*LUNCH TIME*


Tatanungin ko palang sana si Althea kung saan niya balak kumain o kung pupuntahan siya ni Cathleen ngayon, pero nasagot na niya kagad ang tanong ko bago ko pa man masabi.

"Lab, nagpa-order na nga pala ako kanina kay Julia (her secretary) ng lunch natin. Padating na un maya-maya. So, dito nalang muna tayo sa office maglunch ha. Okay lang ba?" Pag-aalinlangan niyang tanong.

"Oo naman, lab. Okay na okay." Nakangiti kong sagot.

After around 15mins ay kumatok at pumasok si Julia sa office na dala-dala ang inutos ni Althea. Then we immediately started eating. Dating gawi. Sinusubuan namin ang isa't isa. Pinilit ni Althea na mas marami akong kainin dahil kagagaling ko lang daw sa sakit.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kagad ito at nagtaka naman ako kung bakit biglang tumatawag si Batchi sakin.

"Bakit tumatawag si Batchi sayo, lab?" Pagtataka din ni Althea.

"Hindi ko rin alam eh. Baka may itatanong lang or something."

I asked permission from Althea kung pwede ko munang sagutin ang tawag bago ituloy ang pagkain. She said it's fine, dahil baka importante rin ang sasabihin ng kaibigan.




JADE: Hello Batch?

BATCHI: Uyy Jade, balita? Okay ka na ba? Magaling ka na?

JADE: Oo naman. Mahirap nang malagot sayo kung hindi ako nagpagaling kagad no! Hahaha.

BATCHI: Hahaha. Buti naman. At mukhang good mood ka ah. Pumasok ka na ba ngayon?

JADE: Yup. Actually, nandito ako ngayon sa office.

BATCHI: Ha?! So nagkita na ulit kayo ni Tsong? Teka teka, kailangan mo ba ng kasama? Pupuntahan kita dyan.

JADE: Teka lang, Batch. What are you talking about? Hindi mo na ako kailangan puntahan. Relax ka lang. Hahaha.

BATCHI: Ha? Bakit, kaya mo na? Kakausapin mo na ba si Tsong?

JADE: Ano ka ba, Batch. Matagal na kaming nagkausap ni Althea. Okay na kami ngayon. Daig pa nga sawa kung makapulupot sakin eh. Hahaha.




Bigla naman akong binatukan ni Althea at pagkatapos ay kiniliti ako.

"Lab, stop! Kausap ko si Batchi oh." Saway ko sa kanya.




BATCHI: HOOOOOY!!! Anong 'lab' ung narinig ko?! ANO YOOOOOOON?!!




Sigaw ni Batchi sa telepono na halos ikabingi ko. Narinig din un ni Althea sa sobrang lakas kaya natawa siya. Patay! Buking na dis. Hahaha.




JADE: Uhmm... Batch, kasi ano...

MAYBE ONE DAY (Completed)Where stories live. Discover now