Chapter Eight

1.1K 36 0
                                    


CHAPTER EIGHT

#HappilyNeverAfter

"Talaga?!" Namimilog ang mga matang tanong ni Rochelle. Holiday nang araw na 'yon ngunit bukas ang flowershop nila. Nagulat ito nang ikwento niya dito ang nangyari sa kanila ni Edrico.

"Yep." Nangingiting sabi niya.

"Masarap ba?" Natatawang tanong nito.

"Ewan ko sayo!" Namumula ngunit natatawa namang sabi niya dito.

"Ayokong magmukhang kontra diyan sa kasiyahan mo pero gusto ko lang malaman kung handa ka na ba sa lahat ng maaaring mangyari?" Tanong nito sa kanya na biglang sumeryoso. Napaalis ang ngiti niya nang maalala si EJ at ang ina nitong si Melissa, napabuntong-hininga siya.

"Hindi naman sila kasal 'di ba? Hindi rin sila magkasama sa iisang bahay." Sabi niya.

"Tama ka, pero alalahanin mo lang na meron pa ring EJ na namamagitan sa kanilang dalawa." Sabi nito sa kanya. Tango lang ang isinagot niya dito. Maya-maya pa ay dumating na sina Edrico para sunduin siya. Muntik na tuloy niyang makalimutan na lalabas pala sila kasama si EJ.

"Good morning Miss Joy. Good morning Miss cute!" Bati sa kanila ni EJ. Napangiti sila ni Rochelle sa charm nito.

"Good morning handsome!" Nakangiting bati rin nila dito.

"Ako ba hindi niyo babatiin?" Sabi naman ni Edrico na nakasunod na pala sa anak nito.

"Daddy's very slow. I think he's getting older." Natatawang sabi ni EJ. Pati sila ay natawa na rin sa sinabi ng bata.

"Ikaw talaga, pinapahiya mo naman ako eh." Napakamot sa ulong sabi ni Edrico at pagkatapos ay ginulo-gulo pa ang buhok nito.

"Daddy, you're messing up my look!" Sabi nito na kunwari ay naaasar. Natawa na lang sila sa kakulitan nito. Mas mature talaga ito magsalita at mag-isip kung ikukompara sa ibang mga bata.

"Ang mabuti pa, umalis na tayo dahil baka naiistorbo na natin itong Tita Rochelle mo." Sabi ni Edrico na nangingiti.

"Ano ka ba! Okay lang 'no? Ang cute-cute nga nitong anak mo eh." Sagot naman ni Rochelle.

"Syempre, kanino pa ba naman magmamana 'yan?" Tila proud na proud na sabi ni Edrico.

"Hay naku! Alis na kami bakla, baka mamaya magkabuhawi pa dito sa loob ng flowershop natin." Natatawang sabi ni Rea Joy sabay hatak palabas kay Edrico.

"Bye Miss Cute!" Pagpapaalam ni EJ kay Rochelle sabay flying kiss.

"Bye." Nakangiting kumaway na din ito sa papalayong bata. Nag-flying kiss din si Rea Joy sa kaibigan bago sila tuluyang nawala sa paningin nito.

NAPILI NILANG magpiknik sa isang beach resort na nasa kabilang bayan lang. Maraming activities doon at talagang alam niyang mag-i-enjoy sila.

"Daddy, can we do this with Mom next time?" Tanong ni EJ sa ama. Napatingin sa kanya si Edrico na tila humihingi ng paumanhin sa pagkakabanggit ng bata sa Mommy nito. Tumango lang siya at ngumiti dito na tila nagsasabing naiintindihan niya ang bata.

"Sabihin mo na lang sa Mommy mo kapag nagkita kayo anak. For the meantime, let's enjoy the day with teacher Joy. Okay lang ba sayo?" Nakangiting sabi nito sa bata.

"Okay na okay!" Sagot nito na hinawakan pa sa kamay si Rea Joy at inakay sa buhanginan.

"Hey handsome! What are you doing?" Natatawang tanong niya sa bata.

"Let's make sand castle, Miss Joy!" Nakangiting sabi nito na nagsimula nang dumakot ng buhangin. Maya-maya pa ay katulong na nila si Edrico sa paggawa ng sand castle. Tuwang-tuwa si EJ nang magkaroon na ito ng hugis. Pagkatapos nang mahigit isang oras na paghuhulma ay natapos rin nila ito.

His Pretty Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now