14

1.6K 100 9
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

14

"Lola, wala ka talagang maalala? " Pilit ni Arabia sa kaharap na matanda.

"Waley talaga, Ineng. Kahit anong pilit ko, wiz talaga. "

"Ganern ba, Lola? Ay wait, bakit may alam kang ganyang mga salita? " Nanlalaki ang mga mata na tanong ng dalaga.

"Isa pa iyan sa ipinagtataka namin. May mga salitang namumutawi sa kanya na kakaiba at hindi namin maintindihan. Labis na kaming nag-aalala. "

"Huwag ho kayong mag-alala, normal pa naman po si Lola. Gets na gets ko siya. "

"Arabia, nasa panahon kita. " Bulong at paalala ni Edzrael.

"Ang ibig ko pong sabihin, marahil dahil sa karamdaman kaya nasasambit niya ang mga kakaibang salita. "

"Marahil nga."

"Ang mabuti pa'y bumalik na lamang kami sa susunod na mga araw. Salamat po at pasensiya na sa abala. "

"Walang anuman. Ikinalulungkot kong hindi kayo maalala ni Impong. Wari ko'y napakahalaga pa naman ng inyong sadya sa kanya. "

********

"Malas naman oh! Bakit ngayon pa nagka amnesia si Lola? "

"Maghunusdili ka, Arabia. Isipin mong mahirap ang pinagdadaanan ni Impong sa ngayon. "

"Alam ko naman yun, Edz at naiintindihan ko rin. Ang isa sa ipinagtataka ko, bakit may alam siyang salitang pang beki o kanto? Salita sa panahon ko?"

"Hindi ko masasagot ang lahat ng iyan, Arabia. "

"Baka naman pabalik-balik na lamang siya sa panahon ko at dito sa panahon mo? Tapos na disgrasya siya nung pabalik na siya sa malunggay. nahulog siya! Hala! "

"Napakalawak ng iyong imahinasyon. "

"Eh paano mo ipapaliwanag ang narinig mo mula kay lola? Ikaw ba naintindihan mo yun ha? "

"Hindi. "

"Ang sabi ni Lola nung nakita ko siya, galing siya sa anak niya. Hindi kaya dalawa ang pamilya ni Lola? Dalawa ang dyowa niya? Isa sa panahon mo, isa sa panahon ko? Aba matindi! "

"Lubha yatang napagod ka sa ating paglalakbay. Kung anu-ano na ang iyong naiisip. "

"Kasi naman, wala akong maisip na dahilan kaya ganun si Lola. At kumbinsido na talaga ako na siya ang sagot paano tayo babalik sa normal. "

"Wala tayong magagawa sa ngayon. Ang pinakamainam na paraan ay maghintay kung ano ang susunod na mangyayari."

"Malapit na akong mag-isang buwan rito sa panahon mo, kumusta naman ako pagbalik sa panahon ko? Baka wala na akong trabaho, o kaya wala na yung mga may utang sa akin. O kaya ninenok na lahat ng gamit ko! "

"Ninenok? "

"Ninakaw. Ninenok. "

"Ganoon na ba kasama ang mga tao sa panahon mo at kukunin nila ang nga bagay na hindi nila pag-aari? "

"Edz, ikinalulungkot ko pero ganern talaga."

"O siya. Bumalik na lamang tayo sasusunod na mga araw. Ipagdasal n lamang natin na maging maayos na ang kalagayan ni Impong."

"Hay Edz, nakakaloka na talaga! Alam mo, sana isang araw, magising na lamang ako at malamang panaginip lang pala ang lahat!"

"Sana nga Arabia...sana nga."

*******************

Madilim-dilim pa lamang nung umalis sila ng bahay ni Edzrael. Wala namang reklamo si Arabia dahil sa aga ba naman nilang matulog, siguradong maaga ka ring magigising. Nasanay na rin ang binata na sa iisang kuwarto sila matulog dahil sa takot ng dalaga na mag-isa tuwing gabi.

"Edz, ilang araw na lang sasapit na ang kabilugan ng buwan, hindi ba?" Ginagaya nito ang binata sa pagtanggal ng mga ligaw na damo sa mga pananim nito.

"Oo. Bakit?'

"Anong bakit? Hindi ba't full moon 'nung napunta tayo sa panahon mo? Hindi kaya't sa susunod na full moon babalik tayo sa panahon ko?"

Biglang napahinto si Edzrael. "Maaring may katotohanan ang iyong tinuran, Arabia. O kaya'y babalik na sa normal ang lahat."

"Haaaay sana nga Edzrael!" Biglang napatigil ito sa ginagawa na napansin naman ng binata.

"Bigla kang napatigil? May dinaramdam ka ba?"

"Wala naman. Alam mo, pag bumalik na sa normal ang lahat, siguradong mami-miss kita!"

"Mami-miss?"

"Mami-miss...paano ba ipapaliwanag 'yun. Hahanap-hanapin kita, siyempre, dalawang buwan na dikit tayo sa isa't isa. Close na tayo, 'di ba? Gets mo?"

Napatango si Edzrael. "Nauunawaan ko, Arabaia, kung sakaling babalik na nga sa dati ang lahat, mami-miss rin kita." Seryoso nitong sabi.

"Hay naku! Ang drama natin, parang teleserye, naalala mo yung mga pinapanood natin sa TV?"

"Oo, Arabia. Hayaan mo't kapag ika'y nakabalik, mapapanood mo ulit ang mga tao sa maliit na kahong yaon. Halika na't mataas na ang sikat ng araw, bukas na natin ipagpapatuloy ang pagtatanim sa parteng ito."

"Alam mo, Edz, may mabuti din namang naidulot yung pagkakadalaw ko sa panahon mo. Mas na-appreciate ko ang simpleng buhay. Mas pinapahalagahan ko na ngayon ang lahat ng mga bagay-bagay."

"Napakahiwaga ng buhay, Arabia. Sadyang hindi mo aakalaing ang imposibleng mangyari ay mangyayari."

"Trot!"

"Totoo palang bumalik ang bastardo!"

Sabay silang napalingon sa nagsalita. Nakita niyang tumigas ang anyo ni Edzrael.

"Arturo?"

"Mabuti naman at nakikilala mo pa ako. Akala ko'y patay ka na, bastardo."

"Oi! Sumusobra ka na ha! Makabastardo ka, wagas!"

"Ara." Pigil ni Edzrael.

"At totoo ngang may babae kang inuwi sa bayang ito? Mukhang hindi niya nakikilala ang kanyang kaharap?"

Pumunta sa likurang bahagi ni Edzrael si Arabia, sabay bulong."

"Dapat bang kilala ko siya, Edz? Siya ba ang mayor nyo rito? Congressman? Lider ng gang?"



Love Beyond Time - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon