CHAPTER 1

24.2K 555 22
                                    

NICK

TUMAYO NA NAMAN ANG MGA BALAHIBO SA BATOK KO. Naramdaman ko na agad ang kanyang presensya. Agad akong naglakad-takbo papalayo sa mga estudyanteng papalapit sa kinaroroonan ko. Malayo pa lang kasi ay narinig ko na agad ang boses ni Nathan. Ayoko nang mapahamak pa uli kapag napagtripan na naman nya ako. Gusto ko na lang maglahong parang bula.

Pero mukhang malabong mangyari yon. Nakakailang hakbang pa lamang kasi ako ay tinawag na nya agad ang pangalan ko.

"Hoy, Nick!! Halika dito! Sabayan mo akong maglakad!" sigaw ni Nathan, ang lalaking palaging nambubully sa akin sa loob ng university. Sa totoo lang ay hindi ko talaga akalain na makakaexperience ako ng bullying. Ngayon pa kung kailang college na ako? kung kailang akala ko'y matured nang mag-isip ang mga tao? Hindi ko naman to naranasan nung highschool. Sikat pa nga ako nun eh, president kasi ako dati ng student council. Pero ngayon kung kailang third year college na ko, bakit ganun?

"Sabi ko, sabayan mo akong maglakad! Bingi ka ba?!" Nagulat ako. Di ko namalayan na nasa tabi ko na sya habang naglalakad ako ng mabilis. Napansin pala ng mga barkada nya ang pagkagulat ko kaya naghagikhikan sila.

"Nathan--" nakatingin ako sa mga mata nya, nangingilid na naman ang aking mga luha. Iniisip ko na kung ano na naman ang gagawin nya sa akin this time.

"Hindi ka naman pala bingi eh!" sabi nya sabay akbay sa akin. Mabigat ang kanyang mga braso. Hindi ko tuloy maideretso ang aking paglalakad. Nakatingin lang ako sa kanya. Sumulyap naman ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Yung ngiting may masamang balak. Lagot na naman ako dito sa lalaking ito.

Hindi ko alam kung bakit ako lagi ang kanyang pinupuntirya. Sa katunayan ay hindi naman ako lampa at nerdy type. Kahit na minsan ay nakasuot ako ng salamin, ay bagay naman ang frame nito sa hugis ng aking mukha. Katamtaman naman ang laki ng aking katawan. Average naman ang aking height ang problema lang ay mas matangkad pa rin sya. Ang tanging mali lang sa akin ay tahimik ako at laging mag-isa. Pero hindi sapat yun para gawin nyang bad mood ang araw ko palagi. Hindi ko alam kung anong kaligayahan ang nararamdaman nya sa pangsisira ng buhay ko araw araw.

Hindi ko piniling lumaban sa kanya dahil alam ko namang wala akong magagawa kung pagtulungan ako ng mga teammates nya sa basketball. Varsity kasi sya dito sa university. Ayoko din naman magsumbong dahil siguradong papanigan nila si Nathan. Sikat kasi ito sa campus, palibhasa ay gwapo at sexy. Jock boy, kung tawagin nila sa America. Ano ba naman ang laban ng simpleng katulad ko. Bukod doon ay ayokong madungisan ang record ko sa university, baka matanggalan kasi ako ng scholarship. Yung scholarship lang naman ang dahilan kung bakit ako napilitang lumipat pa ng pinapasukan kahit third year na ako. Hindi ko naman afford mag-aral sa ganitong kaprestihiyosong paaralan kung hindi ako scholar. Mabuti na lang at nacredit lahat ng units na nakuha ko na sa previous school ko.

"Halika dito, samahan mo muna kami," bulong ni Nathan. Wala na akong nagawa nang kaladkarin nya ako sa likod ng isang building.

"M-may klase pa ako Nathan," paalala ko sa kanya.

"I don't care about your classes," walang konsensya nitong sabi. "Laro muna tayo Nick!!" Hindi na ako nakapalag nang bigla nyang tinabig ang bag ko at nahulog ito sa lupa. Hinawakan pa ako sa magkabilang kamay ng barkada nya, at sya naman ay hinubad ang t-shirt ko. Hindi ako nakareact agad at nakatingin lang ako sa kanya.

"Ano, di mo ba aagawin saken?" Natauhan ako bigla.

"Anong gagawin nyo sa shirt ko? Akin na yan!" Pinilit kong agawin ang shirt sa kamay nya pero malaki ang tangkad nito sa akin.

"Pag naagaw mo, saka ko ibibigay sa 'yo." Bigla nyang inihagis ang shirt sa isa sa mga kasamahan nya. Nagsitawanan naman ang iba. Parang mga bata. Anong saya ang naidudulot nito sa kanila? Mga baliw!! Pumikit ako at huminga ng malalim. Pagkatapos noon ay tumingin lang ako sa kanila at hindi ko na naisipang makipag-agawan.

Mr. Bully Loves Me!!Where stories live. Discover now