Chapter 3: Ang toothbrush..bow

Start from the beginning
                                        

“Aba, malay ko ba sa muscles nya. Gusto mo angatin ko polo niya para makita ko?”- hehe ang sarap asarin. Mukhang effective ang pang iinis ko dito sa lokong to ah..

“Yan ang wag na wag mong gagawin sa harap ko Zarren Balabis. Wag na wag kang magtataksil sakin.”

“Weh, weh, WEH.. Kakatawa. Tara na nga. Insecure ka lang kay Francis eh.”-In fairness, kinikilig ako!

Napaisip si Anghel..Francis pala ah. Hmm, mukhang masama makatingin ang isang to. Mukha namang walang binatbat sa kagwapuhan ko to eh.. tignan lang natin.

Sa puntong ‘to biglang lumapit sa kanila si Francis kasama ang tatlo pang babaeng officemates ni Zarren..Sina Melody, Antonnette at Joanna. Halatang pacute ang tatlong to kay ANghel, syempre lakas ata ng dating sa mga girls ng bida natin..Ayun, napasukbit pa ng hair sa tenga tong si Melody. Nakana. Ayos ha mukhang naispatan ni Zarren ang pagpapacute na yun kaya naisip nyang bilisan ang pagkilos para makaalis na sila ni Anghel..Kaso kinausap pa siya ni Joanna. Hay badtrip. Anghel is mine. Wag kayong flirt jan..

”Zarren uwi kana?”-Joanna habang may hawak na folder. Mukhang kakagaling lang sa meeting.

Obvious ba? Tabi nga jan dadaan kami..(Zarren-plastik din eh noh)

“Ahm (dapat talaga kada magsasalita may ‘ahm’ hehe) Oo eh, sige ah mauna na kami.”-Zarren ulit

“Wait lang, di mo ba kami ipapakilala jan sa kasama mo?Boyfriend mo?”-Melody para-paraan din tong isang to para malaman kung taken naba o pwede pa si Anghel. Hihihi

Napatingin si Zarren kay Anghel. Parang naghintay kung ano ba ang isasagot.. Wehh, feeling on na ha.. Nakita nyang nakangisi si Anghel.. Waaaah, nakikipagflirt pa ang walanghiya..Di nya alam kung sino sa tatlo ang type nito pero feeling nya finiflirt lahat eh. Tsk mga lalake nga naman..

“Hindi. Hindi ko sya girlfriend. We’re just friends. Hi girls. Ako nga pala si Anghel”- Putek, hudas lang ang walanghiya..Eh muntik na kayang sumagot si Zarren na sila na nga.. tsk.. patay na.. pano to? Ayun.. Dumilim bigla mukha ni Zarren. Nagtangis ang bagang(hehe). Pinigil ang hininga..Hanggang sa malagutan.. hehe joke lang.

Nagpakilala pa talaga yung tatlo. Nakipagkamay pa. Grrr!!!. Nainis si Zarren pero syempre diba nga talent nya ang magkunwari kaya ayun di nahalata. Smile smile lang kasi..At nung si Francis na ang nagpakilala tong bastos na Anghel na to parang biglang andaming tanong..

“Pare, matagal na ba kayong mag officemates ni Zarren?”- Plastik din tong si Anghel eh no, kunwari friendly eh nangangalap lang pala ng impormasyon.tsk tsk..

“Oo naman. 2 yrs na. Ikaw pre, nangliligaw ka rin ba sa kanya?”

RIN? Ibig sabihin nililigawan nito ang Zarren ko? Humanda kang lalake kang walang muscles na tulad ng sakin.. wahaha, ako parin ang magwawagi sa labang ito! Di hamak namang lamang ako sayo ng mga limang paligo. (tinitigan niyang maigi mukha ni Francis dito), baka nga mabakla ka pa sa kamachohan ko eh. Ano lalaban ka? – Waaah, ngayon ko napatunayan na marungong din palang makipag plastikan ang mga lalake.. tsk.. kala ko mga babae lang ang ganun..

“Ah ako? Naku hindi hindi. Friends lang talaga kami nito. Sige mauna na pala kami.”- at baka hindi na kita matansya. Badtrip, ibig sabihin araw-araw kasama ni Zarren ang pagmumukha nito. Lugi ako. Di patas laban ah.

Nung makalabas na sila sa building na yun at makasakay sa kotse, di na nakatiis si Anghel. Hindi mapakali ang lolo mo kaya yun, nagtanong din.

“Hoy Zarren. Iwas-iwasan mo yang Francis na yan ah. Parang di gagawa ng mabuti yan. Puro porma lang yan. Walang binatbat yan.”

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now