"Pamilyang inaayawan ang babaeng mahal ko? I hate them for feeling that way towards you."

"See? Ako lang ba lagi Phoenix?"

Natahimik siya at inihilamos ang mga kamay sa mukha.

"Mas lalo kitang minamahal dahil sa sinasabi mo. Mas lalo akong nagiging makasarili. Putang ina Millicent! Anong ginagawa mo sa akin?"

Huminga ako nang malalim. Nanginginig ang aking mga tuhod. Umupo ako sa kama malayo sa kanya. Gustuhin ko mang umalis ay alam kong hindi niya ako hahayaan.

"Baliw na baliw pa rin ako sa'yo..."

Tumungo ako.

"What would I do? What would I do for you to feel the same?"

"You don't need to do anything." Sagot ko.

"I can court you again."

Tumingin ako sa kanya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

"I can give you flowers and chocolates every day. Fetch you in school. Hold your hands while we're on a date. Eat barbeque while watching your favorite movie. Cook for you. I can do everything."

Umiling ako.

"B-bakit?" Nanginig muli ang kanyang boses.

"Kasi may mga bagay na hindi na puwedeng gawin. May mga bagay na hindi ko kayang isakripisyo para lang sa sariling kaligayahan ko."

Kakayanin kong hindi matanggap ng mga Dela Vega pero ibang usapan na kapag ginawa nila iyon kay Preston. Ayokong tanggihan siya nila. Ako na lang ang makaranas na ayawan wag lang ang anak ko dahil doble ang magiging tama niyon sa akin.

"Iniisip mo pa rin ang pamilya mo?"

Mapakla akong ngumiti. Kinagat ko ang labi dahil sa pagsakop ng panibagong sakit sa aking dibdib.

"Wala na ang nanay Phoenix." Siguro ay kailangan din niyang malaman ang tungkol dito. "Wala na siya. Iniwan na kami."

"W-what did you say?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Patay na siya."

"Kelan pa?" Bakas ang gulat sa kanyang boses.

"Tagal na rin. Ilang buwan lang ang nakalipas simula noong malaman ko na umalis ka." Iniwas ko ang tingin. Lumalabo na naman ang aking paningin dahil sa pag-ahon ng panibagong luha.

"I-I'm sorry to hear that."

"It's okay. Ganun talaga. May mga taong mawawala sayo kahit anong sakripisyo pa ang gawin mo."

Muli ko siyang tinignan ngunit hindi ko na mabasa ang kanyang ekspresyon.

"Why didn't you call me? Bakit hindi ka man lang humingi ng tulong sa akin?"

"Bakit pa? Para madagdagan ang pag-ayaw sa akin ng mga Dela Vega? Tapos na tayo noon pa, Phoenix."

Mapakla akong ngumiti sa hindi niya pag-imik.

"Lahat ginawa ko para mabuhay siya. Nandyan ang mga kaibigan ko para tulungan ako. At dumating din sa punto na dumating ang lolo ko para kunin at kupkupin kami."

"Lolo?" Kumunot ang kanyang noo.

Tumango ako. "Tatay ng tatay ko. Kaya nga nag-aaral ako ngayon."

Muli ay natahimik siya.

"Napakaraming nangyari noong umalis ka. Kaya nonsense kung magbalikan pa tayo. Nonsense kasi 'pag nangyari 'yun madami na naman ang masasaktan." Tumayo ako. "Isa pa... tumigil ka na kasi paano 'yung Severa mo?"

SurrenderWhere stories live. Discover now