Chapter 17

18 1 0
                                    

 C17_...beating fast

Sam's POV

"Thanks to you, ms. Samantha, the troublemaker..." bakit? Bakit ang lapit nya??

Hinalikan nya nga ako sa...

-

-

-

-

Labi ko??

Si...si..si. Dylan?

Hindi pwede?!

"AAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"


"Gising na din ang sleeping beauty" napatingin ako sa nagsalita. Si Darius? Teka? Asan ako? Bakit nasa kwarto na ako? Nasa school pa kami ah? Hala??? Si.. si D..


"Psh..Linisan mo nga yang madumi mong utak miss TM" naunahan na naman ako ng Darius na toh?


"Asan ako? Panu ako napunta dito?!" Baka ito na ang tinatagong sekreto ng magkapatid na toh.


"Bahay po namin ito, kaninang umaga kayo umuwi dito ni kuya, at dahil antok na din sya, hindi na sya nakapagdrive, kaya tumawag nalang sya dito. Okay na?" Ganun pala? Aah grabe? Nakakapagod ang ginawa ko?

Pero teka?? Yung panaginip ko kanina, bakit? Bakit? Parang totoo talaga??

Ugh! Panaginip lang yun, Sam!!


"Hoy? Anong oras na?"


"Ano ako wall clock?" Naalala ko naman ang linyang yun nung tinanong ako ni mama. Ang sama ko na pala.


"11:30"


"ANO!!?" Naku naman??? School Fest ngayon diba?

Tumayo na nga ako at tumigil agad. Hindi ko nga pala kwarto toh.


"Hoy? Darius? Asan ang banyo? May extra damit ka ba?"

Inabot naman nya sakin ang isang paper bag.


"Pinapabigay ni kuya, andun ang banyo" napangiti ako dun ah? Anong nakain nito at bumait sakin?

Naligo na nga ako at nagpalit ng damit.


After 15 minutes, tapos na din! Bilis ko nuh?

Bumaba na nga ako at nakita ko si Darius sa dining table.


"Wala ka ba talagang kasama dito? Ang laki ng bahay nyo pero..." Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang isang katulong. Sabi ko nga may kasama sya. Namiss ko tuloy bigla si nana Rosie.


"Aah? Hello? Akala ko kasi..."

"Naku, hindi naman yun problema ija" nakangiti nyang sabi. Mabait naman pala.

"Maganda ka nga talaga, ija" Naku naman? Matagal na?! Hahaha

"Tha--"


Ms. Troublemaker & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon