God Gave Me You - 06

Start from the beginning
                                    


Hakab na hakab ang boobs niya sa suot niyang blouse at konting-konti na lang ay parang may makikita na 'kong hindi ko dapat makita. At palda niya—wait, palda pa ba 'yon o kakarampot na telang nagpapanggap na palda? Ah, ewan!


"Have a sit, please," utos ko sa kanya.


"Saan? Dito o diyan sa kandungan mo?"


Napalunok ako dahil sa sinabi niya. I'm not so used with kind of conversation.


Mabuti na lang at to the rescue agad si lola Nidora. "Makati ka rin, eh, noh?"


"Ay opo, taga-Makati nga po ako. Paano niyo nalaman?"


"Sus ginoo! Malaki lang ang bobelya, bungol at bobita naman," lola kept murmuring na I doubt kung naiintidihan ni Scarlet.


Tumikhim ako para tumahimik na si lola. "So Scarlet, may experience ka na ba—"


"Experience sir?" putol niya sa sinasabi ko't tinitigan pa 'ko ng malagkit sa mga mata. Naroong kinagat-kagat pa niya ang pang-ibaba niyang labi.


"Oo, experience sa pag-aalaga ng matatanda," pagpapatuloy ko.


"Oo naman, sir. Ilang matandang lalaki na ang dumaan sa mga kamay ko sir. Kung ikaw nga, eh, pwede ring kitang alagaan ng libre," aniyang dumukwang pa sa mesa para mapaatras ako nang bahagya.


This girl is impossible! Next! Gusto ko sanang isigaw.


"Hmm, hindi ko pa naman kailangan ng caregiver. Anyway, tatawagan ka na lang ni inday once ikaw ang napili namin, okay?"


"Okay. Pero pwede namang ikaw na lang ang tumawag sa akin. Nandiyan ang number ko sa folder. You can me anytime, baby," aniyang hinawakan pa ako sa isang pisngi.


Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na ng library si Scarlet. Ang sumunod ko namang tinawag ay Kirst ang pangalan. Si Kirst ay male counterpart ni Scarlet—matangkad, macho, gwapo, long hair at oozing with sex appeal. Papasang model ang isang 'to. Nang pasadahan ko ang resume niya ay nalaman kong nursing graduate pala siya.


At ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bigla na lang mapatili si lola Nidora na kanina lang ay napakatahimik naman. "Siya na! Alden hijo, siya na. Feeling ko gagaling ako kapag siya ang caregiver ko," aniyang bahagya pang hinihimas ang isang braso ko. "Sige na kunin na ang testamento. Limang taon siyang magiging caregiver ko. 20k ang starting salary, with SSS, GSIS, Pag-Ibig lahat na! Push na nating 'to!" pagpapatuloy ni lola na ngayon ay nakapulupot na kay Kirst.


Wala na 'kong nagawa kundi ang senyasan na lang ang aplikanteng si Kirst na tatawagan na lang ito para sa resulta. Good thing na mabilis ang pick-up ng lalaki.


"Kirst, baby, where are you going? Come back here! Kirst!" parang batang nagpapadyak si lola.


Bumalik naman si Kirst para lang sabihing, "I'll be back if I'll be hired as your caregiver, okay? You take good care of yourself."


"Ahhh, that's so sweet baby." Iyon lang at tuluyan nang umalis si Kirst habang si lola Nidora naman ay hindi napigilang mag-walling.


"Hijo, siya na lang. Si Kirst ang gusto kooo," ani lola na naka-pout pa ang lips.


Pero hinayaan ko lang siya sa pagdadrama at tinawag ko na ang huling aplikante na Belen ang pangalan. She's at her early thirties. And based sa resume niya, siya ang pinaka-qualified sa lahat ng applicants. Graduate ng caregiver program sa TESDA at mahigit limang taong nagtrabaho sa Canada. Mukhang naman siyang mabait at professional kaya nag-decide akong siya na ang kunin.


"Congratulations. You're hired," sabi ko kay Belen na kinamayan siya.


"NOOO!" biglang sigaw ni lola. "I don't like her. I want Kirst!" sigaw pa nito bago tuluyang lumabas ng library.


"You may start on Wednesday."


"Salamat nang marami, sir." Iyon lang at nagpaalam na si Belen.


Nag-iinat ako ng katawan nang biglang bumukas ulit ang pinto at sumilip ang ulo ni inday.


"Sir, may isang aplikante pa pong hahabol sana."


"Naku, may napili na ako," sagot ko kay inday sabay dampot sa phone ko at saka naglakad palapit sa pinto.


Pero ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita ang babaeng mag-a-apply rin sana. Walang iba kundi ang babaeng nakita ko sa McDonalds at NAIA.


Is this destiny?




Compilation of Best Love Stories [COMPLETED]Where stories live. Discover now