Chapter 35

36 1 0
                                    


C35_5yearsLater

Sam's POV

*arf!-arf!-arf-arf-arf-*

"One.."

*arf*arf*arf*arf*

"Two.."

*arf*arf*arf*arf*

"Three.."

*arf*arf*arf*arf*

Napabangon na nga ako sa kama ko.

"ANG INGAAAAY NIYOOO!!!"

Nakatingin lang silang tatlo sa akin. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga asong toh?

Bakit ba kasi lahat, mga lalaki tong anak ni Chelsea? Namatay na din kasi si Chelsea, two years ago. Sobrang katandaan na din siguro, kaya nagkasakit. Sinubukan ko naman siyang iligtas, pero walang nangyari.

Bumangon na nga ako at bumaba, ganun din ang ginawa ng mga asong toh. Malaki na din silang tatlo, kaya para hindi na ako mahirapan sa katatawag sa kanila, one, two at three ang ipinangalan ko sa kanila.

"Wane? Tumawag pala ang kuya mo na pinapa-attend ka ng meeting, baka daw may suggestions ka sa pag-uusapan nila sa meeting."

Napangiti din ako sa kanya. Maayos na din kami ni mama.

"Wala ng bago kay kuya, ma." Aish! Ang kapatid kong yun!!

"Mainit lang ang ulo nun, hindi pa kasi sinasagot ng nililigawan niya." Natawa nalang kaming pareho ni mama. Pero hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino ang babaeng yun.

Dapat ako yung tinuturuan niya eh. Ako pa talaga ang hihingan ng suggestions?

Maaga na din akong umalis sa bahay. Dumiretso na ako sa studio. Yeah. Photography ang kinuha ko. And I don't know why at kung paano nagbago ang isip ko. Pero nagsimula lang naman yun sa isang litrato na nakuha ko before.

All I know is, kailangan kong macapture ang bawat moments ng isang tao. Kahit sa isang photograph, marami kang memories na maaalala.

Psh. Ang drama.

"Good morning ma'am."

"Good morning, nandiyan na ba ang mga models?" Mukhang tambak na trabaho ngayong araw. Pero ok lang, enjoy naman.

"Yes, ma'am."

"Good, pakihanda nalang ang camera ko." Dumaan muna ako sa office ko at iniwan ang bag ko, syempre, kumuha muna ako ng chocolate.

"Ma'am, May letter pong dumating if possible daw po tayo daw po ang mag--"

*kriiiiing*

Si kuya...

"Excuse lang ah?" Ano na naman kaya ang problema nila?

"Hello?...kuya?"

(Don't forget this 2pm.)

"Kaya mo na yan." Mabait lang kasi siya pag may kailangan. Pero, pareho lang naman kami.

"Miss, handa na po sila.." Sabi ni Dana.

"Sure. Wait lang... 2 minutes.." mabuti naman at naintindihan niya agad.

(Busy?)

"alam mo namang busy ako, dadagdag ka pa."

(Sige, okey lang kung hindi ka makakapunta.)

Ms. Troublemaker & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon