Napalingon ako nang bigla magbukas ang pinto at sumungaw mula roon si Mama. 

"May mga dumating kang bisita."

"Mga?" Ibig sabihin marami sila?

"Nandyan sa ibaba ang mga kaibigan mo."

Hindi nakatiis ang mga bruha at talagang sinadya pa ako.

"At Hope?"

Napalingon muli ako kay Mama.

"Mag-ayos ka nga bago ka bumaba. Tignan mo ang sarili mo, mukha kang taong grasa."

"Grabe naman kayo Ma! Isang araw lang akong hindi naligo, mukhang taong grasa na agad?"

Tinawanan lang ako ni Mama. "Ano ba naman kasi iyang itsura mo?"

"Sige na Ma! Lumabas na kayo para makapagbihis na ako!" Marahan ko siyang tinulak palabas. 

"O siya! Lalabas na ako. Pero Hope, maligo ka muna bago harapin ang mga kaibigan mo sa ibaba. Nakakahiya. Amoy ewan ka na!"

"Ma naman!"

"What happen to you?" Halos sabay-sabay nilang tanong sa akin pagkababa ko ng hagdanan. Kumpleto silang tatlo katulad ng inasaahan ko

"Why you look like..." Sinadya pang ibitin ni Julie ang sasabihin habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha ko.

"Oo nga!" Sang-ayon naman ni Aileen. "Mukha kang..."

"Sabi ko na nga ba!" Biglang sabi ni Sarah. "I knew it! I knew it!"

I rolled my eyes. Parang mga adik lang!

"Kung wala kayong sasabihin na maganda, lumayas na kayo sa pamamahay ko!"

Ngunit hindi man lang sila natinag sa sinabi ko. Balewalang naupo ulit sila sa sofa at nilantakan ang ginataang halo-halo na inihanda sa kanila ni Mama.

"Tita, the best talaga ang luto nyo!" Komento ni Aileen nang sumilip si Mama mula sa kusina.

"Opo, Tita super sarap!" Sang-ayon naman ng dalawa.

Super lapad ang ngiti ni Mama. Iyon pa naman ang pinakagustung-gusto niya, ang mapuri ang kanyang niluto. "Kain lang kayo ng kain. Huwag kayong mahihiya."

Sabay-sabay na tumango ang tatlo habang patuloy sa pagnguya.

Hay... Paano ba ako nagkaroon ng ganitong klaseng mga kaibigan?

"Anong dahilan at napasugod kayo rito?" Nakatayo pa rin ako habang nakamasid pa rin sa kanila.

My Stupid Mistake (published under Pastrybug)Where stories live. Discover now