sayo." Si Sarah

"At saka may dapat kang malaman. Sa dalawang araw na nawala ka ay ang may mga nangyari na siguradong ikagugulat mo." Sabi naman ni Julie

Nagsalubong ang mga kilay ko. May hinala na biglang naglaro sa isip ko.

"Tungkol ba ito kay Warren?" Kinakabahang tanong ko.

"Mismo!" Sabay-sabay nilang sagot.

"Kalat na kalat sa buong campus ang ginawang pambubugbog ni Warren kay Jason. Kaya hayun, nag-file yung isa ng behavioral grievances against him sa Student Affair." Pagpapaliwanag ni Aileen.

"Actually, hindi naman ito ang unang pagkakataon na mayroong nag-reklamo kay Warren." Sabat naman ni Sarah. "Pero lahat naman iyon ay nalagpasan niya. Dahil hindi naman napapatunayan na mayroon talaga siyang kasalanan. Ngunit sa pagkakataon na ito, desidido talaga si Jason na maparusahan siya. Imagine, nagsumpong pa si Jason sa mismong may-ari ng school na siya namang lolo ni Warren? Eh alam naman ng lahat na hindi close ang maglolo di ba? Kaya nanganganib na ma-expelled ang dyowa mo."

"Ang masama pa nito, Inamin ni Warren ang ginawa niya kay Jason. Pero hindi man lang niya ipinagtanggol ang sarili niya. Tapos dalawang araw na rin siyang hindi pumapasok. Ang sabi sa amin ng bestfriend niya na si Jeric baka tuluyan na raw siyang hindi pumasok at hihinto na lang sa pag-aaral." Lintanya naman ni Julie.

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Hindi na ako nagulat nang malaman kong itinuloy ni Jason ang binabalak niya. Pero si Warren? Hindi ko siya maintindihan kung bakit wala siyang ginawa para ipagtanggol ang sarili niya. Hindi iyon ang inaasahan ko mula sa kanya.

"Eto pa ang pinakamalala." Si Sarah ulit pagkatapos lumingon sa dalawang dalaga sa tabi nito. "Lalong nadiin si Warren nang dahil sa iyo."

"What?" Napatuwid ako ng tayo. 

"Ikaw ang nag-iisang witness sa nangyari. At nagbigay ka ng testimony mo laban kay Warren." Si Sarah ulit. "Hindi namin gustong maniwala. Dahil unang-una alam naming hindi mo iyon magagawa kay Warren. Pangalawa... basta alam namin na hindi mo kayang gawin iyon. At saka bago nangyari iyon di ba okay pa kayo ni Warren?"

"Ano ba talaga ang nangyari Hope?" Tanong ni Aileen. "Bakit nadamay ang pangalan mo? Iyon ba ang dahilan kung bakit dalawang araw ka ng hindi pumapasok?"

Nagdesisyon akong umupo sa sa sofa sa tabi ni Sarah. Pakiramdam ko kasi ay nanghina ang mga binti ko sa mga nalaman. "Aaminin ko sa inyo, nakita ko nga ang nangyari ng hapon na iyon."

Napasinghap silang tatlo.

"Nakita kong sinuntok ni Warren si Jason. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon. Basta ang alam ko mayroon silang pinagtatalunan." Pagpapatuloy ko at ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari hanggang sa madala ko si Jason sa clinic.

"Sinabi rin ba sayo ni Jason kung anong pinagtalunan nilang dalawa ni Warren." Tanong ni Julie.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Where stories live. Discover now