Chapter 3: Ang toothbrush..bow

Start from the beginning
                                        

Natawa si Zarren dun ah.. at ano naman ba ang gustong palabasin ng lalakeng to ah “Ano? Bakit parang kabaligtaran ata. Eh super bait kaya nun ni Franz. Gentleman pa yun. Di kagaya mo! Bastos ka lang.”

“Teka, bakit pinagtatanggol mo pa yun. Francis hindi Franz. Close kayo ha? Anong nakita mo dun ah. Kunwari lang gentleman yun. Nasa loob ang kulo nun.”

“Tsk, napakamapanghusga nito ah. At teka nga bakit ba nagkakaganyan ka, selos ka? Hmm dapat lang, kasi parang balak ko na syang sagutin.” –sige magselos ka pa. love it..

“Ako selos? No way. Mejo concern lang ako sa welfare mo kasi kahit papano may pinagsamahan tayo. Pero, lilinawin ko lang ah. Na c-cutan lang ako sayo. Yun lang period.”- sa point na to syempre pride na ang usapin, kaya siguro ganito si Anghel..

Ouch sakit mong magsalita ah..Tao ako Anghel, hindi bato.. Sana sinaksak mo nalang ako..huhu.Wala ka talagang puso.Kagabi lang pababes babes ka pa. Ginamit mo pa toothbrush ko. Che! Labo mo. Sana hindi mo nalang ako sinundo..Pero teka, oo nga pala, alipin parin kita kaya may karapatan parin akong utusan ka..wahaha. pero bago yan, babawi muna ko sa mga masasakit na sinabi mo.. “Ok fine. Mabuti at ganon. Same here. Lalong hindi kita type. Diba nga sinabi ko na syo nung una palang na ayoko sa lahi mo. Hmm, mas mabuti na ang malinaw. At yung nangyari sa resort, kalimutan na natin yun. Wala yun. Ok.” –waaah parang naiiyak na si Zarren pero matigas parin. Kawawa naman ang bida natin.. Parang kelangan nya ng tulong kaso wala syang karamay..

Silence. Drive nalang ng drive si Anghel hanggang sa madaan sila sa Mcdo. “Bili mo ko ng cheeseburger.”—waaah, kapal ng mukha nitong si Zarren. Pero sa bagay sinusulit lang ang pang-aalipin kay Anghel. Ayun. Walang nagawa si Anghel kundi ibili sya. After nun wala ng salitaan. Kain lang sya ng kain. Tsk, parang di sya sanay sa mga pinagkikikilos ni ANghel. Hay, di sya sanay na nananahimik lang to.. mukhang nasaid ata nya pride nito.

“Gusto mo?” –inalok ni Zarren ng cheeseburger si Anghel. Ang totoo ayaw talaga nyang alukin,eh kulang pa nga sa kanya yun eh. Gusto lang nyang basagin ang katahimikan. . Waah bigla nya tuloy naalala nung nasa grade 5 sya..Dun sa nilipatan nyang skul. Dun sya natutong magdamot. Biruin mo kada labas nya ng baon nya ay wala pang isang minuto ay nauubos na (parang yellow pad lang sa college tsk). Pano kasi, lahat humihingi.. Ayun, sa kagustuhan nyang magkaron ng mga bagong kaibigan, pinamimigay niya.. Kaya ang ginawa niya, natuto syang lumayo at magtago sa isang sulok pag kakain sya.Yung tipong ngingiti muna bago buksan ang sandwich nya. Haha.

Nagulat sya nung inagaw ni ANghel ang cheeseburger nya. Sabay kagat..Nang-asar pang tinignan sya tas ngumuya. Parang sarap na sarap lang..

“Waaah! Bat mo kinagat! Akin yan!”

“Oh. Damot neto ako naman bumili nyan eh.”-habang binabalik kay Zarren ang cheeseburger

“Ayoko na may laway mo na yan. Iyo na lang.”

“Kunwari ka pa jan. Sige na kainin mo na yan. If I know sarap na sarap kang magtoothbrush kagabi. Anong lasa?”- sabay kindat.

“Yuck. (sarap nga!)..Kadiri ka talaga. Tinapon ko na noh. Pagkatawag na pagkatawag mo palang tinapon ko na. Itapon mo na rin yung akin. May germs na yun kasi ginamit mo.”

“Yuck din! (sarap kaya lasang strawberry)Tinapon ko na! Di ko ginamit yun noh. Kadiri..Yellow na nga eh.” –hmm, napakabrutal mo talagang magsalita Zarren. Kala mo ikaw lang ang marunong mang-asar. Di ka na nakakatuwa. Ano pa bang ayaw mo sakin, eh nasakin na ang lahat. Badtrip. Napakatigas pala ng puso mo. Pwes, ako din..bwahaha!Kahit balbon ako, hindi mo ko mahuhuli. Haha

(Zarren’s pov)-Ganon na lang ba yun ha??Pano na ang kiss natin, nakalimutan mo naba? Bakit ganyan kana magsalita..At bakit di mo na ko tinatawag na babes ha.. huhu.. Ano bang nagawa ko. Hmp, kainis parang lalong humihirap ang sitwasyon natin ah.

“Oo nga pala, bukas sunduin mo ulit ako, magpapasama ko sayong magshopping.”-ayos ambilis mag-isip ah.

“Shopping? Bakit naman anong meron?”

“Syempre kelangan ko ng magandang dress. May date kasi kami ni Francis sa Friday.”- magseselos ka oh, pustahan. Wala naman talaga kaming date, pinagseselos lang kita manhid!.

“Date? Ayoko, di ako pwede bukas, puno na schedule ko. Sa iba ka nalang magpasama.” –weh, wala namang muscles yun eh. Badtrip naman Zarren nu ba kasi talagang nakita mo dun sa dukha na yun. Diba sabi mo gusto mo mayaman. Ako na  yun eh. Di hamak namang mas mayaman ako dun. Tsk.

“Oy, oy Alipin kita diba nakalimutan mo na ba ha? Wala ka pala eh. Ano bakla, di marunong tumupad sa deal..!!!”

(ANghel’s pov) putek, ibangga ko kaya tong kotse para magka-amnesia ka! At talagang balak mong wasakin ang puso ko ah. Sakin ka pa talaga magpapasama. Badtrip talaga ang Francis na yun. Pag nakita ko ulit yun, dudurugin ko buto nun!

“O sige na sige na. Para lang wala kang masabi. Siguro naman di ka kagaya ng ibang girls jan na matagal magshopping..Bilisan mo lang at may date din ako bukas. Hot chick yun kaya di dapat ako malate sa condo nya.”

(Zarren’s pov)Waaaah! Nanlaki mata ko dun ah. Shet! Bakit mo ba ko sinasaktan ng ganito Anghel.. Huhuhu..sino yang date na yan ha.. Patay na, mukhang kelangan kong magpaganda bukas ah. Huhu, hot chick daw? Pano na ko nito, dapat mahadlangan ko ang date na yan.

“Talaga lang ha. Naman saglit lang ako. Pero sige kung may date ka wag nalang baka makastorbo pa ko. Ok lang si Jhoan nalang ang isasama ko.”-reverse psychology lang.

(ANghel’s pov)- Pucha, bakit si Jhoan ang isasama mo eh di naman conservative sa damit yun ah. Revealing yun magdamit. Buti sana kung si Joy eh matatanggap ko pa.. Huhu, at hindi mo manlang ako pinigilan ah. Napakasakit neto, dumudugo na ang puso ko dito, tumatagos na nga sa polo ko eh oh silipin mo pa.

“O sige na ako na. Basta ha, hanggang 8:30 lang ako. Kasi 9:30 kami magkikita.”

“Ok. Sige sabi mo eh.” yun gang sa tumapat na sila sa bahay ni Zarren..Gabing gabi pa talaga ah. Tignan lang natin kung makapunta ka pa sa date mong yan. (evil smile)

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now