Chapter Two

1.8K 48 0
                                    

CHAPTER TWO

#HerSecretAdmirer
#AngPagdududa

Tatlong araw na ang nakalipas at nananatiling palaisipan pa rin sa kanilang lahat kung kanino nanggaling ang kapirasong papel na 'yon. Hindi sila makahanap ng sapat na ebidensiya kung sino talaga ang tunay na salarin.

"Good morning earthlings! Love is in the air! Can you feel it?" Nakangiting sabi ni Elaine. Palibhasa in love kaya inspired.

"Wala ngang forever 'di ba?" Sabi naman ni Kriszia na alam naman nilang nagbibiro lang.

"Napaka mo talaga!" Sabi ni Elaine.

"Napakaganda, alam ko!" Sabi naman ni Kriszia.

"Napaka-bitter 'kamo!" Sagot naman ni Elaine na pinagtawanan lang ni Kriszia.

"Kamusta ang puso mo?" Tanong ni Rechel kay Rea ng mapansing tila hindi ito umiimik.

"Natatakot." Wala sa sariling sagot niya.

"Bakit?" Tanong naman ulit nito. Hindi na sila sumali pa sa mga kaibigan nilang nakikipagdaldalan sa isa't isa.

"Malapit na kasi ang graduation nila." Malungkot na sagot niya.

"Normal lang naman 'yon 'di ba? Pero sabi nga nga nila, graduation is not the end of everything but the beginning of another journey in our lives." Sabi nito na animo'y nagdedeliver ng valedictory speech sa stage.

Bahagyang natawa siya sa inakto nito pero hindi pa rin nawawala sa isip niya ang takot na malapit nang dumating ang araw na magkakahiwalay na sila.

"Pa'no kung totoong 'goodbye' na talaga 'to para sa'ming dalawa?" Tanong niya.

"Eh 'di maghanap ka nang bago." Suhestiyon nito.

"Hindi naman ganyan kadali eh. Four years na Rechel, four years na itong nararamdaman ko para sa kanya. Sa tingin mo, madali lang kalimutan 'to?"

"Oh, edi wow! Maka-emote ka naman bakla, akala mo ikakasal na 'yong tao. Ba't di mo kaya subukang sabihin sa kanya?"

"Para ano? Para mapahiya?"

"Mapapahiya kaagad? 'Di ba pwedeng kiligin muna siya? Napaka-nega mo naman." Sabi nito.

"Eh, ako 'yong babae eh. Dapat siya ang magtapat at manligaw."

"Ang tanong, kapag nanligaw ba siya sasagutin mo?"

Bigla siyang napaisip sa sinabi nito.

"Ummm ... oo, baka ... ewan!" Nalilitong sagot niya.

"Oh, kita mo na? Kahit nga ikaw hindi sigurado eh."

"Ang babata pa naman kasi namin para pumasok sa isang relasyon eh."

"Exactly!"

"Kaya lang natatakot naman ako na baka mawala siya."

"Kung siya talaga ang ibinigay sa'yo ni Lord, pagtatagpuin at pagtatagpuin Niya kayo sa tamang oras at sa tamang pagkakataon." Sabi nito.

"Ang galing ah! Sa'n galing 'yan?" Nangingiting sabi niya.

"Nabasa ko sa pocketbook ni Rochelle." Natatawang sabi naman nito.

"Kaya naman pala eh!" Natatawang sagot naman niya. Natigil ang kanilang pag-uusap dahil dumating na ang kanilang guro.

PAGKATAPOS ng klase ay dumiretso na siya sa sakayan ng tricycle. Naabutan naman niyang papaalis na ang sinasakyan ni Edrico. Hay! Sayang!

His Pretty Angel (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz