Binitin pa ng kumag "Sige anong dare yan?" nakataas ang isang kilay na sagot nya..
"Race tayo...the first to reach the finish line wins and syempre dapat may consequences..Pag ako nanalo, magiging girlfriend kita..."
"Teka anong sinasabi mong girlfriend??Desperado ka ba sa kagandahan ko kaya ka sineset up mo ko ngaun??Aba naman...tsktsk"
"Sandali lang! Di pa ako tapos eh..di ka naman ganun kagandahan..(sakit lang magsalita netong kumag na to ah) may mas magaganda pa sayo na naging girlfriends ko no pero ok na rin cute ka naman....at magiging girlfriend lang naman kita hanggang sa magbreak sila Fate at James, eh..." -Waaah lakas mang-asar ni Anghel..(at tinaningan pa ang relasyon nila Fate at James ha.. Di lang nya alam na umani ng awards ang book1. Hihihi)
"Teka, sila na ba?" Tsismosa lang...
"Oo kanina pa.."
"Tsismoso ka lang eh noh...Eh pano kung di magbreak yung dalawa?Edi wala nang katapusan yung consequence mo?"
"Ayaw mo nun? Masaya ka? Kasi magkakaroon ka na ng guwapong boyfriend..Di ka na mahihirapan maghanap ng iba..Yun nga lang kailangan mo lang akong gwardyahan maige kasi marami pa rin maghahabol sakin kahit taken na ako...hehe..."
"Oo nga, maraming maghahabol sayo ng itak kasi isa na ko ron..." Astig din to...gusto akong isahan..kung alam lang nya...wahehe.."Eh kung ako naman mananalo?"
"Syempre kung ikaw naman mananalo, magiging boyfriend mo ko...hehehe..."
Nanlaki naman mata ni Zarren sabay batok kay Anghel..."Aba ang adik na to...Sino naman may sabi na gusto kitang maging boyfriend ha?? And besides kung ikaw magbibigay ng consequence pag ikaw nanalo, dapat ako din...Sige payag ako, pero pag ako nanalo (evil smile na sya dito) magiging aliping saguiguilid kita hanggang sa mag-break sila James at Fate...wahehehe..."
"Hhhhmmmm...Deal. Pero kelangan natin ng referee...Sino kaya pwede dito? Aha! Si Jhoan kaya??"
"Ayaw ko dun..Si Laine nalang para siguradong walang daya..."
"Sure, Babes...basta magready ka na sa first kiss natin mamaya..." lapad lang ng ngiti nya...
"Asa ka balbon...." Shet kung bakit kasi nya nagaya ang mga salita ni Fate eh..
“Waaah nakita mo balbon ko.. Waaah panagutan mo na ko.. “
“Che! Wag kang mag inarte. Di bagay. Game na nga ..”
Ayun.Sinabihan nila si Laine na magreferee. Madali namang kausap yun eh. AYun payag agad. ..Nalaman din ng tropa kaya todo cheer naman sila sa mga manok nila...
"Go Zarren!!!Pag nanalo ka sabihan mo si Anghel na lagi tayong ilibre ng lunch!!!"- umiral lang pagkakuripot ni Jhoan.
"Anghel wag ka mag-langoy aso para abay ako sa kasal nyo ni Zarren!!!" Si Tina lang...hehe...
"Tol, galingan mo, palanguyin mo pati sandatahan!!!hahaha!!!" tuloy lang sa kantyaw si Clark.
Ok guys...READY, SET, GO!!!"-Laine
Nagsimula na ang race...Sa unang tingin akala mo si Anghel ang mananalo (half spanish-half sardines kase wahaha) pero ang hindi alam ng marami, di lang lahing Amazona ang bida nating Zarren, may lahi atang sirena to..bilis eh...kaya nagulat nalang sila nang bandang gitna na ng olympic size na pool nangunguna na si Zarren sa race..Malinis ata syang maglaro, alang daya. Kaya… sino pa ba ine-expect nyong manalo???
Hinihingal na umakyat sa gutter si Zarren...pero todo ang ngiti nya habang hinihintay na makalapit si Anghel na hindi makapaniwala sa pagkatalo nya..."Pano nangyari yon???Nandaya ka ata eh..." (bakit ba lagi nalang talo si ANghel dito? Una sa palakihan ng ‘K’ tas dito naman.. tsk.. )
"Hoy...may I remind you na talo ka...kaya wag kang magsasalita ng ganyan sakin...at Alipin, bilisan mo jan at marami pa kong ipag uutos sayo.. bwahaha..." (kung makaduro lang. tsk bad Zarren..) Sabay tayo at punta sa cottage...Todo kantyaw naman ang mga hudas sa pagkatalo ni Anghel...
"Wala ka pala pare eh...Tatandang binata ka na, magiging alipin ka pa...wahahahaha...Aray!!!" Binatukan lang nya si Clark...masyadong maingay, kalalaking ‘to eh...
Sa cottage, tinuloy nila ang inuman...Syempre automatic na start na ng pang-aalipin ni Zarren kaya todo silbi naman si Anghel sa Babes nya..."Babes, may kailangan ka pa? Gusto mo pa ng beer? Pulutan kaya?" Hindi lang alam ni Zarren na hinalikan ni Anghel ang paligid ng baso na binigay sa kanya...waaaahhh parang indirect kiss lang daw.. ...(hari talaga ng katarantduhan tong si Anghel.tsk.)
Hindi nya rin naman maiwasang kiligin at maawa..."Sige, tama na to, mag-enjoy ka na kasama friends mo..." pantataboy nalang nya para hindi mahalata na ninenerbyos na sya sa katititig at sa sobrang lapit nito sa kanya. Napaparami na rin inom nya ng beer sa kanerbyusan kaya medyo hilo na sya.
"Excuse me, CR lang ako..." kanina pa parang puputok pantog ko...kasalanan mo to Anghel.
"Samahan na kita, Babes"
"Uuuyyyy...baka san na mauwi yan ha..." si Tina greenminded talaga....
"Oy kids, gumamit kayo ng proteksyon...mahirap magpamilya ngaun...hehe..." napaka-thoughtful naman ni Ate Detz
"Magtigil nga kayo dyan...Sayang good genes ko kung sa unggoy na to ako papatol..."
"Babes, siguradong magandang lahi mapapala mo sakin pag naging tayo..."
"Bwiset ka lang..Tabi nga..makapag-CR na nga"
After magbanyo..Ayun kabubukas nya lang ng pinto ng CR nang magulat sya kay Anghel na nakatayo lang sa labas ng pinto at hinihintay sya. "O anong ginagawa mo dito? Sinabi ko bang sumunod ka?"
"Zarren..” Automatic na naiharang ni Anghel ang kamay niya sa pader.. Walang kawala si Zarren. Sa laki ba naman ng brasong nakaharang sa kanya eh.. Tsk.
"T-teka, anong ginagawa mo?" Ninenerbyos na ang lola mo...(ako din ^.^). Kahit mejo naparami ang inom nya ng beer ay alam nyang nasa katinuan pa naman sya.. Lalo naman si Anghel, nakadalawang bote lang.
Yumuko si ANghel. Nilapit nya lalo ang mukha niya kay Zarren. Napalunok si Zarren sa sobrang kaba. Napapikit. Inantay nalang nya mga mangyayari..Shet, Kahit malamig ang simoy ng hangin, parang ang init na ng pakiramdam nya. Parang nasuffocate sya bigla, kaya sinubukan nyang itulak si Anghel palayo...pero di nya ata dapat ginawa yun...kahit kasi nakapolo na si Anghel, nakabukas naman yung mga butones. Nabigla sya. Ganon pala ang feeling. Para daw kasing nakuryente syang bigla nung mahawakan nya ang mabalahibong dibdib nito.. Waaaaaah..(ask ko lang kung kulot? Hihihi trivia lang, ayon sa aking bespren na si Scarlet, ang scientific name daw ng balbon ay: balbonensis minsan kulotsis minsan tuwidsis.. waaaah putek maisingit lang..)
Pero bakit ganon..Para silang mga bida sa pelikula. Automatic na take two ang nangyari. Tuluyan nang nakagat ni Zarren ang labi nya nung lumapit ulit ang mukha ni Anghel..
Hangin. Engeng hangin..wheew.Di ako makahinga, ang inet... Napapikit nalang si Zarren. Di na nya alam kung pano makokontrol yung nararamdaman nya. Gahibla nalang ang layo ng mga mukha nila..Dumilat sya. Nakapikit na rin si Anghel. ..habang palapit ng palapit parin ang mukha nila sa isa’t isa..
Warm. Soft. Gentle. Yan ang perfect na mga salitang nasa isip ni Zarren nung oras na yun. Pero ewan ko lang kung mapapanindigan ni Anghel ang salitang ‘gentle’ na description..Sa unang dampi palang ng mga labi ni Anghel sa labi nya ay parang nanlambot na tuhod nya.. Waaaah, di nya alam pano humalik. Kung ididikit lang ba yun o gagayahin nya kung papano ang ginagawa ni Anghel sa kanya..Bakit, ano bang ginagawa? Shocks parang gutom lang.. OMG. Pakiramdam nya isa syang mongol #2 sa mga sandaling yun. Tinasahan. Nabali. Tas tinasahan ulit hanggang sa tuluyan ng papudpod..Shet ano to..bakit parang sanay si Anghel.. Putek. Hanggang sa gumanti narin sya.. Lalo syang naexcite nung malasahan nya ang beer sa mga labi nito. Nakakalasing.. Nakaka adik. Parang ayaw ng maghiwalay ng mga labi nila. Wheeeww, ang inet. Beer lang ang ininom ni Anghel ah bakit parang naging redhorse sa panlasa nya?. Ang lakas ng sipa.. Nakakabaliw.
Di nya namalayan na napakapit na pala sya kay Anghel habang ang buong bigat nya ay nasa pader.. Gosh, bakit sobrang dikit na ata ni Anghel sa kanya.. Waaaaah. Wala nang pagitan.. Mga damit nalang nila.. (mtrcb please!). Nagsitaasan ata ang mga balahibo nya sa batok nung lumipat ang mga labi ni Anghel sa tenga nya… pababa.. Shet...Binulong ni Anghel pangalan nya.. Napapikit sya lalo. Waaah, nasabunutan nya ang mahabang buhok ni Anghel (san? Sa taas alangan namang sa baba.. 0.0)..Putek. Hindi nya na kaya…O gosh..
Tiktaktiktak..one more minute----“AHHHHHHyyyyy!” Napasigaw sya, pero hindi sa sobrang sarap.. Haha bastos ng utak nyo.. waaaah..kala ko rin ang sasabihin nya isa pa, isa pa, isa pang chicken joy!weh.
Tumingin sya sa baba..May kung anong gumagalaw.. Shet anu kaya yun.. Hulaan nyo mga balbon!.. haha. Bilis mong magbasa ah. Pag ganitong eksena talaga bilis ng mata nyo.. waaaaaah. Putek.
Oh basahin mo na sa baba ang karog… hihihi
“Palaka!”- palaka lang pala kala nyo kung ano na.. waaaah..
Napangiti si Anghel. “Palaka lang yan babes. Storbong palaka!”
Ayun. Kinuha ni Anghel tas tinapon. Balak pa sana nitong ituloy ang kissing scene nila kaso…kaso… nasampal nanaman nya..plokkk!
“Awwww naman! Para san yun?”
“Bakit mo ko hinalikan? Taking advantage ka! MANYAK!”
“What the-.. Ikaw nga tong nagpakita ng motibo eh..”
“Anong motibo? Bwiset ka lang talaga! Porket lasing ako tinitake advantage mo na ko.. Sexual harassment to ah.”
“Labo mo! Ginusto mo rin naman. Sarap ba? Hehe. Wag kang mag-alala pananagutan kita”- adik na Anghel. Hari talaga to ng pang aasar. Tsk.
“Yuck..” Sabay talikod. Napahawak ng labi sabay bulong ng… Yumyum!
YOU ARE READING
It Started with a 'K' (from A to Z)
HumorMay crush ka ba? Eh pano kung pinahiran ka nya ng kulangot, nu gagawin mo?? Gaganti ka ba? Papahiram mo rin ba sya? Haha..eh pano kung after ilang years magkita kayo ulit? Tignan po natin kung ano ang magiging takbo ng story nila Anghel at Zarren...
Chapter 2: Pader Moment (yumyum!)
Start from the beginning
