4:Half-truths

919 42 2
                                    

Barbara Palvin as Luisa,on media guys

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Barbara Palvin as Luisa,on media guys.Pwede nyo pong i-imagine ang kahit sino.Siya lang po napili ko kasi ganyan ko iniisip si Luisa.Beautiful,sexy and sweet.
~~~~~

Tahimik akong nakinig sa kwento ng Alpha sa mga nangyari ng gabing una kaming magkita.Parang gusto ko nang lumubog sa upuan ko ng umabot ang Alpha sa pinakamainit na parte ng gabing 'yun.Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko at sigurado akong napansin din nila Louise.

Hindi naman detalyado ang kwento niya sa nangyari sa amin.Hindi ko lang talaga gustong malaman ng mga kaibigan ko kung paanong "bumigay" ako agad sa Alpha.

"Kinabukasan ay nagising akong wala na siya sa tabi ko."humigpit ang hawak ng Alpha sa bewang ko at tila hirap na hirap na ilabas ang mga huling salita sa labi niya.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pagtatagis ng panga niya.Para bang nandito ang katawan niya sa tabi ko pero ang isip niya ay nasa panahong sinabi niya.Kung totoo ang sinabi niya,hinanap niya kaya ako?

I tried to erase all emotions from showing and look directly at Louise.We didn't need words to talk.He didn't need to ask where I went when the Alpha woke up.It was that night.The night that ruined a lot of Blue Moon's family.

I bit my lower lip to keep me from talking.It wouldn't make a difference whether he knows it or not.It already happened and there is nothing that could bring it all back.

Walang nagsalita sa aming apat.Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa paligid bago magsalita si Louise.

"And what do you plan to do now,Alpha Lee?"tanong niya sa Alpha.

Malinaw naman na ang gustong mangyari ng Alpha,nasabi niya na iyun kanina.Hindi ko alam kung bakit kailangan pang itanong ulit ni Louise.

"I want her to come with me."walang paliguy-ligoy na sagot ng Alpha.

Hindi ko napigilan ang manigas sa kinauupuan ko kahit na sinabi niya na 'yun kanina.Ano ba ang tingin niya sa akin?Ni hindi nga kami magkakilala pero gusto niyang sumama na lang ako sa kanya ng ganon-ganon lang?

Hindi naman naging problema na di mo siya kilala nong sumama ka sa kanya dati.My Wolf mocked inside my brain.I ignored my Wolf and focus on the conversation.

"I don't think so,Alpha Lee."kunot ang noong sabi ni Samantha.

"Samantha."pagtawag sa kanya ni Louise para pigilan pa siya sa pagsasalita habang ang Alpha ay tumaas lang ang kilay sa kanya.

"He can't come here,look at Luisa and expect her to just up and leave with him.It's not right,Louise."paasik na sabi ni Samantha kay Louise at humakbang pang palayo ng tangka siyang hahawakan nito."We both know what happened.At ngayong okay na si Luisa,saka siya dadating?"itinuro niya ang Alpha."Sorry,Alpha Lee.But I am not giving Luisa to you."she said looking defiantly at the Alpha beside me.

Nabura ang lahat ng emosyon sa mukha ng Alpha.Kahit ang mga mata niyang kanina ay tila natatawa sa reaksyon ni Samantha ay naging tila yelo sa lamig ng tingin niya.

"It's not for you to decide whether my mate,"diniinan niya ang pagkakasabi sa huling salita,"is coming with me.SHE.IS.MINE."he said through gritted teeth and stood up to from sitting beside me.

"Oo nga ikaw ang mate niya."she said,deliberately copying the Alpha."Pero sa loob ng dalawang taon,mga taong kung kailan ka niya kailangan,nagampanan mo ba ang pagiging mate niya?"

Napasinghap ako sa sinabi ni Samantha at bumilis ang pagtibok ng puso ko.Alam ba niya?May alam ba sila ni Louise?Nanlalaki ang mga matang nagpalit-palit ang tingin ko sa mga kaibigan ko.

"No.No,they can't know.Nakaalis na ako sa Blue Moon bago pa may ibang makaalam."paninigurado ko sa sarili ko.

"What are you talking about?"tanong ng Alpha na ngayon ay nakuha na ang sinasabi ni Samantha."What happened?"

Lumingon sa akin ang Alpha at tinignan ako mula ulo hanggang paa,tila hinahanap kung may sugat o anumang sakit akong pinagdaanan.

"What happened?"he asked me,taking both my arms in his hands making me stand up with him.

I opened my mouth but no sounds came out.I look at my friends.Louise's brows were furrowed while he positioned himself,defensively,in front of Samantha,who look regretful at what she said.

"Lee."pagkuha ni Louise sa atensyon ng Alpha.

"Tell me!"the Alpha demanded.

"Okay.Just..Bitiwan mo muna si Luisa.Nasasaktan na siya."mahinahong sabi ni Louise.

Tila napansin naman ng Alpha kung gaano na kahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at parang napapasong binitiwan niya ako.

"Fuck!!"he cursed and walk away from me.

"Isa."nag-aalalang lumapit sa akin si Samantha na hindi pinansin ang pagpigil sa kanya ni Louise.

"What.Happened."madiing sabi ng Alpha.

"That night,nong gabing magkasama kayo ni Luisa,inatake ang Blue Moon ng mga rogue."Louise said through clench teeth."Hindi namin nakita agad si Luisa kaya hindi na namin siya naisama sa pagbalik.Kahit pa isa si Luisa sa pinakamagaling na babae sa labanan,naisip kong mas mabuti kong naiwan siya sa Night Howler kasama ang ilang babaeng member ng pack pati na ni Samantha.Pagdating namin sa teritoryo ng Blue Moon ay sinalubong agad kami ng labanan sa pagitan ng mga miyembro namin at ng rogue.Marami din sa mga naiwan sa pack ng gabing iyun ang nawala dahil na rin sa karamihan ng mga mas batang miyembro ay kasama namin sa Night Howler.At kasama sa mga iyun ay.."lumingon sa akin si Louise bago nagpatuloy,"ang mga magulang ni Luisa."

I felt the tears run down my cheeks at the memory of my parents.That night,as soon as the heat of our moment pass,reality starts sinking back to me.That's when I heard their voices inside my head,Samantha and the others asking me where I was but the worse was my parents.

Kahit na mind link lang ramdam na ramdam ko ang panic nila.Paulit-ulit nilang sinasabi sa akin na manatili lang sa kung nasaan man ako at huwag umuwi.Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala.Nagmamadaling nagbihis ako at kahit pa ayaw ko ay iniwan ko ang Alpha.Nang makita ko sila Samantha saka ko nalaman ang totoo nangyayari.Wala silang nagawa para pigilan ako.I shifted into my Wolf and immediately run back to Blue Moon.

Napahawak ako sa dibdib ko ng para pelikulang bumalik sa akin ang dugo at ang walang buhay na katawan ng magulang ko ng madatnan ko sila sa bahay.Si Papa ang una kong nakita.Nasa sala ng bahay ang duguan niyang katawan at si Mama..si Mama nasa kwarto,walang dugo dahil binali lang nila ang leeg niya.

Pakiramdam ko gumuho ang buong mundo ko ng magsink-in sa akin ang nakikita ko.Humiga ako sa tabi ni Mama at umiyak ng umiyak habang yakap-yakap ko siya.Siguro kung hindi dumating si Troy at iba pang miyembro ay mananatili pa din ako sa pwestong 'yun.Patuloy pa din sa pag-iyak na binuhat ako ni Troy palayo sa bahay namin.

"Ssshh..."I heard someone saying and then I felt the familiar tingles his skin on mine.

Hindi ko namalayan na nakalapit na sa akin ang Alpha sa sobrang pag-iisip ko sa nakaraan.I was envelope in his arms,his chin on top of my head and his lips whispering soothing words.

A sense of peace,that I haven't felt since my parents die,envelope me.I felt warmth spread in my chest and for once I didn't try to fight the bond we have,just let this calm feeling last for as long as it can.

A/N:

I know guys,sabi ko ita-try ko mag-update before the end of January.Naging busy lang po talaga ako kasi nag-start na ang FS namin(isa po akong Education student,btw).

Anyway,ito na po ang update.Sana ma-enjoy niyo.

Love,
Ate ArRa

One Night MateWhere stories live. Discover now