Chapter Five

1.4K 39 0
                                    


Chapter Five

#PartingTime
#TheirDreams

PAGKATAPOS ng Prom ay hindi na sila masyadong nag-iimikan ni Edrico. Nagkakasabay pa rin sila sa pagpunta sa school ngunit halos hindi na sila nag-uusap nito. Ilang araw na lang at magtatapos na ito ng high school. Nalaman niyang aalis pala ito para mag-aral sa Maynila dahil 'yon ang gusto ng kapatid nito. Naisip tuloy niya na siguro, oras na talaga para mag move-on.

"Sa'n mo gustong pumunta bakla?" Tanong ni Lovely sa kanya pagkatapos ng kanilang final exam.

"Kahit saan." Sagot niya dito.

"Mga bakla, alam niyo ba kung saan banda ang 'kahit saan'? Parte pa ba ng Visayas 'yon?" Tanong nito sa pinasiglang tinig.

"Tongek! Isang sitio 'yan malapit sa Barangay Hindi Makita, Nawawala City. Hindi mo alam?" Natatawa namang sagot ni Elaine. Napangiti siya sa takbo ng usapan ng mga ito.

"Ngingiti din naman pala, pagmumukhain muna akong tanga." Nakangusong sabi ni Rechel.

"Ang mabuti pa, pumunta na lang tayo kina Queendwelyn, mag-movie marathon tayo." Suhestiyon ni Rochelle.

"Oo nga! Gaya ng dati mga bakla!" Excited na sabi ni Kriszia.

Bitbit ang kani-kanilang backpack ay sama-sama nilang tinungo ang sakayan papunta sa bahay nina Queendwelyn. Mabuti na lang talaga at nandito pa ang mga kaibigan niya. Alam niyang kakayanin niya ang pagsubok na ito.

Makakalimutan rin kita!

DUMATING NA ang araw ng pagtatapos ni Edrico. Inimbitahan sila ng Mama niya na dumalo sa mumunting salo-salo na inihanda ng Mama nito para dito.

"Salamat sa imbitasyon, Mare." Sabi ni Aling Gloria, ang nanay ni Rea Joy.

"Ano ka ba naman Mare, tayo-tayo lang naman ang magkakapit-bahay dito 'no?" Masayang sabi naman ni Aling Patricia, ang nanay ni Edrico.

"Kumain na po kayo." Sabi ni Edrico na dumating na mula sa kusina upang kumuha ng plato.

Umupo na silang lima kasama ang Mama at Papa ni Edrico. Bigla tuloy nakaramdam ng lungkot si Rea Joy dahil naalala niya ang kanyang ama. Her father died when she was in grade four. Naaksidente ang jeep na sinasakyan nito kaya mag-isa na lang silang itinataguyod ng kanilang ina. Dalawa lang silang magkakapatid at puro pa babae.

"Okay ka lang ba?" Pabulong na tanong sa kanya ni Edrico habang busy sa paghuhuntahan sina Aling Gloria at Aling Patricia. Nakikinig lang naman sa mga ito si Mang Ernesto, ang ama ni Edrico.

"Oo naman." Sabi niya na pilit na ngumiti.

"Mukhang hindi ka naman okay eh." Sabi nito.

"Okay nga ako eh." Giit niya dito.

"Nagbreak siguro kayo ni Mark 'no?" Tanong nito sa kanya.

"Pa'no kami magbe-break eh hindi naman kami?" Patanong din na sagot niya dito.

Hindi ito sumagot pero nakita niyang napangiti ito at tila biglang umaliwalas ang mukha. Mabuti naman at matagumpay niyang naiba ang usapan. Baka kasi mapaiyak siya nang wala sa oras at magtaka pa ang Mama niya.

"Akala ko kayo na." Sabi nito sa mahinang tinig ngunit umabot pa rin sa kanyang pandinig.

"Pa'no mo naman nasabing kami na?" Takang-tanong niya dito.

"Halos hindi na kasi kayo naghiwalay no'ng prom eh." Sabi nito.

"Bakit kayo ni Melissa, naghiwalay ba?" Tanong niya dito.

His Pretty Angel (COMPLETED)Where stories live. Discover now