"So ako yung may kasalanan ??Ganon??"
"Uyy Nic,dapat ka ngang magpasalamat sakin!"
"At bakit naman ako magpapasalamat sayo aber?" Sumbat ko. Bakit nga ba? Sya nga tong dapat sana magpasalamat e. Naku ang sarap kutusan nito puro gwapo inaatupag.
"Kasi napansin ka ni Timothy. Ako nga yung may number sa kanya pero di nya sinasagot yung mga tawag ko."
"What? ..stalker kana pala ngayon lex?"
"Matagal na no.Crush ko kaya si Timothy." proud nyang sabi
"Wow ha! Crush? Ang babaw mo naman lex. Magka crush ka sa ganyang tao?"
"Uyyy?! Ang gwapo kaya ni Timothy" pagmamalaki pa nya.
Hmmpt! Di ako magpapatalo no.
"Gwapo?Hindi naman sya katulad ni Enrique Gil na pinapantasyahan ng mga babae at higit sa lahat hindi sya katulad ni James Reid na hinahangaan at minamahal ko ! "pagmamalaki ko pa sa kanya
Honestly? Idol na idol ko talaga si James. Hays. Kaso,walang pag asa. (Napabuntong hininga nalang ako)
"Naks! Lakas ng tama ni best friend ah. Hinding hindi ka mapapansin non!"
Wag mo nang ipamukha lex .. Eto naman oh. Kaibigan naman kita bat di mo nalang ako supurtahan kay baby James ko. Yan sinasabi ng isip at puso ko.Charot lang.
"Libre kayang mangarap. Kaya wala kang pakialam kung magkatuluyan kami sa panaginip ni baby James. Tsaka yung Timothy mo? Laos na yan no!"
"Anong sabi mo miss?" sumbat ng lalaking kakarating lang. TSK! Di ko naman nakita kasi nasa likod ko sya.
Hmmm. Gusto nyang sumali sa chika naming magbestfriend,okay.Ipagkakalat ko na laos na yung timothy na yan. (Evil smile)
Lexie's P.O.V
Oh My Goosssh! Si crush pumunta sa school namin pero si Nic hindi tumitigil sa pagkukumpara kay James Reid at Timothy. Waaaahh? Ghaaadd! Di sya tumitingin sa likod nya.Ang slow ni Nicole! Di nya naiintindihan yung facial expression ko.
"Anong sabi mo miss?"tanong ni malabs Timothy.
Waaaah! Yung boses nyaaaa.. Nakakainlove.Shemmaaay!
"Sabi ko yung crush ni lexie laos na!" talak ng bestfriend ko
"Laos? Talaga lang ha?"
nanlilisik na mata ni crush.Sana walang mangyaring masama sayo Nic.
"Tsaka hindi naman sya kagwapuhan. Ano bang nagustuhan mo sa lalaking yun lex?"
Naku! Kung lingonin mo yung nasa likod Nic. Mapanganga ka sa kagwapuhan nya.
"Lex??! Sumagot ka? Bat nakatulala ka dyan!?"
Gooosh.Tumigil kana Nic! Yung mukha ni Timothy galit na galit na. Babatukan talaga kita mamaya. Ang SLOW talaga! Grrr..
"Bakit mo nasabing hindi sya gwapo? Nakita mo na ba sya?"
"Halata kaya sa boses nya.Teka? *tumingin sa likod* Sino ka ba?"
"*Evil Smile* Ako lang naman yung lalaking sinabihan mong laos. I'm Timothy Alexander Dee! Ano? Nganga ka no? At last nahanap din kita Jade Nicole Chua!"
Mukhang may masama syang plano. Ayoko na sayo Timothy. Yung kaibigan ko namumutla na. Ano kayang gagawin ni Nic.
"Ahh.. Eeehh..Lex! 1.2.3.TAKBOOOOOOO!!"
OO NA! Nadala na din ako sa takot ng best friend ko.Damay-damay na to.
Nicole's POV
Sheemaaayyy.Ang gwapo nga nya. Ayst! Erase.erase! Di sya gwapo Nicole. Maging tapat ka kay baby James mo. (Sabi ng utak ko) Oo nga naman. Loyal pala ako kay babe ko. Napailing nalang ako may problema pa pala akong hinaharap.
"Bat di mo sinabi na nasa likod ko na pala yung mokong na yun!"galit kong sabi habang tumatakbo
"Kasalanan ko bang di mo naintindihan mga facial expression ko ! Ang SLOW mo kasi. Baka POREBER na kayo ng pagka SLOW mo!"
"Kung sinabi mo nalang kaya sakin na nandyan na pala!"
"Ewan ko ba.Nabigla ako nung dumating sya.Tsaka. Kinilig kaya ako nung makita sya. Di na nga ako makapagsalita non." nakangiti pa ito habang nagsasalita.
"Tsk! Basta! Kasalanan mo parin" inis kong sabi sa kanya
"Uyyy! Di ah!" Di tumitingin sa dinadaanan.
"Leeeexxx! Mababangga ka!" *boooggsssh!*
Ayst! Nabangga nga. Teka,parang kilala ko tong lalaki na to!
"Ouch! Sakit ng likod ko."napahimas ang kaibigan ko sa likod nya.
"Uyyy..Ok ka lang? Tumayo kana lex. Baka maabutan pa tayo ng mokong na yun!" pagmamadali kong sabi sa kanya. Like hello? Baka kung ano pang gawin samin.
"Miss,sorry"sabi nung lalaki
"Josh??"
Josh?? Parang pamilyar talaga. Tinitigan ko sya ng mabuti at naalalang ex-boyfriend sya ni lex.
"Lexie? Naku! Sorry"
"Ok lang! Sanay naman akong sinasaktan mo!"
Ayy. Ang drama ng bestfriend ko.Naawa na ako sa kanya.TSK! Yung kamay ko.Ready na manampal ng mukha !
"Teka?Sya ba?"sabi ko. Naninigurado lang.
"Anong ako?!"
Talaga nga naman. Nagpipigil na ang kamay kong sampalin kang lalaki ka. Grrrr! Pag nakompirma kong ikaw yun humanda ka sakin.
"Sya ba yung nanloko sayo lex?"
"Oo" habang nakayuko
--VOTE AND COMMENT--
kamsahamnida *-*
YOU ARE READING
Wrong Number
RomanceWe cannot avoid making mistakes. What if that mistake was the reason your life changed. Dahilan kung bakit mo sya nakilala. Ang taong magiging parte pala ng buhay mo. It all started with a Wrong Number.
Chapter 1 : Calling Unknown Guy
Start from the beginning
