Chapter 3: Ang toothbrush..bow

Start from the beginning
                                        

(ambababoy ng lead characters dito putek)

"Peram muna ko ha babes, hindi kasi ako makatulog ng hindi nagt-toothbrush eh"

Ano daw? Seryoso ba to oh para-paraan lang..Eh bakit ako mahimbing tulog ko pag di nagtoothbrush?Ahihi-Zarren

"Yuck (kunwari pa)! Dont use it! Bumili ka nalang." -Sige lang kahit manilaw pa yan. wahaha. Balik mo sakin pagtapos mo ah.-Zarren

"Eh sarado na kaya mga tindahan dito. Naubusan narin ako ng stock.. Isang beses lang naman eh. Sige na. Ibabalik ko rin naman..Damot mo..Yung toothbrush ko pwede mo rin gamitin kung gusto mo."

(Zarren’s pov) nagamit ko na nga eh..=)

"Kadiri ka talaga! Itapon mo na yan pagkagamit mo. Sige na bye. Istorbo ka lang sarap ng tulog ko eh."-sabay end ni Zarren ng call.

(Anghel’s pov) Ang sarap pala ng tulog ah. Samantalang ako di makatulog dito kakaisip ng nangyari satin.. Hmm, magamit nga talaga toothbrush mo..makaganti manlang sa sapak at sampal na inabot ko..hehe, sasabihin ko nalang na di ko ginamit.. Bahala ka Zarren babes. wahaha.

Ayun. Pinakatitigan muna ni Anghel ang toothbrush ni Zarren (na kulay blue) tas ngumiti ng dalawang beses bago tuluyang nilagyan ng toothpaste.. Wahehe.Grabe to, as in pagpasok palang nya sa bibig nya, iba na pakiramdam nya.. Haha bigla daw pumasok sa utak nya yung mga nangyari sa outing. Yung lasa ng buko salad, yung beer, yung tubig sa pool,  at higit sa lahat ang mga labi ni Zarren na flavor heaven daw. Wahaha. Adik.  

Yun. Tinodo nya ang pagt-toothbrush. Kaskas dito, kaskas don. Feel na feel lang. Hehe. Mga isang minute din syang nagpakasasa sa toothbrush na yun.. grabe, iba talaga trip neto..At di pa sya nakuntento, bago matulog ay tinext pa niya si Zarren ng isang malupet na “Gudnyt babes, ang sweet ng lasa ng toothbrush mo! Mwah!”

--karog—

Napakatagal ng oras..Inip na si Zarren umuwi. Pano kasi tinext nya si Anghel na sunduin sya nung gabing yon. Diba nga alipin nya na ito.. Kaya ayun nilubos lubos na nya. Di na sya nahiya non na magpasundo..Mga bandang 7 o’clock ay nabungaran nya si Anghel sa lobby. Naghihintay. Tsk, nung tignan nya parang wala sa mood ang loko. Napapailing pa. Parang badtrip. Hmm, pagkakataon na nyang mang-asar. Siguradong pikon to ngayon..

“Late ka, sabi ko 6 o’clock ah. Anong petsa na?”

“Traffic.”-parang robot lang na sumagot si Anghel..

Nyek. Yun lang. Di mo ba ko aasarin. Miss ko na mga banat mo . hay

”Sino yun?”- Tanong ni ANghel sabay nguso sa office mate nyang si John Francis Florante (a.k.a. Bono)

“Officemate ko, gwapo noh.Bakit?”  selos ka??

Si Francis. Ang officemate nyang matagal nang nagpaparamdam sa kanya (multo?hehe). Halata sa mga kilos at tingin nito na may gusto ito sa kanya..Pinapakisamahan naman nya kasi diba nakakahiya naman. Pero hanggang dun lang yon. Cute ito, matangkad din (pero mas matangkad parin si Anghel), clean cut naman ang hair, basta boy next door ang look. Kabaligtaran ni Anghel ang pormahan. Top notcher sa CPA board exam kaya sobrang sikat to sa auditing firm na pinagttrabahuhan ni Zarren. Heart throb material din to. Sobrang dami ng nagccrush dito kasi bukod sa matalino at cute, ay sobrang down to earth. “Bono” ang tawag nila dito. Kaso simula nung makilala nya si Zarren ay parang mas naging trip nyang magpatawag nalang ng Francis. Mas astig daw.Ayun. (Sa totoong buhay, ililibre ako neto sa mga magagandang pinagsasasabi ko tungkol sa kanya.. haha hihintayin ko yun- from karu =)

“Yan gwapo?Tsk, panget..Pumuputok din ba ang muscles nyan gaya ng saken?”-ANghel, ang yabang lang..tsk.

(Zarren’s pov) Hay nako ang yabang talaga!-pinaikot ko nalang eyeballs ko sa sobrang hangin..

It Started with a 'K'  (from A to Z)Where stories live. Discover now